Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
545 anekatri
Malaki ba? Wawa naman beauty ng anak mong si Ruffy tambal mo lang kay Cristy Fermin at Dj Mo? ahay...
544 shobee_0708
543 bait_ko
542 orangecountykid
541 meiimeiiazumi
LOL!
540 ABS_CBNno1
539 meiimeiiazumi
538 nakupo
537 archer42
536 bait_ko
natapos ang hearing sa OBJECTION! haha
535 bait_ko
LOL!!! haaay buhey....
534 meiimeiiazumi
ako nlng, magaling ako mag quot;objection your honorquot; haha!
533 pepers
yes gawa2x lang ni rupee at raymonda ang issue para di siya magmukhang masama na hiniwalayan siya ni JLC...its not coz of any girl..di na siya guto talaga ni JLC...
532 jacko143
531 bait_ko
ay ganun talagang gawa gawa laang niya?
nabara kasi siya sa TANATANAN NA! kasi ang tagal tagal niya hinintay ang issue na yaon, oo nga naman sa kanya lahat nagsimula ang mga issue na eto...asar nga naman ang pahintuin ka sa isang bagay na bumubuhay ng career mo, kung meron ngang career...ang INTRIGA!
530 nicole23
529 bait_ko
sino kaya pwede kong kunin na abogado....LOL! grand EB sa loob ng KORTE! haha
528 bait_ko
baka naman pinagbigyan laang niya si Rupi, kasi nagtatampo yata siya bakit hindi daw siya sinama sa commercial ni noynoy...haha bakit nabaliktad yata ngayon?haha
527 pepers
526 pepers
more comments