Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
245 mysticalfire
244 mamafanatic
kapag datung na talaga ang pinaguusapan....
sabagay.... wala pa kasing mayaman na pumapatol sa princesa nila....gurang na kasi!
243 myca2k
242 mamafanatic
kapag na talaga ang pinaguusapan....
sabagay.... wala pa kasing mayaman na pumapatol sa princesa nila....gurang na kasi!
241 seikolang
240 nokian95
239 honeylynnb
magbago ka na kris di ka maganda at feeling sikat ka lang. Kung di dahil sa parents mo wala ka ngayon dyans a showbiz. mas malaki pa sa ulo mo ang hangin sa utak mo. Grow up.
238 lifeditoca
GIMIK nga to! para pag usapan ang pag lipat nya sa 5. di kse nag counter offer ang 2! hahahahaha! di naman kse kawalan sa kanila si ruffa!
237 luna_kapamliya
236 lifeditoca
ano daw? matatanda daw ang humahabol ke kris? di ba nito alam na 11 years ang tanda ni kris sa asawa nitong si james??????
haler! basa ka ng konti ha! out of the topic ka! san ka ba galing kse?
235 twozerofive
.OA naman nitong ruffa...
234 lifeditoca
kelan pa naging class ang isang... pro------
wag na nga lang... lapit na mahal na araw!
OA lang kse talaga ang rufifing! sinunod ang gimik ng inang walang awa sa kanya!
233 pookheymorena
232 lifeditoca
alang breeding! san naman kse kukuha ng breeding eh tingnan mo naman ang nanay!
231 nandyansibro
230 spalin
229 an2ni
may araw ka rin kris aquino!
228 mamafanatic
227 mjay18
minsan akong nanood ng the buzz.. the time na ung my sakit si kris pero pumasok parin sya.. ung my binigay sa knyang gift ek ek sa P.O.V. nila.. nasasalita si ruffa ng biglang tumayo si kris tapos dumaan sa camera.. as in pause si ruffa ng konte.. nakakatawa nga ehh.. iniisip koh loko si kris at ginagwa nya un in national tv..
226 maximillan1227
more comments