news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266100 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 645  mysticalfire

    03/08/2010 | 07:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 644  MszFulltymChix

    03/08/2010 | 07:21 PM
    imjust2cute

    kung maarte si Kris anu pa kaya si Ruffa?

    Mukhang Pera? Korek!!!!!!



    wahahahahahhaahahhahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 643  imjust2cute

    03/08/2010 | 07:08 PM
    napansin qna b4 pag naka2panood aq ng the buzz lagi nga binabara ni kris si ruffa, feeling q dun, inggit lang talaga tong si kris kay ruffa...kaya d talaga nano2od ng d buzz eh, unang-una sobrang arte talaga nyang si kris..nuknukan talaga ng arte, d pwedeng hindi isi2ngit ang sarili nya pati anak at asawa nya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 642  MszFulltymChix

    03/08/2010 | 07:07 PM
    ang mga PAMILYANG GUTIERREZ hindi kylangan kainggitan kaya wag nyo sinasabi na naiinggit si kris ky ruffa kahit sinu siguro maddisapoint ky ruffa nang dahil lang sa mas malaki ang offer nang TV5 llayasan nya na ang show na halos bumuhay sa knilang mag.iina nung iniwan sya nang asawa nya sabagay hindi nako magtataka like mother like daughter ppreho silang mukhang pera kya wala nang bago dun.pero sana lng hindi na sila gumawa nang gimmik na gnito pati si noynoy na nnnahimik idinamay pa kung tutuusin si monster mom nga ang mkapal ang mukha eh eh dahil nagwa nyang papirmahin ang anak nya sa TV5 nang hindi pa tapos ang kontrata sa the buzz grabe super mukhang pera tlga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 641  MszFulltymChix

    03/08/2010 | 07:00 PM
    ang dami nyo pa sinasabi 3years na si ruffa sa the buzz ngaun lng sya nag.inarte at dahil un sa paglipat nya sa TV5 and its all about money tulad nga nang sinabi ni ruffa sa interview hindi daw kaya tapatan nang ABS-CBN ang offer ng TV5 bkit magkano ba inooffer ni anabil si ruffa?wahahahahaha para nmn npka smart nya para taasan ang talent fee at khit umalis si ruffa hindi kawalan sa the buzz dahil pag.dating sa POV wla syang matinong comment lagi lng sya nakikisakay ky Boy..

    ruffa is like her mom super mukhang pera kung walang pera ikamamatay nilang mag.ina wahahahahahahahahaah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 640  coteazur

    03/08/2010 | 06:54 PM
    kris is inngit yun lang yun,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 639  mysticalfire

    03/08/2010 | 06:34 PM
    nabu bully na pala ngayon ang kapre..hoy ruppa plastikera gimikera ka kaya siguro nabugbog ka ni ylmaz kasi manipulative ka..ikaw raymunda spell yourself: B-A-D-I-N-G.ikaw monkey monkey anabil..papakaenen ka namen ng sageng para magkapuso ka day.. sabi nga ni mark laped sageng lang ang may puso..sageng lang..Guttierez family layas!wala kayong kwenta!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 638  sapulasaputi

    03/08/2010 | 06:32 PM
    totoo naman kasi talaga laging binabara ni kris si ruffa. Every episode ng the buzzn a magkasama sila hindi kumpleto ang araw ni kris na di nya mabara si ruffa. Pero over naman ang reaksyon ni anabelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 637  filoz

    03/08/2010 | 06:28 PM
    naging president na ang nanay ni Kris at di naman ito nagyabang. bunganga ni anabel mabaho pa sa imburnal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 636  romeo_jeremy

    03/08/2010 | 06:26 PM
    and daldal mo ananbelle. be civil and accept kris' apology. you dont have to clutter. if i know, hawak mo sa ilogn mga anak mo. to kris, i know she is tactless at times, but it was just a statement. cmon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 635  deepthoughts

    03/08/2010 | 06:13 PM
    To Inday Anabel,

    Pera lang ang katapat mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 634  coteazur

    03/08/2010 | 06:10 PM
    c kris naman talga bastos palagi kayn ruffa,even fro the very beginnging,like pagmay ipromtec ruffa o pasalamatan hindin man lang matapos ay c kris nagsalita na,inngit cya sa kasiksihan ni ruffa,mabait ngacruffa never cyang mag react sa mga ginawa n kris..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 633  lapaznon

    03/08/2010 | 06:08 PM
    ever since parang cold ang treatment ni kris kay ruffa. annabel sana wag ka nang umentra. hopefully magkasundo sina ruffa at kris. in my opinion parehong mayabang si kris at annabel.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 632  yuck54

    03/08/2010 | 06:06 PM
    may nabasa pa akong comment kagabi, na si brunayuki nakipag wan nayt stand kay e.r.a.p? pera pera lang yan sabi ni ann-evil
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 631  angel026

    03/08/2010 | 06:06 PM
    pera-pera lang nman nagpa2takbo sa mga Gutierrez e. paulit2 pa 'to si bisaya. kala mo kung sino! mahiya ka naman! matakot ka sa KARMA! pati si noy2 dinamay! kakahiya ka! NOYNOY for President pa rin! si bisaya dapat kinukulong! foul mouth!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 630  nardongputik

    03/08/2010 | 05:52 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 629  nardongputik

    03/08/2010 | 05:48 PM
    Anyway nakaka-awa naman si Ruffa kaso bad timing lang sya at balat sibuyas. Sana marunong sya sumingit pag sinisingitan sya ni Kris. Tagal nya na sa Showbiz pero parang bago ng bago. Nanay naman nya e ubod ng mukhang pera. Palibhasa Bold Star dati kaya ganyan umasta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 628  nardongputik

    03/08/2010 | 05:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 627  minimaxell

    03/08/2010 | 05:39 PM
    Never ko tlaga nging like ang mga Gutierrez. Si Anabel at Ruffa ang mayayabng. Feeling sikat! Kris is really a star. Medyo bawasan nya lang talaga pgiging tactlessa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 626  inquisitive

    03/08/2010 | 05:36 PM
    hay lumang tugtugin na ang gimik ng mag-inang ruffa at anevil papansin lang kasi lilipat sa kabilang istasyon...mga mukhang pera!! kala yata nila nalimutan na ng mga tao yung filmfest scam nila na take it take it! bata pa si rufa mandurugas na! tama lang na lumayas kayo sa abs cbn...tsupi!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About