news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266234 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 385  jojomlndz

    03/08/2010 | 12:05 PM
    Matagal ng ginagawa ni Kris na barahin si Ruffa. Obvious that Kris does not like Ruffa. Nakikiplastikan lang si Ruffa and Kris to each other.
    Obviously tiniis lahat ito ni Ruffa because she has no choice and Kris is very powerful at ABS.
    But just the same, tama naman pag binabara ni Kris si Ruffa. Kasi most of the time, kabobohan ang mga sinasabi ni Ruffa.
    In the last Sunday's episode di naman pambabara ang ginawa ni Kris. Nag over react lang ang Ruffa.
    Kasi nga gustong gumimik at gumawa ng ingay dahil transfer na nga sya sa TV 5.
    I will not be surprised if the walk-out was pre-planned by the evil mother and daughter team of Annabelle and Ruffa.



    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 384  mikajolie

    03/08/2010 | 12:05 PM
    Sus, yun lang? Ang OA naman ni Ruffa! Lalo na yang nanay nyang walang breeding!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 383  kapamilyatfc

    03/08/2010 | 12:05 PM
    i have to react dat someone says na lahat ng TFC in US don't watch KTM pag si Kris na. wag mo ilahat ng TFC subcribers 'cause it isn't true.

    and regarding wat happened to the buzz, Kris is known for being taklesa nman talaga.. and to my point, she didn't mean anything to harm ruffa. it is just ruffa is really too emotional dat tym that she misunderstood kris.

    to anabels reaction sa startalk, sobra! i agree after 3 years..?! hello! at sinali pa talaga si noynoy! haayz..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 382  janielah

    03/08/2010 | 12:05 PM
    lahat naman ng nag ca campaign k villar nadadala sa pera jan natin makikita kung sino talaga ang mukhang pera may prinsipyo sa buhay. sayang ang mga artista na iniidolo ng mgat tao lalo na mga bata tapos nalalaman nila na nadadala lang pala sa pera mas nakakaawa sila dahil hindi sila kuntento sa demokrasya ng bansa mas pinahalagan nila ang pera ksa freedom na nakakamtan ng bansa ngaun hindi ba nla naisip ang pnas kung hindi pinaglaban ang DEMOKRASYA? cguro isa cla sa mga inaapi ngaun or hindi cla naging artista..huhuhu MGA MUKHANG PERA ang nag ka campaign k villar.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 381  PhilEntPortal

    03/08/2010 | 12:04 PM
    Gutierrez Tlga mahilig magpapansin!

    Gumigimik nnmn si Anabil at Ruffy pra mapag-usapan ang New shows nya sa TV5!

    Gimikera! ndi nmn dpat masaktan sa sinabi ni Kris. prang un lng...

    Hoy Ruffy at Anabil luma na yang gimik nyo! magkano ba bnayad sa inyo ng TV5??! lol..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 380  angel_akoni

    03/08/2010 | 12:02 PM
    Every Buzz episode kris looks stupid compared to Ruffa noh! My Gosh, no comparison! Even if she wears the most expensive dress out there bakya pa ring tignan coz she doesnt have the face and the body noh!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 379  kooracha

    03/08/2010 | 12:02 PM
    Anabelle, sino ka naman para sabihin sa national tv na huwag iboto si Noynoy? I wonder kung meron pang rumerespeto sa 'yo? Ah meron, yung mga bayaran mong tao.

    Hindi utak biya ang mga tao na katulad mo para sumunod sa 'yo. And why should Kris be jealous of your daughter? Excuse me, hibang na talaga kayo ng anak mong OA at super plastic.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 378  angel_akoni

    03/08/2010 | 12:00 PM
    hay naku its obvious na c kris is taklasera at even before she thinks she owns ABS-CBN! People, only Ninoy is the hero not everybody else in the family! Would Kris or Noynoy die for the country? The late Cory didnt even do a thing!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 377  kishablelips_01

    03/08/2010 | 11:59 AM
    tingin ko dito kay kris aquino namana siya ng kanyang anak sa pag-iisip!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 376  yukor131

    03/08/2010 | 11:58 AM
    2010 is a KARMA YEAR FOR AQUINO's that why they cant make it to malakanyang...

    KAYA TEAM RUFFA US!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 375  yukor131

    03/08/2010 | 11:56 AM
    monkey
    u 4got to put to KRIS
    STD QUEEN
    KABET QUEEN

    RUFFA
    VERY NORMAL KIDS
    from VERY NORMAL FAMILY
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 374  kishablelips_01

    03/08/2010 | 11:56 AM
    totoo naman tuwing the buzz palaging binabara siya ni kris si ruffa,bakit kaya? siguro gusto kunin ni kris ang kampanya ni ruffa kaso walang bayad? di naman natin masisi ang mga ibang artista na mangampanya na meron silang bayad di ba? aba,napaka-suwerte naman ni aquino kung lahat ng artista na magkampanya sa kanya ay libre ang kanilang serbisyo di ba? aba,kung ako rin ang artista di ang e-kokompanya ko ay yung babayaran ako! bakit kilala ka ba ng mga ito pag sila ang nanalo sa pagka-presidente ay matutulungan ka pa nila for financial needs? kung di importante ang pera sa isang tao,,bakit si kris aquino siya palagi ang nakikita sa television na meron show so,ibig sabihin din patay gutom din siya sa talent fee niya di ba? i think itong si kris mabait lamang siya sa kapwa artista niya kasi meron siyang kailangan ngayon.tignan natin pagkatapos nang eleksyon kung kaya pa kayong ipagtanggol nitong kris sa television! totoo naman sinabi ni bisaya kay kris na siguro naiinggit siya kay ruffa! palibhasa mga suot niyan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 373  kooracha

    03/08/2010 | 11:53 AM
    Napanood ko yung D Buzz. I don't see anything offensive about Kris' comment concerning Ruffa. Granting na emotional si Ruffa dahil lilipat na s'ya, or iniwan na s'ya ni Lloydie [lol], nag over react s'ya..OA to the max.

    Anabelle is making a big deal out of it. Knowing Ruffa and Anabelle, it is obviously a gimmick to create publicity sa paglipat ni Ruffa sa tv5..at Kris' expense.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 372  pepers

    03/08/2010 | 11:51 AM
    na karama si ruffa sa ginawa kay shaian...kampi kasi si kris kay shaina kasi alam niya di true sa POV segment ng buzz...ayan lumabas ang karama at insecure kay dingdong mga to
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 371  vince007

    03/08/2010 | 11:50 AM
    181
    okidokimac
    March 8, 2010
    11:11 AM

    I Believe Kris didn't mean to hurt Ruffa's feelings. And there's nothing wrong with what Kris said. It's just because of the moment that Ruffa misunderstood Kris that's why she got emotional and probably she didn't know how to react in that situation so she chose to leave instead of going any further. But there was nothing Wrong with Kris really.

    Anabell Rama pulled out Ruffa from the Buzz because of TV5's multiple show offers. That' the real reason. The quot;BINABARAquot; issue is really not a part of it. It's been 3 years and she pulled her out only now? cmon guys! Anabel just used the timing to get it more visible to public that ruffa really is transferring to TV5.

    And the most stupid thing Anabel did was to link this issue with NOYNOY's candidacy. That's really stupid. As if NOYNOY had personal things against them.

    In My POV. anabel is Sick. Ruffa just can't refuse to what her mother wa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 370  monkeydoggiedoggie

    03/08/2010 | 11:47 AM
    ANALYSIS.

    Is kris Aquino insecure to Ruffa G.???
    accdng to Anaevil.

    Queen of all Media
    Queen of Gameshow
    Queen of Talk
    Queen of Product Endorsement
    Queen of Horror Movies
    No. 1 Powerful person in Showbiz survey
    Daughter of 2 Heros
    Wife of a 3 times MVP player
    with 4 shows.

    Is that what we called Insecure?

    Ruffa G.

    Miss international
    Daughter of Eddie and super Anaevil
    Sister of twins
    A mother of a twin with no husband
    A villain in Betty La fea
    hosted the Buzz
    Movie deperadas

    Is it comparable?

    Does Kris aiming for this achievements of Ruffa G.?

    .Ruffa wants to compete with Kris.

    Paparazzi
    Judge in Talentadong Pinoy.

    think about it.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 369  deathbychocolate

    03/08/2010 | 11:46 AM
    si ruffa yata inggit kay kris kasi matalino at magaling na host kaya lilipat sa tv5. itong si bisaya gusto na naman mapag usapan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 368  philsmanila

    03/08/2010 | 11:45 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 367  pepers

    03/08/2010 | 11:45 AM
    na karma si ruffa sa paninira kay shaina...na irita siya sa POV segment pa lang ng buzzz when kris defended shaina and JLC issue kasi alam ni kris na di totoo ang issue si ruffa ang gumagawa ng issue.close kaya si shaina at kris hahahahaha...at si bisaya napaka insecure kay dingdong
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 366  sunshinearaw

    03/08/2010 | 11:45 AM
    pansin ko di na lagi binabara ni kris si ruffa.even boy many times ganun din ang ginagawa ni kris.sakay naman parati ang dalawa.parang lagi nalang gusto ni kris sya ang tama and may last say.pero sya wala nang ibang kwento kundi about her- i,me ,myself! bruhilda ka kris!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About