news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266119 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 445  bling

    03/08/2010 | 01:24 PM
    bobita kasi si ruffa kaya laging binabara ni kris..haha wala kang panama kay kris dahil dka nmn pinatapos ng magulang mo! kaya k nga pinakasal kay ylmaz para maging mayaman kayo,malas mo at battered wife inabot mo..mukhang pera kc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 444  bait_ko

    03/08/2010 | 01:24 PM
    at ano naman kinalaman ni NOYNOY sa usapan nila POV nga divah? POV nilang tatlo. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 443  critic103

    03/08/2010 | 01:23 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 442  bling

    03/08/2010 | 01:22 PM
    mukhang pera talaga si annabel,kala mo kung sinong mayaman e binugaw din nmn si ruffa! magkaroon k nmn ng kunting delekadesa,napaka-mal-edukada mo para gawin rason ang hindi pagbayad kay ruffa ng kampo ng aquino para siraan si noynoy. matakot ka sa KARMA tanda!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 441  bait_ko

    03/08/2010 | 01:19 PM
    Miss World second princess yata si Rupi!
    hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 440  critic103

    03/08/2010 | 01:17 PM
    ANALYSIS.

    1. Hindi po masama ang mag walk out kung ikaw ay nasasaktan pero wala naman pong dahilan ang pagtanong ni Kris kung masaya ba talaga sa abs o hindi. oo lang o hindi ang sagot.

    2. hindi pa po nag eend ang contract ni ruffa sa abs at pumirma na ito ng contract sa tv5. dapat nga sa kanya kasohan ng abs cbn.

    3. hindi naman po kasali si noy2 sa away na ito. makikita na walang breeding si anabel. tama, ina siya pero mali ang pagtatanggol niya.

    4. si ruffa naman sana huwag niyang gamitin to para maging malinis siya. para matakpan ang kasalanang ginawa nilang mag ina sa abs.cbn

    Ruffa lumipat ka sa tv5..

    SI Anaevil lang ang nagsabi na sikat kau.

    pakialamerang Ina.

    Hindi naman respetado ang pamilya sa ugali niya.

    Akala ba ninyo makukuha ninyo ang simpatya ng tao sa inyu..dahil sa mga ugali niyo..

    Never to Gutierezz..




    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 439  1truepep

    03/08/2010 | 01:17 PM
    ano ba naman to si anabell wala ng ibang ginawa kundi mang away ng mga istasyon kafffaaalll ha!!! super arte ni ruffa plus yang style ni anabel alam na alam na natin yan noh! ano sya helllowww! who cares kong maglipat si Ruffa dapat kasi NOW NA! HAHAHA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 438  critic103

    03/08/2010 | 01:17 PM
    ANALYSIS.

    Is kris Aquino insecure to Ruffa G.???
    accdng to Anaevil.

    Queen of all Media
    Queen of Gameshow
    Queen of Talk
    Queen of Product Endorsement
    Queen of Horror Movies
    No. 1 Powerful person in Showbiz survey
    Daughter of 2 Heros
    Wife of a 3 times MVP player
    with 4 shows.

    Is that what we called Insecure?

    Ruffa G.

    Miss international
    Daughter of Eddie and super Anaevil
    Sister of twins
    A mother of a twin with no husband
    A villain in Betty La fea
    hosted the Buzz
    Movie deperadas

    Is it comparable?

    Does Kris aiming for this achievements of Ruffa G.?

    .Ruffa wants to compete with Kris.

    Paparazzi
    Judge in Talentadong Pinoy.

    think about it.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 437  dunnzerr

    03/08/2010 | 01:12 PM
    kapal ng mukha ni visaya-- -- ano kay a kaiingit ni kris sa alang laman ang utak--- may kasabihan. mothe rlike dtr... alang pinagaralan-- katawan ang puhunan sa showbizzz.. cheetttt !!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 436  1truepep

    03/08/2010 | 01:10 PM
    hate ko ang mga gutierrezes kaya i dont care kong binabara siya ni kris kasi super OA naman kaya si Ruffa noh... manigas kayo Annabel dahil si Ruffa hindi love ng ABS pero si Kris di kayang pakawalan ng ABS.. ay sus alam naman natin si kris very straight forward yan eh totoo namang mas masaya talaga sa ABS noh!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 435  dunnzerr

    03/08/2010 | 01:10 PM
    Hoi Bisaya your daughter is already an adult.. bakit di niya kayang sumabay sa mga co host niya kung may laman ang utak niya. yan ang resulta ng pagiging vovah-- at hindi nakapaaral.....tatago sa say ng nanay. cheett ka ruffha and bisay. dinamay pa si noynoy wala naman kinalaman sa showbiz yong tao..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 434  myca2k

    03/08/2010 | 01:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 433  joannasandovalphilmix

    03/08/2010 | 01:06 PM
    meron din bang cable ang tv5 dito sa States? mga guys..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 432  nag_tatampisaw

    03/08/2010 | 01:05 PM
    yun nga ang pinapanood ng mga tao sa the buzz ang pag-babara ni kris kay ruffa. ina-abangan ko talaga yan palagi.

    ruffa deserves it! Go Kris!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 431  yuchen1234

    03/08/2010 | 01:02 PM
    hay naku sa 22o lng d naman tlga magaling mag co-host c ruffa,den yan nanaman c annabel makikialam na naman den another publicity kc lilipat ng tv station another publicity hay mga gutierrez tlga style nyo bulok na no......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 430  nag_tatampisaw

    03/08/2010 | 01:01 PM
    ginamit pa si kris at noynoy sa kaswapangan ng pamilyang bisaya.

    mukhang pera talaga si bisaya.

    GO Kris!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 429  joannasandovalphilmix

    03/08/2010 | 01:00 PM
    I think both of there achievements and in the past has nothing to do for the issue here. kris has gone too far. for that moment it is rufing time to say goodbye. but sa kadaldalan ni kris, everything was gone out of shape. i think rufing did a good job to walk away for no further hiya sa madla...
    right move, right time dahil meron na syang matatakbuhang ibang network, eh dati wala pa, kaya tiis muna sa ugali ni kris.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 428  bait_ko

    03/08/2010 | 12:56 PM
    talking about being sensitive....

    sinabi ni anabel rama na mabuti pa sa kabilang istasyon referring to TV5...may peace of mind...sino ang kausap ni Anabel Rama? piag guanio? anong station? GMA 7.....tsk tsk tsk....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 427  PhilEntPortal

    03/08/2010 | 12:54 PM
    Yan ang Ugali ng mga Gutierrez...

    Wlang Utang na Loob sa GMA at ABSCBN!

    After nila pakinabangan aawayin na nila!

    Pera lng ktpat nyan ni Anabil at Ruffa mga Bisayang Bayaran.


    Ang Prinsipyo Wlang Presyo!!!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 426  bluetooth501

    03/08/2010 | 12:53 PM
    promo nga eh para mapag usapan. wla namang nanunuod sa tv5 eh gma at abs lang tlga ang pinapanuod dba ako nga dko alam anong show meron ang tv5
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About