news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266120 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 585  bait_ko

    03/08/2010 | 04:27 PM
    548

    maganda nga naman ang topic nila sa pilot episode sa expense ni kris aquino nga laang actually pati na rin kay noynoy na dinawit sa issue....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 584  nardongputik

    03/08/2010 | 04:27 PM
    Kung Richard at DD ang labanan, DD talaga ang No.1, Excuse me lang po pero Atenista si DD. Si Richard, may natapos ba????Kaya Annabelle masama lang loob mo sa mga Aquino kasi di nila kinuha si Richard mo kasi malaki kasi hihingin mong talent fee. Palibhasa mukhang pera ang Gutierrez Family. Knowing Annabelle, HUH!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 583  the_wisdom

    03/08/2010 | 04:26 PM
    Etchos! Nahurt daw and bruneiyuki!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 582  meiimeiiazumi

    03/08/2010 | 04:24 PM
    545

    Alam mo na, para may topic sa unang episode ng show niya sa TV5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 581  bahog_ilok

    03/08/2010 | 04:23 PM
    Day Annabelle, mabara lang si Ruffa kay wala namay siya ikatubag.. maong mabara... kung naa siya ikatubag dili sa ma bara....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 580  nardongputik

    03/08/2010 | 04:23 PM
    Over reaction naman ginawa ni Ruffa. Kung talagang binu-bully sya ni Kris 3 years ago di sana noon pa sya nagriklamo. Hindi yong kung kailan sya lilipat sa TV5 e saka sya gagawa ng eksena. About sa opinion naman nila sa the Buzz e ganoon naman talaga di ba, may kanya-kanyang opinion. Tapos itong Monster Mom naman nya e kuntodo react naman sa the Buzz at naghahanap pa ata ng kakampi at nakisawsaw din ang baklitang si Raymunda Balyena. OMG talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 579  the_wisdom

    03/08/2010 | 04:23 PM
    Wala naman akong nakikitang masama sa sinabi ni Kris. Nagdradrama na naman si Anabel and Family. Mga ingrata; pera lang ang laging tinitingnan. I don't like ruffa, richard and the whole clan. Sana di na nirenew ng Gma si richard. kasi itong mga gutz eh di na nagrerating ang show. sa kangkungan na lang sila pupulutin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 578  bait_ko

    03/08/2010 | 04:21 PM
    544

    bakit pati pagc CR niya gusto niya ipaalam sa buong madla at gawan ng issue? haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 577  meiimeiiazumi

    03/08/2010 | 04:19 PM
    539

    haha! Di nga napansin parang magcCR lang ii.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 576  carugdog

    03/08/2010 | 04:18 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 575  teardropsfall

    03/08/2010 | 04:16 PM
    ayaw ng comment ko.. well.. let me rephrase it.. Anaville Rama.. your daughter is an adult.. if they have a spat.. she should know better than to go to Kris if she consider Kris as her friend and they should settle it amongst themselves.. You as a mother you should pacify things and create peaceful environment for your children.. they are growing up like you.. that's scarey since i could sense that what you want is just simply money... even if your bed is pure gold yet people around you doesn't really like you.. it's still hard to smile in that gold bed.... better tame your tongue and scrutinize your words before it gets out of your mouth..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 574  babymendoza1

    03/08/2010 | 04:15 PM
    Si Annabelle Rama naman everytime na quot;inaapiquot; o nagkakaroon ng issue yung mga anak niya sasabihin niya naiinggit sa kanila. At bakit niya idadamay si Noynoy. Bakit niya sasabihin na huwag iboto si Noynoy.Ano ang kinalaman ni Noynoy sa pag-walk out ni Ruffa. Tumigil ka na Annabelle. Sa dami ng kaso mo mapapahamak ka din. Mabait pa rin sa yo ang Diyos kasi yung mga nagdedemanda sa yo di na tinutuloy ang demanda. Ang hirap mo pakisamahan siguro.Very demanding!Bayaan mo ang tao kung sino ang gusto nilang iboto. Pati ba naman kami gusto mo hawakan sa leeg. Yung mga anak mo na lang at asawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 573  bait_ko

    03/08/2010 | 04:15 PM
    538

    talaga nga naman.... talagang pati pagsisimba niya kailangan maibroadcast sa madlang pipol... personal mo na yaan between you and God...hindi na kailangan ipaalam sa madlang pipol na gusto mo ang isang tao just because nagsisimba siya...parang ang OA din niya sa sinabi niyang yan....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 572  bait_ko

    03/08/2010 | 04:12 PM
    537

    baka char char laang din ang ginawa ni Rupi kasi parang hindi naman ramdam ng manonood ang pag alis niya..kaya gumawa ng issue para mapag usapan ang pag alis niya...haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 571  kusinaqueen

    03/08/2010 | 04:11 PM
    bait ko 466

    mismo! lagi nyang sinasab yun pag iniinterview sya na araw-araw sya nag sisimba..haven't you watched the last interview she had about RG gf daw na si Jewel M, that the reason why she likes her is because religious at palasimba araw-araw kagaya nya..

    going to church everyday does not mean that you are a religious person nor mabait kang tao..

    hayayayay AR!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 570  meiimeiiazumi

    03/08/2010 | 04:08 PM
    Ang ibig lang nmn sabihin ni Kris kung iintindihing mabuti ang sinabi niya is mag stay nlng siya, so ibig sabihin gusto ni Kris na di nlng lumipat si Rupi. OA nmn si Rupi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 569  opinionatedgurl

    03/08/2010 | 04:08 PM
    I don't really like Kris A. but with this issue, wala akong makita na masamang ginawa niya. wala talaga as in wala siyang masamang sinabi. OA lang talaga c ruffa. at wag idamay c noy. Noynoy pa rin iboboto namin kaya annabel, dream on, na manalo pa iyang manok mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 568  bait_ko

    03/08/2010 | 04:07 PM
    bakit naman kay Rupi pa maiinggit si tetay kung beauty beauty laang naman ang pag uusapan eh ang dami daming bata na higit na mas maganda at accomplished pa.....LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 567  krung05

    03/08/2010 | 04:06 PM
    pano naman aabangan ng buong pilipinas at buong mundo si ruffa sa tv5 eh mahina cgnal nito at walang tfc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 566  K4rm4

    03/08/2010 | 04:05 PM
    Anabelle Rama is Psychotic may mental disorder..retarded ba! kung ano ano nalang ang sinasabi yapping like a munky.
    Ruffa wears too much make up and she looks like a klown like LaGreta
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About