news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266106 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 725  kamael25

    03/08/2010 | 11:15 PM
    HAIL QUEEN OF ALL MEDIA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 724  kamael25

    03/08/2010 | 11:15 PM
    HAIL QUEEN OF ALL MEDIA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 723  apolinario

    03/08/2010 | 11:11 PM
    Ruffa the walk out beauty..

    ang professional ay di sumusuko lang basta..

    parang bata sya that day,, emotional kasi paalis sya.. talagang mamimiss nya ang ABS..

    eh ayun, pikon lang yun si Ruffa..

    Mas malala pa nga ang pang-ookray sa kanya ni Ai Ai eh.... pero biruan lang naman yun kaya ok lang..

    ang pikon ay laging talo..

    Anabelle, hay naku.. ewan ko sau
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 722  lupine

    03/08/2010 | 11:07 PM
    I would rather have kris Aquino in Malacanang because I know for sure she will not threaten you with anything but talk, more talk...we just listen..who else you can get out there, Bong R?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 721  ladyucks

    03/08/2010 | 11:03 PM
    Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino...talaga lg ha...ginamit lg si kris para sa gimik ng mag inang ito di ba...ang lakas ngayon ng pangalan ni ruffa!!galing pumili ng gagamitin!!!!bravo...congratulations sa gutierrez family...wagi ang gimik nyo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 720  murrah

    03/08/2010 | 11:02 PM
    THUMBS UP AKO DITO: from cluziyako

    KRIS AQUINO:
    quot;quot;1. Apo lang naman sya ng isa sa pinakamayamang angkan sa Pilipinas

    2. Anak lang naman sya ni Ninoy Aquino na kinikilalang bayani natin ngayon...nakasulat sa libro ang kasaysayan nya...nakatayo sa gitna ng Makati ang rebulto nya..may saysay sa History ng Pilipinas.

    3. Pinalaki sya ng the late President Corazon C.Aquino...bayani ng demokrasya at naging huwarang lider at ina ng Pilipinas..

    4. Sya bilang Kris Aquino kahit may pagkakamali mang ginawa natutong bumangon sa pagkakamali at nag eexcell sa lahat ng larangang pasukin nya...quot;quot;


    RUFFA GUTIEREZ:

    1. Anak ng pang bansang takalesa sa pilipinas

    2. un lng wala ng kasunod......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 719  murrah

    03/08/2010 | 10:54 PM
    THUMBS UP AKO DITO: from cluziyako
    KRIS AQUINO:
    quot;quot;1. Apo lang naman sya ng isa sa pinakamayamang angkan sa Pilipinas

    2. Anak lang naman sya ni Ninoy Aquino na kinikilalang bayani natin ngayon...nakasulat sa libro ang kasaysayan nya...nakatayo sa gitna ng Makati ang rebulto nya..may saysay sa History ng Pilipinas.

    3. Pinalaki sya ng the late President Corazon C.Aquino...bayani ng demokrasya at naging huwarang lider at ina ng Pilipinas..
    THUMBS UP AKO DITO: frm cl
    4. Sya bilang Kris Aquino kahit may pagkakamali mang ginawa natutong bumangon sa pagkakamali at nag eexcell sa lahat ng larangang pasukin nya...quot;quot;


    RUFFA GUTIEREZ:

    1. Anak ng pang bansang takalesa ng BANSAquot;

    2. un lng wala ng kasunod......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 718  vivahotcake

    03/08/2010 | 10:53 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 717  californiastar5

    03/08/2010 | 10:52 PM
    Si NOYNOY AQUINO Ang iboboto naming buong angkan hindi si MONEY BILLIAR na ginagamit ang pangalan ng mga mahihirap para lang maging wealthy and powerful. Kawawang mga poor lagi na lang ginagamit di ba Erap???

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 716  californiastar5

    03/08/2010 | 10:49 PM
    Wag lang sabihi na kawawa ang Pinas pag si Noy ang naupo. Hellooo dati ng kawawa ang Pinas noh! Kaya si Noy napakiusapan ng NAKAKARAMI na mag run for Presidency to help. Hindi uhaw sa power si Noy, tinanggap lang niya ang hiling ng bayan. Pwede ba????

    At si Kris hindi nagpa-power tripping dahil kahit noong President ang Nanay nya hindi sya naglagi ng Malakanang para magmando mando lang ay mag-prinsesa. Ano ba yan makakalimutin na ang mga utaw. Ngayon pa kaya na brother niya ang tatakbo saka siya yayabang. Esep esep nga kayong inis kay Kris.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 715  Shodi_Laysho

    03/08/2010 | 10:48 PM
    sa tingin ko ito si ruffa di talaga masaya na lilipat xa sa TV 5 , dahil lng sa malaking pera offer niya kaya napilitan xa.. ni ririsk niya carrer niya hay nku mukhang pera talaga dami pang drama kung aalis non sense talaga pag walk out niya OA as n talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 714  Shodi_Laysho

    03/08/2010 | 10:48 PM
    sa tingin ko ito si ruffa di talaga masaya na lilipat xa sa TV 5 , dahil lng sa malaking pera offer niya kaya napilitan xa.. ni ririsk niya carrer niya hay nku mukhang pera talaga dami pang drama kung aalis non sense talaga pag walk out niya OA as n talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 713  murrah

    03/08/2010 | 10:44 PM
    MANNY VILLAR TALAGA ANG IBOBOTO KO

    pero sana naman wag namang idamay si NOYNOY dito,iba si kris at iba si noynoy,hndi sila iisang tao lng.

    and please miss ruffa and annabelle kung gusto ninyo umalis sa ABSCBN..umalis kayo ng maayos, wag kayong nagkakaladkad ng pangalan..HNDI KAYO PERPEKTO, si ruffa din nangbabara din siya kay boy and kris and wala tayong nakikitang kaartehan sa kanila at paiyak iyak effect....FOR what? para pag usapan ka miss ruffa?huh LUMA na style ninyo!

    and to tell you the truth mas magaling talaga mag conceptualized ang ABS CBN kesa sa GMA7, may mangilan ngilan na maganda ang GMA pero iba parin ang karamihang show sa ABS..

    ruffa and annabele...kung aalis kayo umalis na kayo...tama na ang gimik wag kayong maginarte..at kahit san ko panuurin hndi pangbabara iyong ginawa ni kris..

    inis ako kay kris tlaga, pero sa nagyon nagsasabi ako ng totoo...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 712  honeybadger

    03/08/2010 | 10:44 PM
    what's the use of winning a title if you're just gonna end up a bruneiyuki?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 711  honeybadger

    03/08/2010 | 10:42 PM
    those who get hurt and can't defend themselves intelligently against kris are pathetic losers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 710  rhiamags

    03/08/2010 | 10:41 PM
    malakas talaga personality ni kris pero parang ang babaw ng reason ng pag-walk out ni ruffa! di naman inatake ni kris ang pagkatao niya. pinaamin lang siya na mas masaya sa abs. obvious naman na di 100 happy si ruffa sa paglipat kaya siya naging apektado mashado. parang mga bata mag-isip.

    si annabel wala sa ayos ang logic! tama ba naman na idamay si noynoy? kahit di ko gusto si noynoy, unfair naman yung sinabi niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 709  honeybadger

    03/08/2010 | 10:41 PM
    parang wala naman akong nabasa na bitter ang mga kapamilya sa pag-alis ni rufing. hey mga kapamilya, bitter ba kayo sa pag-alis ni rufing? may nagtatanong.
    as for me, manonood na ulit ako ng the buzz as soon as wala na doon si rufing. huwag lang si gretchen ang ipalit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 708  mozart2010

    03/08/2010 | 10:39 PM
    magiging 2nd princess ba sa Ms. World nung 90s si RG if di sya smart and intelligent?? few pinays ever reached that far pag sa contest na yan ka sumali...intimidated naman sa kanya si KA kahit nuon pang bumalik sya sa TB.. talagang lagi niyang binabara si RG.. well pinapakita lang kasi ni RG magandang manners nya..eh si KA nyo subok na sa pagiging tactless and insensitive sa feelings ng iba.. ask nyo pa si korina, si aiai, si cristy- na number 1 enemy ni KA,si john L.,etc..when kris opens her mouth.. di sya nagmumura pero palaging implied ang sinasabi nya which hurts other people..di ba mayen???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 707  clizuyako

    03/08/2010 | 10:34 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 706  clizuyako

    03/08/2010 | 10:33 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About