Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
445 bling
444 bait_ko
443 critic103
442 bling
441 bait_ko
hehe
440 critic103
1. Hindi po masama ang mag walk out kung ikaw ay nasasaktan pero wala naman pong dahilan ang pagtanong ni Kris kung masaya ba talaga sa abs o hindi. oo lang o hindi ang sagot.
2. hindi pa po nag eend ang contract ni ruffa sa abs at pumirma na ito ng contract sa tv5. dapat nga sa kanya kasohan ng abs cbn.
3. hindi naman po kasali si noy2 sa away na ito. makikita na walang breeding si anabel. tama, ina siya pero mali ang pagtatanggol niya.
4. si ruffa naman sana huwag niyang gamitin to para maging malinis siya. para matakpan ang kasalanang ginawa nilang mag ina sa abs.cbn
Ruffa lumipat ka sa tv5..
SI Anaevil lang ang nagsabi na sikat kau.
pakialamerang Ina.
Hindi naman respetado ang pamilya sa ugali niya.
Akala ba ninyo makukuha ninyo ang simpatya ng tao sa inyu..dahil sa mga ugali niyo..
Never to Gutierezz..
439 1truepep
438 critic103
Is kris Aquino insecure to Ruffa G.???
accdng to Anaevil.
Queen of all Media
Queen of Gameshow
Queen of Talk
Queen of Product Endorsement
Queen of Horror Movies
No. 1 Powerful person in Showbiz survey
Daughter of 2 Heros
Wife of a 3 times MVP player
with 4 shows.
Is that what we called Insecure?
Ruffa G.
Miss international
Daughter of Eddie and super Anaevil
Sister of twins
A mother of a twin with no husband
A villain in Betty La fea
hosted the Buzz
Movie deperadas
Is it comparable?
Does Kris aiming for this achievements of Ruffa G.?
.Ruffa wants to compete with Kris.
Paparazzi
Judge in Talentadong Pinoy.
think about it.
437 dunnzerr
436 1truepep
435 dunnzerr
434 myca2k
433 joannasandovalphilmix
432 nag_tatampisaw
ruffa deserves it! Go Kris!
431 yuchen1234
430 nag_tatampisaw
mukhang pera talaga si bisaya.
GO Kris!
429 joannasandovalphilmix
right move, right time dahil meron na syang matatakbuhang ibang network, eh dati wala pa, kaya tiis muna sa ugali ni kris.
428 bait_ko
sinabi ni anabel rama na mabuti pa sa kabilang istasyon referring to TV5...may peace of mind...sino ang kausap ni Anabel Rama? piag guanio? anong station? GMA 7.....tsk tsk tsk....
427 PhilEntPortal
Wlang Utang na Loob sa GMA at ABSCBN!
After nila pakinabangan aawayin na nila!
Pera lng ktpat nyan ni Anabil at Ruffa mga Bisayang Bayaran.
Ang Prinsipyo Wlang Presyo!!!
426 bluetooth501
more comments