news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266238 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 345  beachberm

    03/08/2010 | 11:12 AM
    I hope that this comment reaches Ms Kris Aquino.

    I have always followed The Buzz even if I am no longer based in the Philippines. Im not Ruffa-natic but I have to agree that lagi ngang binabara ni Kris si Ruffa, sometimes humuliating her. Ruffa in fairness has taken it all in stride. I honestly don't like Ruffa as a host in The Buzz because I find her too shallow. Pagnatatanong sya walang follow-up. Conversely, I have always liked Kris' wit. But Kris, you don't have to put people down just to feel big which is exactly what comes across when you always cut Ruffa, make your point by making Ruffa's point appear pointless. So I hope that this will serve Kris a lesson. After all these years,its about time that she learns WHEN to speak and to SPEAK the right words.

    As for Annabelle, Noy's bid to become the president has nothing to do with this bruhaha. Let's cut him some slack. I know he will make a good president and I am praying that he will win. We need a leader that stands f
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 344  megumikobayashi64

    03/08/2010 | 11:11 AM
    well based s npanood ko kahapon s D BUZZ, s opinion ko lng wlang msama s cnbi ni kris ky ruffa, hndi ako mka-noynoy at hndi rin ako mka-kris o mka-ruffa, hndi ko alam khapon n offended pla c ruffa s cnbi ni kris, akala ko p nga kya umiyak c ruffa khapon eh dhl ayaw nya pgusapan ang pglipat nya ng station dhl nlu2ngkot sya n iiwan n nya D BUZZ, pro ng mgsalita c anbel rama s sc, dun q na-gets n strategy n nmn ni anabel toh pra lumabas n my dhilan c ruffa s pgalis s d buzz at pra hndi icpn ng mga tao n mas mlaki ang offer ng TV5 kya sya umalis don, ayw cguro maakusahan c ruffa n INGRATA s dos, kso alam n ng mga tao style ni anabel, msyadong OBVIOUS un tyming nla pra mgkron ng dhlan pgalis ni ruffa s dos,STYLE nla BULOK, mtalino n viewers ngaun noh, gus2 p kmuha ng simpatya s tao ng mg-inang toh!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 343  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:10 AM
    magsabong kayo hahahaah ayan lumabas din ang mga tunay at di maganda mga ugali nasa dos ahahahah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 342  ny_2009

    03/08/2010 | 11:08 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 341  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:07 AM
    yung iba kc nakipagplastikan nalang tlga sa ugali ng mgaa yan hahahhaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 340  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:06 AM
    ay naku ako wala sa noynoy at villar.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 339  calisa20

    03/08/2010 | 11:06 AM
    bakit kaya hindi rin inilipat ni Anabil ang iba niyang anak sa TV5. Basta ako kung ano ang katapat ng soap ni Retsard iyon ang panonoorin ko. Naging solid kapuso ako pero ayaw ko na dahil masyadong tinotolerate ng mga Gozon ang Pamilyang Gutierrez
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 338  sosingmasa

    03/08/2010 | 11:06 AM
    I dont see anything offensive sa sinabi ni Kris sa episode na yon, at kung meron man, its not something na sobrang nakakapikon para ipag-walk out ng sino man. But yes, matagal na matagal ko na ding napapansin na parang may 'jealousy' ang treatment ni Kris kay Ruffa. And in my opinion, siguro kasi sanay si Kris na sya ang laging centre of attention, pero nahati ang limelight after Ruffa joined them on The Buzz.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 337  ny_2009

    03/08/2010 | 11:06 AM
    kalokaaaaaa kris versu anabil???? e kasi namang itong si bading ruffa parang bata na ganito quot;mama binabara ako ni kris pwede awayin mo sya?quot; hahahaha kawawa si anabil ang talagang putak putak para sa pamilya nya...hahay ano kaya ang comento ni eduardo ngayon????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 336  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:05 AM
    cge ipagmalaki nyo si kris ako di ko type mga gutierrez peru nuon pa ugali ni kris tlga ewwwww

    lagi nyo sinasbai smart smart sya sus makapag english lang smart na ugali kamo ni kris napaka smart.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 335  mylamaloka

    03/08/2010 | 11:04 AM
    I THINK THIS TIME TAMA ANG GINAWA NI ANNABELLE! BAKA SI ANNABELLE ANG KATAPAT NI KRIS! GO GO GO!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 334  dustmyeat

    03/08/2010 | 11:03 AM
    anung pambabastos anabil? cnabi lang ni kris na RUFFA AMININ MO MAS MASAYA DITO! pambabastos ba yan? ugaling skwater ka lang anabil!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 333  pakiss_muna

    03/08/2010 | 11:03 AM
    i agree too kris walang modo tlga nuon at nuon pa yan kaya ruffa pangalawa kna sa nakasama ni krin na di maganda ang ending kc una si korina na nakatikim din lagi ng pambabara nya mahilig sumapaw yan ang true at di kanais nais anag ugali na pati on tv di mapigilan ugali ni kris

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 332  mypinkchucks

    03/08/2010 | 11:00 AM
    kung buhay pa si Cory at may quot;nambabaraquot; kay Kris, i think hindi magpapakababaw si Cory at aawyin at magpapaka ugaling squatter sya gaya ng ginagawa ngayon ni ana-evil.. si Kris, smart kasi and smart people have tendency tlga na mambara.. hehe.. saka, kung may mangbbara kay kris, im sure hindi iiyak yan gaya ng iyakin na si ruffi.. sablay naman kasi mga POINT OF VIEW mo eh.. isa ka lang decoration sa the buzz.. sana kinareer mo na lang ang pagpapaganda mo..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 331  joannasandovalphilmix

    03/08/2010 | 10:57 AM
    Na-e-excite na tuloy ako kung sinong mananalo sa election si manny ba o si noynoy. anabell vs. kris
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 330  mypinkchucks

    03/08/2010 | 10:55 AM
    patawa talaga tong si Anaevil Rama kahit kelan.. si Kris, naiinggit kay Ruffa? grabe! ganyan na ba kakitid utak mo anaevil? saka sino ba kayo? showbiz royalties ba kayo?? hindi porket nagkakalat kayo ng lahi eh kayo na ang sikat, kayo ang paniniwalaan ng Pilipino.. nakakadiri ang ugali mo.. at nakakahiya ang pamilya nyo, puros skandalo take it take it at away.. magpakumbaba ka kasi ana-evil
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 329  kontilang

    03/08/2010 | 10:52 AM
    hay naku, Anabil, di ka nag-isip. si Manny Pangilinan ang big boss ng TV5 na friend ni Kris. baka magdalawang isip 'to at di na ituloy ang show ng anak mo...tsk,tsk...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 328  A_Cross_Between_The_Two

    03/08/2010 | 10:50 AM
    I agree na may mga times talaga na offensive si Kris, almost every Sunday, binabara nya si Ruffa..

    I won't vote for Noynoy. Team Gibo ako. pero ung mga sinabi ni Annabelle sa SC.. She's gone overboard. Ano naman ang kinalaman ni Noynoy sa sister nya.. Halatang-halata, nimention pa na wala siyang Commission. I remember one time na nagtampo si Annabelle dahil bakit daw si Dingdong at hindi si Richard ang kinuha ni Kris to represent the Youth sa campaign ni Noynoy. google it.. :P


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 327  cristine2

    03/08/2010 | 10:50 AM
    si kris insecure kay ruffa? hello mga kababayan ko! fyi sa mga hindi nakakaalam ng nakakahiya at napakapangit na karanasan ni ruffa gutierrez and family lalo na ang nanay niya eh magtanong nga kayo sa showbiz news mula 1988-2001 sa mga kapalpakan pinagagawa nilang mag-ina! also fyi si kris helped her w/ her career! 3yrs.ago wala ng career si ruffa pasalamat siya sa abs at napasama siya sa the buzz na sa kanyang bibig din nanggaling w/ kris blessing kaya siya nasa buzz. okey kung wala si kris sa buzz mababa ang ratings nito nangyari na noon kaya nga siya pinakiusapan na bumalik! i watched the buzz pov segment so kris was just being kris! malungkot siya dahil aalis si ruffa na akala niya okey sila! at sa pagkakaalam ko MONEY ang reason ng pag alis niya at kung kilala ninyo si anabel rama DIYOS NIYAN PERA! WALA SILANG UTANG NA LOOB sa abs na bumuhay sa struggling career ni ruffa! ngayon ginagamit pa nila si kris para sirain si noynoy na obvious naman na si anabil eh kay villar dahil nagbibigay ng milyones sa art
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 326  susanboyle

    03/08/2010 | 10:49 AM
    i have noticed matagal na , na parati ni KRIS pinapahiya si ruffa. For obvious reasons, mas maganda, mas sexy, mas MATANGKAD at magandang magdala ng damit si ruffa kesa ky KRIS. SI kris kahit anong ganda ng damit, minsan hindi bagay sa kanya kase mataba siya at hindi matangkad. For how many times nakita ko si kris tinitingnan si ruffa from head to foot. HAHAHAHA, need i say WHY? Of course korek si anabel na inggit si kris. Pero, hindi ko tyoe si anabel huh...kase bastos ang bunganga niyan. But in fairness, nanay nga siya, she has to defend ruffa. Si kris talaga, hindi nag iisip. akala niya sino na siya. tacklesa talaga!!! careful siya, baka sayang ang lahat ng gastos niya at matalo lang si noynoy dahil sa bunganga niya. BAKA TAMA ANG ASAWA KO, SI KRIS ANG MAG PAPATALO KY NOYNOY????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About