Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
405 sure_ka_ba_dyan
May space pa ba ang clans nyo sa showbiz...
HAHAHAHAHAHAAHAHAA
FULL HOUSE NAG TAPOS NA WALA PA SA TRENTA...
KASO NA HINAHARAP NYO...
AY NAKU BISAYA SINO KA NA DIKTAHAN ANG TAONG BAYAN PARA DE BOTOHIN SI NOYNOY..
404 shobee_0708
What a coincidence? Bakit ngayon lang sila nagreklamo? What a timing. Kung kelan lilipat si Ruffa.
It's not Kris' fault that Ruffa is not that WITTY. Na hindi makasabay si Ruffa sa kanya.
This is just a gimik. But Annabelle, this is not a good gimik.
Dahil, natapakan na ang pagkatao ni Kris dito. At dinamay mo pa si Noy.
How pathetic of yours to get the attention and sympathy from the people.
Walang manners yang nanay ni Ruffa. Nakakahiya. How cheap and uneducated!
403 chichi777
Alam mo pareho tayong ng analysis. Asset si Kris kay Noynoy kapag naging Presidente na. Pwede nya i-broadcast on a highest level kung sino mang mag-kukurakot. Dahil si Kris nakuha nya ang traits ni Ninoy, straightforward,frank, candid, walang paligoy-ligoy. Kaya dapat talagang iboto si Noynoy para mag-behave kung sino mang tao sa Gobyerno.
Si Kristeta ang magiging quot;policequot; natin sa gobyerno ni Noynoy para sa ating bayan.
402 cuilintveryl
401 totoong_tao
400 bigfoot12
at kay anabelle sana nagbabasa kayo neto, im still voting for noynoy! kung gusto nyo ikampanya si villar kc meron dun bayad eh di go! pera pera lng nmn sayo labanan eh.. kaya mo ililipat si ruffa kc ikaw n mismo may sabi n tv5 lng makakapag offer ng ganun.. tapos ngaun blame mo lahat kay kris... sinungaling!!
at di naiiniggit si kris kay ruffa.. kris has a great mother, dun pa lng ano pa dapat ikainggit ni kris?
399 rizawy
398 angel1983
397 chichi777
396 blitzkr3g
395 pep_you
394 blitzkr3g
393 chewpot
392 PhilEntPortal
Wla kang Utang na loob sa ABSCBN at The Buzz! Ngaun ggmitin nyo pa ang The Buzz pra sumikta ang Shows nyo sa TV5!
391 blitzkr3g
390 sweet_angel05
389 puckerlips143
388 sweet_angel05
lagi nio sinasabi na wag idamay si noy. pero ito lang opinion ko jan kapag nanalo si noy sigurado si kris lalong yayabang at magpapower tripping..
ang super taklesa niyan ni kris nung naging president si cory noon..super pampered siya.. she expect na people will treat her nicely because of her parents legacy.. natatawa nga ako kasi sabi noon ng mom ko si kris daw sumbungera sa yaya niya.
387 blitzkr3g
----------------------------------
ano tawag mo kay Ruffa diba nagkabit din cya kay Ylmaz??? dba live-in sya sa US sa nonshowbiz guy tapos first class prosti pa cya!! mabenta sya sa mga prince ng brunei dba??? tanong mo kay anabelle...
----------------------------------
ganun na si Kris date pa!!! kaya walang bago ang bago itong si Ruffa na nag enarte bakit date di na agad nag enarte ngaun may offer sa TV5 kaya lang nag enarte ..di c Ruffa pala plastic --inis pa la cya kay Kris ba di nya sinabe agad..dagdagan pa ni Anabelle na dapat pinapakulong sa mabaho nyang bunganga..cya ang typical na living definition na money can't buy breeding and class.
386 muyi
wow, kaya pala before eh nag-away din si mo and ruffa mae kase they in SC respect each other hahaha
more comments