news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266086 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 365  sylvester

    03/08/2010 | 11:42 AM
    napaka imature nitong c ruffa! umiiyak after ng the Buzz sa bahay??? hello!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 364  pepzen

    03/08/2010 | 11:39 AM
    rufingfing,anabil, nakakaawa kyo. gagawin nyo tlga lahat mapagusapan lang. rufingfing naman,ilang years ka ng binabara bara ni kris sa the buzz. you had every chance to tell her that. aba eh bakit naman ngayon ka lang ngumangawa. naaawa ako sa tv5.tsk.tsk.tsk. very promising station pa naman. mababahiran nyo lng ng kung anu anong intriga para lng mapagusapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 363  critic103

    03/08/2010 | 11:35 AM
    ANALYSIS.

    Is kris Aquino insecure to Ruffa G.???
    accdng to Anaevil.

    Queen of all Media
    Queen of Gameshow
    Queen of Talk
    Queen of Product Endorsement
    Queen of Horror Movies
    No. 1 Powerful person in Showbiz survey
    Daughter of 2 Heros
    Wife of a 3 times MVP player
    with 4 shows.

    Is that what we called Insecure?

    Ruffa G.

    Miss international
    Daughter of Eddie and super Anaevil
    Sister of twins
    A mother of a twin with no husband
    A villain in Betty La fea
    hosted the Buzz
    Movie deperadas

    Is it comparable?

    Does Kris aiming for this achievements of Ruffa G.?

    .Ruffa wants to compete with Kris.

    Paparazzi
    Judge in Talentadong Pinoy.

    think about it.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 362  sisteract100

    03/08/2010 | 11:34 AM

    ruffa at kris parehong cheap. parang hindi nag-aral kung umasta.

    nakakaawa lang si noynoy kasi nadadamay lagi kay kris.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 361  level_up

    03/08/2010 | 11:33 AM
    ay naku di kasi makalevel sa talking si Ropa kay Krissy--dapat na nga siyang umalis...kasi when boy and kris talk, di na nagsasalita si Ropa, pang display na lang siya...as a talk show host, dapat marunong siya...

    saka wala naman masama sa sinabi ni Kris...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 360  0210bonie

    03/08/2010 | 11:31 AM
    kris kaming mga tfc dito sa US di namin watch KTM kun eksena mo na, pati sa the buzz nakakainis ka napakarude mo ke rufa and also pag nagiinterview ka, wer are ur manners singit ka ng singit ng sarili mo. sabi nga ng kuya ko, lalaki pa yun ha, dapat daw bumili ka ng primetime mo at ikwento mo lahat ng every second na ngyayari sa buhay mo at panuorin moring mag-isa! grow up nga almost 40 kana pero yu never grow up! nakakahiya ka sa mga kapatid mo. ur so rude para kang walang pinag-aralan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 359  kapuso_u

    03/08/2010 | 11:27 AM
    ....sa akin lang wala nmng masama sa sinabi ni KRIS kung sa mga makikitid na utak yan sinabi malamang may kahulugan...

    ang tanong ni KRIS aminin mo masaya d2 sa ABS?

    ..kahit bata maiintidihan nila yang tanong na yan....i think hindi lang yun ang dahilan kung bakit umiyak si RUFFA?..kaya siguro pumutak kagaad si anabelle kasi baka may mailabas si RUFFA...
    ..
    ..ganyan din nun nung matatapos na ang kontrata ni JC sa GMA pumuputak yang si ANABELLE kaaway si WILMA..siguro maiintindihan ko na si WILMA G. sa kasong to...napaka-imoral nmn ng bunganga ni ANABELLE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 358  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:27 AM
    mas di nga maganda yung sasabihan kang sosyal peru taklesa at ang bunganga walang preno kc edukada di ba?sa gutierrez clan nmn ay ewan ko sa inyo oi mga magugulo kau hahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 357  citiboy

    03/08/2010 | 11:27 AM
    hayaan na natin si annabelle. she's just mentally deficient!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 356  0210bonie

    03/08/2010 | 11:26 AM
    fan ako ni kris pero yun nga napupuna ko bastos siya ke ruffa, last time tinanong ni rufa si kris bout kim and gerald, instead of kris saying well ala naman ako napupuna o watever na kelangan naman di nakakaofend, sabi ni bastos kris na tila walang aral ' baket naman ako magoobserve or magkikip track ng ginagawa nila' or to that effect . kundi ba naman bastos talaga, eniway fan parin nya ako pero diko siya idol ang sama ugali, kaya kahit asawa d siya matagalan. sana lumaki anak nya sa mga kapatid nya para di mamana sa kanya ng pagiging rude.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 355  ilovegoojunpyo

    03/08/2010 | 11:26 AM
    'wag ng gwing dahilan c kris s pglipat ni ruffa s tv5.. if i know ms malaki ang offer nla kya kau lumipat.. and i don't think kris is mayabang.. mrme nga ciang n22lungan n tao.. klangan lng cguro bwasan ang pgka-taklesa ng konte.. haha

    and to annabelle sna lng tgilan mo n ang gnyang ugali.. imbes n mk2long k s career ng mga ank mo sorry to say ms nkkcra p..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 354  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:24 AM
    nagalit si monster mom syempre trono nya yang pagiging bungangera hahaha


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 353  mj_stgo

    03/08/2010 | 11:24 AM
    ganon tlga c kris eh,at ganon tlga ang mag-inang ruffa at annabelle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 352  sylvester

    03/08/2010 | 11:23 AM
    ok lang maiyak kasi emotional pag-alis nya dun, pero ang magwalk out? at sinabi ni anabelle na inggit c kris? BAKIT?!! sila ang nagpopowertripping not kris!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 351  susiecute

    03/08/2010 | 11:20 AM
    SA MGA INTELIHENTE AT MAY CREDIBILIDAD KONG MGA KABABAYAN MAKINIG PO KAYO; Kung napanood nyo ang sinabi ni Kris wala po syang pambabara o pambabastos na sinabi kay Ruffa. Ang mag-inang Annabel at Ruffa ay gumigimik lang at malas lang ni Kris sya ang nagamit. Walang walang credibility ang NANAY nya kaya di sya dapt paniwalaan sa mga sinasabi nya. At isang malinaw na dahilan ang PERA. Mukhang pera talaga ang mag-inang yan. Saka please lang ha wala namang dapat ikaiinggit si Kris kay Ruffa. BAKIT...?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 350  critic103

    03/08/2010 | 11:17 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 349  someone

    03/08/2010 | 11:16 AM
    pra skin ala msma s sinabi ni kris tsaka gnun nmn tlga sya db kung hindi pla gus2 ni ruffa un sna kinausap nya c kris n hindi nya gus2 ang gnun eh gnun ugali ni kris akala nya cguro tangap ni ruffa un tsaka ellloo kung hindi dhil s pag alis ni kris s the buzz nsan c ruffa ngaun db sbi ni anabelle ingit lng daw c kris kay ruffa teka ask kow lng ano meron c ruffa n dpat ikaingit ni kris db..hayy pampam lng ang mag ina pra may reason cla kung bkit aalis c ruffa tma cla pera pera lng yan c anabelle p pagtpos buhayin ng abs career ni ruffa bigla gnun hahahahaha tignan nga ntin kunga no mang yari s career ni ruffa..mali ang pag gmit ni anabelle kay noynoy iba c noynoy iba c kris hindi porke magkapatid preho gnun lng un bkit nga c ruffa d nmn tulad snanay nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 348  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:13 AM
    si korina sanchez nga surrender kay kris now ruffa sino na nmn ang next hahahah

    taga dos bigyan nyo po ng solo talk show si kris kc dahil gusto nya sa kanya lahat ang mga eksena
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 347  sweetyspy

    03/08/2010 | 11:13 AM
    jusme humirit na naman si monster mom!
    nanahimik lang ng ilang buwan,ngayon eh nagiingay na naman..sige na ilipat mo na lahat ng alaga mo sa tv5!para sila naman ang sumakit ang ulo..


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 346  borrow54

    03/08/2010 | 11:12 AM
    ang dami show si kris pabigyan naman si ruffa kahit sa kabilang stasyon lamang, sometimes abs is greed.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About