news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266052 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 525  skychiong

    03/08/2010 | 02:47 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 524  meiimeiiazumi

    03/08/2010 | 02:47 PM
    488
    LOL, kung ganun magkita-kita nlng tau sa korte, hahahha! EB tau dun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 523  bait_ko

    03/08/2010 | 02:45 PM
    486

    baka naman napikon ang rupi sa sinabi ni Kris na quot;tantanan naquot; kapag tinantanan na nila, wala ng issue si Rupi, kaya nag isip kaagad siya.... magwawalk out siya, para may bagong issue....haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 522  bait_ko

    03/08/2010 | 02:43 PM
    482

    LOL!!!!! baka sampahan tayo ng kaso ni tita Anabel....haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 521  skychiong

    03/08/2010 | 02:42 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 520  pepers

    03/08/2010 | 02:41 PM
    kinarma ang pamilyang mukhang pera sa ginawa nilang paninira kay shaina at dingdong...di naman boba si krissie para mag agree na lang sa issue sa POV its started when krissie defendedn shaina-jlc at john sa issues na gawa2x ni rupay at raymonda...ala ni kris na walang katotohana ang issue kaya na irita si rupay akala siguro pinparinig siya ni kris...

    na insulto ang gagik, talaga naman walang utak siya minsan kaya barahin minsan ni krissie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 519  solterangmagayon

    03/08/2010 | 02:40 PM
    queen as folk
    tama ka dyan wala akong nakikita na masama sa sinabi ni KRIS kay RUFF.Sa tingin ko nga maganda timing iyon para makapagpaalam siya.Si ANABEL naman sana sa topic lang na pagwalk out ng anak niya at huwag ng isali si NOYNOY AQUINO.Hindi naman ka trabaho ni RUFFA si NOYNOY di ba.PUEDE BA ANABEL LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 518  skychiong

    03/08/2010 | 02:39 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 517  yesyesyo

    03/08/2010 | 02:38 PM
    indeed, nothing really offensive sa comment ni kris. parang naglalambing nga lang or nangungulit. kaya lang anabell is really anabell. kilala ng madla kung ano ang pera sa buhay nya.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 516  meiimeiiazumi

    03/08/2010 | 02:38 PM
    haha! naisip ko rin baka mga pepster na naman aawayin ni Anabil at iiyak tapos magsusumbong kay Cristy Fermin.. :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 515  solterangmagayon

    03/08/2010 | 02:38 PM
    QUEEN AS FOLK
    Tama ka dyan coz I have TFCNOW so puede kong balikan ang episode ng THE BUZZ03/07/10 Iyon ang sinabi ni KRIS at wala akong nakikita na masama sa sinabi ni KRIS.Kong tutuusin puede pa nga niyang sakyan ang sinabi ni KRIS at right time din iyon para magpaalam.Sa tingin ko kailangan na naman nilang manira ng tao para abangan si RUFFA sa TV5. I sus talaga itong mag-inang ANABEL at RUFFA. Mahilig manggulo kaya kahit sino sa mga anak laos na kasi ang manager nila ang nanay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 514  mvillaflor

    03/08/2010 | 02:38 PM
    Annabelle Rama should have a little decency naman. Channel 7 is no way closer to channel 2 in terms of everything so they will do in their power to put The Buzz down being their Showbiz Central rating is so low. In the states they do not watch this show, we are all tune in sa The Buzz. Annaballe Rama should not even involved Nonoy Aquino into this. This is a talk show. Everybody has the right to express their opinions. YOu cannot be in the talk show if you capitalized sensitiveness. Here in the States we still support Kris all the way because she is very honest and frank. She does not hide anything.
    I hope and pray that Noynoy will win the Presidency.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 513  houston01

    03/08/2010 | 02:37 PM
    Anabelle for the love of pete! have a common sense! Noynoy has nothing to do with it! and Anabelle needs to stop meddling in her kids's battle, she always gets involved in everything, she fights it for them and she runs her rude potty big mouth not knowing when to stop! it's so unprofessional and so sounds so uneducated.
    And as for Kris she doesn't know when to stop sometimes and and she doesn't seem to know where to draw the line! Well, it's so obvious on TV where they're really not close and there's tension between them it doesn't take a scientist to figure it out! and I KNOW KRIS THINKS SHE IS ALL THAT! AND SHE CAN BE A SNOB! but her brother is running for president and whether she likes it or not his name will always be involved in everything she should try to stay on the good side for now and keep everything below the radar, she can't just be outspoken, she needs to know when to say it and not because they are in the spotlight right now. She should be like shalanie, staying below the radar... try
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 512  yesyesyo

    03/08/2010 | 02:36 PM
    rambulan na to! hahaha! first class catfight!

    but no matter what, kris or nor kris, solid noynoy-mar pa rin ako!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 511  skychiong

    03/08/2010 | 02:35 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 510  bait_ko

    03/08/2010 | 02:35 PM
    475 actually i have a friend na gay-an sayo ang tingin..... parang kris wanted pa nga daw na mag stay si Rupi....pero nag decide na sila rupi at nagkapirmahn na ng kontrata....gusto laang talaga ng big bang pag alis... sa expense nga laang ng iba...too bad na laang for KRIS..because she is KRIS AQUINO...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 509  birtwal

    03/08/2010 | 02:35 PM
    hintayin niyo lang malamang aawayin din niyan ni anabil ang pep dahil sa mga pinopost ng mga pepster laban sa kanya. masyado kasing pabida eh anabil huwag mo pinapasa sa iba yung kayabangan kasi ang pamilya mo ang number 1 dyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 508  skychiong

    03/08/2010 | 02:34 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 507  Clara Pastor

    03/08/2010 | 02:33 PM
    sa opinion ko i watched the buz yesterday,wala nmang offensive sa sinabi ni kris na aminin na masa masaya ang level sa the buz,oa nman nya masyado?tapos gatungan pa ni ananbel pati yung sa kapatid ni kris dinamay pa tama ba yun?ang tanong lng kung wala offer tv5 aalis ba agad ci ruffa sa dos,nakapirma na kasi kaya emote to the highest level na sya,sobrang oa sa totoo lng.tumalak na nman si anabel!!di ba sabi ni ruffa sa interview nya kaya nya tanggap yung offer ng 5 dahil sa future ng mga anak nya?tapos ngayon sasabihin ni anabel inaapi sya ni kris!sana una pa lng kung naapi na sya,nagreact na agad mother nya si anabel pa!tapos ngayon yan reason nya!!so mababaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 506  queer_as_folk

    03/08/2010 | 02:33 PM
    quot;Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito.quot;


    pu cha, ang babaw ni anabil..there's nothing wrong with this statement, only a person with a sha llow mind thinks it is[obviously the royal mother and her bulate s..]if they just took it on a positive note, they would understand that kris wants ruffa to stay..pero syempre everybody has the right to go to any direction kung saan alam nilang mas nakakabuti sa kanila..

    nakakatawa tlga si anabel rama..plus SC na nakisawsaw..obviously they were watching the buzz that time para makakuha ng scoop..

    calling anabel rama, please give your reaction to this and that..we need you for the rating's sake...[Showbiz Central] hahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About