news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266091 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 65  calisa20

    03/08/2010 | 04:48 AM
    Maarte talaga itong si Ruffing. Anong masama sa sinabi ni Kris ay talaga namang lilipat na siya. Ang arte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  isseymiyaki

    03/08/2010 | 04:48 AM
    sigurado titirahin nina christy fermin at mo ang dbuzz.....natanggal kaya si christy doon ehehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  calisa20

    03/08/2010 | 04:47 AM
    Kita talaga na walang pinagaralan si Anabil. Idamay naman kaya si Noynoy. Lalong mananalo siguro si Noynoy dahil walang makikinig sa panawagan ni Bisaya. Wala ngang dumatig sa patawag niyang rally para pababain sa puwesto si WG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  shoti1029

    03/08/2010 | 04:47 AM
    cranberrywalnut:
    pano naman naging mas may breeding si ruffa?eh dba naging brunieyuki din yan dati, tpos sa mmff scandal, tpos nag pakasal kay ylmas na meron na palang pinakasalan na una? at list si kris open book yung ngaing buhay nya at aminado sya sa mga pagkakamali nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  isseymiyaki

    03/08/2010 | 04:47 AM
    uumpisahan ni Ruffa sa tv5 kamalasan..... not a good way to start a new show, a new station Ruffa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  calisa20

    03/08/2010 | 04:45 AM
    Sige Pamilya Gutierrez doon naman kayo magkalat ng lagim sa TV 5. Kaya ayaw ko ng manood ng SC laging mga Gutierrez ang laman lalo na iyan si Anabil. Kapuso ako pero hindi na Solid gawa ng Pamilyang ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  lovinABS

    03/08/2010 | 04:44 AM
    i wathed the segment three times, not very sarcastic remark from kris for ruffa to be that senstive and walk out on the show. although at their opening i can see from kris eyes that shes inggit of ruffa's maybe her beauty, her ayos, her gown. and previous episodes yes i noticed too thats kris makes bara of ruffy. however, this sensitiveness of ruffa is so timing for her transfer and upcoming rival show and even worse when annabel had to be interviewed by showbiz central and lambast noynoy. thats so out of proportion to the issue if there is between ruffa and kris. what a publicity for ruffa. making appear paawa to the public who knows her shows in TV5 may not click when shes a single mom so she shouldnt be acting as drama queen so is her mom. on the other hand, kris should be more tactful she doesnt know shes hurting na. on her comment that filipino voters are intelligent, shes right but that doesnt mean intelligence is choosing noynoy. peace everyone.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  daffodils87

    03/08/2010 | 04:43 AM
    Noynoy has nothing to do with Kris' behavior, so Annabelle, please leave noynoy alone. That's below the belt of asking people not vote for Noynoy. Kris is Kris, she's very tactless and without common sense, she's just thinking of herself; very selfish. Although she's the youngest among her siblings, but she's no favorite. Her sister Pinky can attest to that. I hope Kris learns her lesson.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  cranberry_wallnut

    03/08/2010 | 04:43 AM
    mas like ko si ruffa kasi may breeding sya kesa kay kris.. at ibang level naman si ruffa miss world yan eh.. beauty queen kaya nga nayayamot si kris at lagi binabara kasi dun na lng nya dinadaan ang inggit nya hahaha..ewan ko ba bakit ang lakas nya sa abs cbn eh kung tutuusin di naman sya magandang ehemplo.. nakailan na din sya na guy.. tapos laging naka broadcast pati pag aaway at selosan nila nung asawa nyang bata.. madami na naman tlga yan binabara na artista si kris kahit sino basta maganda galit sya sa maganda sa totoo lng hahaa.. kasi wla sya nun.. sa totoo lng ayaw ko na manood ng gerald kim kasi nandun si kris galing na sana ng mga cast nilagay pa un si kris eh di naman marunong umarte.. hayss wla na po pa taung artista sa pinas.. at puro si kris ang nakikita ko.. naku naman noh.. go ka lng ruffa.. kahit ayaw ko sa nanay mo madaldal mas gusto ko pa rin si ruffa kasi muka ka naman mabait at nsundan ko naman yan si ruffa since that's entertainment she is so sweet and siya tlga ang reyna ng mga arte art
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  jeeez

    03/08/2010 | 04:41 AM
    wala akong kinakampihan....dapat sana kung 'on air'at ganyan ang ugali mo sa mga co host...d tlaga appropriate...ksi para namng babaw ang tingin mo sa mga katrabaho...oo ganyan tlaga c kris...pero sana ilagay sa tmang lugar na hindi 'on air' kahit ganyan ang tingin mo sa tao hindi namn tlaga tama na buburahin mo sya lalo na may nanonood..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  thehunks100

    03/08/2010 | 04:36 AM
    Iisa lang ang dahilan niyan kaya pati si Noynoy ay dinadamay ng Annabelle Rama Gutierrez na iyan. Kung na-a-alala ninyo pa na malaking question mark kay Annabelle ang pagpili kay Dingdong Dantes bilang spokesperson sa mga KABATAAN ni Noynoy. Bakit daw hindi ang anak niyang si Richard Gutierrez?

    ANO! Sa ganang akin ang laki ng pagkakaiba ni Dingdong kay Richard. Si Dingdong marunong humarap sa katotohanan at responsibilidad, itong Richard puro showbiz lamang at kasinungalingan. Iniwan niya si Lorayne Pardo sa alanganin matapos mamatay ang asawa nito sa kotseng kanyang minamaneho. Tapos nilait-lait pa ang pagkatao ng Lorayne at dinamay pa ang ama ni Nomer. Kakampi pa nito ang buong pamilya sa panlalait sa PARDO FAMILY. What the HECK are they doing?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  ABSCBNThe1stPhilippineTVStation

    03/08/2010 | 04:35 AM
    39
    adoboabogado
    March 8, 2010
    04:22 AM Kaya nga si Kris walang bestfriend na babae kase walang makaintindi ng ugali niyang agaw atensyon at taklesa grabe!
    =========
    kaibigan kaya ni Krissie si Lucy Torres
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  mambo

    03/08/2010 | 04:33 AM
    2x ko tuloy pinanuod ang buzz so I could catch that scene again. I really don't see anything wrong with what Kris said. That is, unless, marami pang nangyari off cam.

    Nice to be objective but di ko gusto na lahat na lang nang issue ni Kris eh si Noynoy na agad ang nadadawit. Anong ba namang kabaliwan yan.

    Have always tried to understand the Gutierrez family everytime may issue sila pero this time you're dead wrong Annabelle. Masyadong mababaw reasoning mo about this one. Nandamay ka pa nang inosenteng tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  manangdi

    03/08/2010 | 04:30 AM
    wow, huh, ang OA ng Gutierrez family, Ruffa is a big girl, she can take care of herself. This is just Annabelle Rama talking as a manager not as a mother. Pikon lang si Ruffa and if ever she can't take Kris A's bullying, well, she should have quit a long time ago, now that they were able to ink a job with TV5, they back stab ABS-CBN? anong klaseng values mayroon ang pamilyang eto? For heaven's sake, pinapalaki lang ni Annabelle Rama pagalis ni Ruffa so she can carry over to her new show. Enough with this family, they should all go back to America and sell kalderos again or be Paris Hilton's PA, tutal mga social climbers naman tong mga to. They are not contributing to the Philippine industry, all her children have no talent to show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  isseymiyaki

    03/08/2010 | 04:29 AM
    waging wagi pala si ylmaz bektas dahil nakawala siya sa anino ng mga gutierrezes heeheheheh good riddance ba ylmaz?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  maedominguez

    03/08/2010 | 04:28 AM
    i despise d fact n they r dragging politics over this hello anabel and as well as network rivalry with raymond making comments how their show is better esp with respect..etc..dont compare ur show to d buzz ok?bsyds there was an issue b4 with mo and ruffa mae..so dont act as if u have the most ideal workplace.dont use this issue to pls para lang 'mag angat ng sariling bangko'. disgusting raymond.just disgusting.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  ABSCBNThe1stPhilippineTVStation

    03/08/2010 | 04:27 AM
    si Krissie, matagal ng taklesa at mananapaw yan...

    at si Anabelle, inborn na ang pagiging WarFreak at FaceMoney nyan...

    at si Ruffa, na malapit ng magkwarenta, haleerrr, don't you have your own mind??? dalawa na anak mo, sunud-sunuran ka pa rin sa nanay mo na sinabihan kang magwalk-out, walk-out ka naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  manjo

    03/08/2010 | 04:27 AM
    hay naku, umarangkada na naman ang bibig ni Bisaya ... at isinangkalang pa ang candidacy ni Noynoy. it's very obvious naman na nakasilip lang sila ng opportunity to publicly lambast Kris to promote Ruffing's transfer sa TV5. Ingat ka Bisaya sa mga bibitiwan mong statement against Kris at baka ikaw pa ang sampahan ng libel case - Kris is also very showbiz and could very well stoop down to your level just to shut your big mouth. You don't own showbiz nor the political arena ... territory ni Kris Aquino yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  MARKY2000

    03/08/2010 | 04:26 AM
    So sensitive naman si Ruffa?O gimmick para mapag-usapan?Sus!Anabel naman!Matanda na yang anak mo!She dont need your protection na akala mo eh ninakawan ng kendi!Grow up!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  jeeez

    03/08/2010 | 04:26 AM
    noon pa man,may kutob na talga ako na magbangga-an ang dalawang ito...makita mo talaga sa the buzz na minsan buburahin nya c ruffa...pero huwag naman idamay c noynoy sa galit nila kay kris...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About