Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
325 vince007
324 harrysantos20
323 kingdomofdreams
sobra talaga tawa ko sayo. palagi mo akong napapatawa sa mga posts mo.
team badjaobabe ako..hahahaha
team kris aquino din syempre
322 critic103
1. Hindi po masama ang mag walk out kung ikaw ay nasasaktan pero wala naman pong dahilan ang pagtanong ni Kris kung masaya ba talaga sa abs o hindi. oo lang o hindi ang sagot.
2. hindi pa po nag eend ang contract ni ruffa sa abs at pumirma na ito ng contract sa tv5. dapat nga sa kanya kasohan ng abs cbn.
3. hindi naman po kasali si noy2 sa away na ito. makikita na walang breeding si anabel. tama, ina siya pero mali ang pagtatanggol niya.
4. si ruffa naman sana huwag niyang gamitin to para maging malinis siya. para matakpan ang kasalanang ginawa nilang mag ina sa abs.cbn
321 dakilangina
320 christianroleal
Im not a ruffa fanatics but sa nakikita ko at naoobserve ko sa ugali ni kris parang hindi na maganda unlike before nung buhay pa mother niya.. is it because wala na yung mama niya na magsasabi sa kanya? Masyado na siyang maingay. She should learn to shut up her mouth once in a while.
319 lovejlc
318 joannasandovalphilmix
nandyan ka na naman kaanak mo ata si annabell rama, parang pareho ang tuno ng pannalita nyo ah!!!!!!
317 syniellab3
316 joannasandovalphilmix
I feel sorry for the annabel rama kids bec. i think okey naman ang mga anak but becuase of annabell rama's attitude na super maldets....... they become the center of thier moms war...of the word...
I'm not siding any one of them dahil pareho lang naman sila, kapwa co-host libak dito, libak doon.
315 Fabe
314 californiastar5
313 imavatar
312 Deane_2005
311 luvko2
310 trinanico
309 Hottieboi23
Napakaganda ng sinabi mo... VERY WELL SAID..and i quote I would not bite the alibi of ABS that RUffa and Annabelle is doing this to drumbeat Ruffa's Transfer kase eyewitness ako that for a long time RUffa tried to tolerate Kris character.Boy A you have to be honest this time..unqoute..
ALam nyo po ako ay isang SHARONIAN so wala akung kinikiligan kina RUFFA at KRIS pero lagi po akung nanunuod ng THE BUZZ every sunday..If you Review last week and this weeks POV segment nila e grabe na si MS KRIS..NAPUNO na ANG SALOP! Tao lang si RUFFA... SHe's just being herself...
Ms Kris they say u r the QUEEN of ALL MEDIA but pls learn to stay HUMBLE.
Ms RUffa pls tell your MOm to stop putting some politics issue about this controversy...
At the end of the day hope FRIENDSHIP wins....
SALAMAT PO!
308 honeybums
307 damsel15
306 llllllllllllllllllllllllllll
more comments