news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266240 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 485  shobee_0708

    03/08/2010 | 02:06 PM
    Wag kayong papalinlang sa mag-inang mukhang pera na yan. Gimik nila ito para pag-usapan at para ma-justify nila ang paglipat ni Ruffa sa tv5 para tapatan ang the buzz, choice nila ang lumipat pero isang malaking off ang paglipat tapos tatapatan mo pa ang programa na nagbigay ng break sa iyo. Gusto nila makakuha ng simpatya pero sad to say mas marami ang na turn-off lalo na sa pinagsasabi ng palengkerang nanay. Gawin bang scapegoat si kris at sasabihin na ang pambabara ni kris ang dahilan, di nila masabi na pera ang dahilan, at hello bakit ngayon lang, imagine more than 2 years na sya sa the buzz, syempre sa mga nag-iisip ang ganda naman ng timing obvious na gusto nila I-drumbeat ang bagong programa nila sa tv5.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 484  moimoi102686

    03/08/2010 | 02:06 PM
    mayabang talaga si kris aquino sabi pa ya mahal siya ng mga taga laoag eh di naman totoo hahahaha buti naman at lumipat ka na kay manny villar ruffa. go VILLAR villar villar villar!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 483  meiimeiiazumi

    03/08/2010 | 02:04 PM
    agree!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 482  cali4niababe

    03/08/2010 | 02:02 PM
    ano ba yan...nag-aaway ang dalawang maldita!!! pareho lang naman silang maarte. Eto namang si Ruffa, ang tagal na siyang binabara-bara ni Kris, isang quot;mas masaya ditoquot; lang pala siya bibigay....etchos!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 481  maximillan1227

    03/08/2010 | 02:01 PM
    Unang inaway ni Annabelle ang channel 7. Now ang channel 2. Wait lang, channel 5 and for sure you will get the same experience from Annabelle.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 480  shobee_0708

    03/08/2010 | 02:01 PM
    Wag kayong papalinlang sa mag-inang mukhang pera na yan. Gimik nila ito para pag-usapan at para ma-justify nila ang paglipat ni Ruffa sa tv5 para tapatan ang the buzz, choice nila ang lumipat pero isang malaking off ang paglipat tapos tatapatan mo pa ang programa na nagbigay ng break sa iyo. Gusto nila makakuha ng simpatya pero sad to say mas marami ang na turn-off lalo na sa pinagsasabi ng palengkerang nanay. Gawin bang scapegoat si kris at sasabihin na ang pambabara ni kris ang dahilan, di nila masabi na pera ang dahilan, at hello bakit ngayon lang, imagine more than 2 years na sya sa the buzz, syempre sa mga nag-iisip ang ganda naman ng timing obvious na gusto nila I-drumbeat ang bagong programa nila sa tv5.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 479  bait_ko

    03/08/2010 | 02:01 PM
    448

    wow, strong words.....but i agree...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 478  filoz

    03/08/2010 | 01:57 PM
    there's no bloody insult in anyway. for goodness sake sana naman kung mag-co-comment ang iba dito please get your facts right. it's so stupid to walk out just like that? this G family really gets into my nerve. Ruffa, you are as stupid as your mother.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 477  sweetdecember

    03/08/2010 | 01:57 PM
    come to think of it nga naman, kung di sila naging okay no kris for the past 3 years eh bakit sya tumagal, all along mas plastic sya plus is it becoz of money y she stayed at may nagoffer ng mas malaki. pero it's really true, avs ang bumuhay sa career ni ruffi, wala naman talaga syang career even before kaya nga nilalako sya sa brunei.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 476  eklatbelat

    03/08/2010 | 01:57 PM
    ruffa shouldnt give her point of view - di pwede ang pa sosyal sa issues na kailangan mong mag isip and give your opinion at the same time receive the opinion of others..

    Sinabayan pa ni Anabil- if they cant take criticism they shouldnt be in show business.. they make us feel na pera pera lang ang nagpapatakbo sa desisyon nila
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 475  bait_ko

    03/08/2010 | 01:57 PM
    parang si Rupi laang...hindi makasabay sa mga kasama, sisigaw ng binubully...at binabara....palagi na laang bang gay-an?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 474  bait_ko

    03/08/2010 | 01:55 PM
    jukit ganyan? kapag nag iisip ang mga kausap biglang sisigaw ng Alipores....haha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 473  meiimeiiazumi

    03/08/2010 | 01:53 PM
    I don't like them both.
    But in some ways i like Kris kahit OA magsalita. hehe.
    Naku, kay Ruffa, yabang-yabang niyan. Mas mayabang pa yan kay Kris.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 472  pathetic0inggit

    03/08/2010 | 01:52 PM
    nye make up lang nagpapaganda ka ruffa

    kita ko na yan in person...ang laki nga ng bibig e..

    mas maganda pa rin si kris sa personal.

    peace
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 471  bait_ko

    03/08/2010 | 01:52 PM
    yaong almost 3 years niya sa BUZZ pagiging plastic laang pala ang ginagawa niya doon? yun ba ang dapat kainggitan ni kris kay rupi? ang pagiging plastic nito?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 470  swiper

    03/08/2010 | 01:51 PM
    gumagana na naman ang mga alipores ng abs-cbn dito. anabel, lahat ng negative comments sa iyo galing sa abs-cbn, pero alam ko alam mo na yun. hehehehe!

    goodluck sa iyong paglipat.

    sama talaga ng ugali yang si kris feeling all important, all knowing eh may obob moments din naman. grow up kris and irespeto mo rin ang ibang tao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 469  bait_ko

    03/08/2010 | 01:50 PM
    yaon na yun? because of the face?

    shallow........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 468  philsmanila

    03/08/2010 | 01:49 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 467  lifeditoca

    03/08/2010 | 01:48 PM
    halo101...

    kami laging nanonood ng the buzz kse dahil ke Kris. at kaya lang kami nagpakabit ng TFC eh dahil ke Kris no!

    taklesa nga sya eh dapat lang naman kse naman napaka nonsense kausap nitong si ruffa!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 466  bait_ko

    03/08/2010 | 01:48 PM
    insecured si Kris kay Rupi? in what way?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About