Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
985 bulagafan
984 myotherside
Pero sa next interviews ni Rufing,natapos na ang kangyang pagbabalat-kayo. Lumabas na nmn ang kanyang tunay na kulay, gaya nga ng mga nakaraang issues sa TV noon.Like taking advantage on what people will see and hear on TV. brrrrrrr
ok na sana PR nya dahil medyo nag-lielow sya sa scandals,and she tried to play cool in 2-3 years opposite her mom dahil dba nagkagalit ang mag-ina before, but then lumalabas tlga ang kanya tunay na kulay.
now, i don't think I could believe with any of her intentions friendship-wise, unless used for their selfish gains.
983 wahahaha0
982 wahahaha0
981 lovetrip
980 lovetrip
Kiss and made-up,,,?? are u sure with this..or kiss and make - up..hehehe,,,jokejokejoke
979 lovetrip
Ok lets compare with her daughter R.. Well san ba siya tapos ng high schooL? college? ACTOR DADDY AND EX sexy atress mom..ahmm wait wala na me masulat...
978 my_sayad
977 parkway
tsaka gagawa pa ng movie sa GMA7 hahaha sigurado FLOP na namn to!!!
976 jjjohn
the philippines most talented host KRIS AQUINO.... 3 big YESES for you kris.
see you next round
975 johkaye
974 chrysia
973 seikolang
972 jjjohn
971 unknownuser123
970 honeybadger
969 beautifulLIFE
968 beautifulLIFE
967 beautifulLIFE
966 isko_kois
more comments