news

PART 1: Ruffa Gutierrez walks out on The Buzz because of Kris Aquino
by Erwin Santiago & Elyas Isabelo Salanga posted on March 8, 2010  STATS: 266116 Views | 1005 Comments

 

On what is supposed to be her last two weeks on The Buzz, Ruffa Gutierrez (left) walked out on the show, following a comment from co-host Kris Aquino (right) about Ruffa's decision to leave ABS-CBN for TV5. Only minutes later, Ruffa's mother, Annabelle Rama, badmouthed Kris on another show.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.

Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."

Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.

Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.

Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."

ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.

Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.

"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'

"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"

Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.

"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"

Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?

"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1005 Comments

  • 885  rogerrodeo_69

    03/09/2010 | 12:45 PM
    at itong si annabelle na bisaya na nakakasira sa image ng mga bisaya. Pwede ba wag mong idamay ang kpatid ni kris sa usapin dahil ang intindihin mo e ang mga kapatid ni ruffa. 1. si Raymond na BAKLA na nagpapakalalaki effect e kalat na kalat sa US ang kabaklaan nya. At ang mga starstruck contenders na hiniga nya. 2. ang kapatid nyang mamamatay tao. tigilan nyo ako totong sya ang dahil ng pagkamatay ng driver nya. Wag mong silawin ang hustisya sa pera. At pwede ba totoo yung ngyari ke Flores bastos talga yang si Richard. 3. Yung kapatid nyang si Rocky na kabata-bata pa e kasama sa scam. tigilan nyo Gutierrez manahimik na lang kayo. nadadamay lng sa gulo ang tahimik na si Eddie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 884  firebitch

    03/09/2010 | 12:43 PM
    Annabelle Rama: Kung makabasa ka ani pakaulaw ka ra sa mga BISAYA. Nidako pa unta ka sa kumbento pero batasan nimo di matulon....NAWONG KAG KWARTA! Imohang mga anak naliwat sa imoha. Pagpabuutan aron kwaon na ka ni Lord kay gikapoy na mig paminaw sa imoha. Pakaulaw ka sa tanang BISAYA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 883  almond143

    03/09/2010 | 12:41 PM
    di naman pambabara ni kris yun. she even does that to boy minsan sa damit pa nga or kung saan-saan. maarte lang si ruffa. balat sibuyas. she should learn the art of hosting hindi parang flower vase. kakatawa siya puro pa-cute...tapos pag spot na nya to talk, wala namang laman. you just wait for boy and kris to talk. si ruffa, di bale na lang. no sense anyway. dinadaan sa ngiti at ganda. ngee, ano kaya yun HOST na yun? hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 882  rogerrodeo_69

    03/09/2010 | 12:37 PM
    pwede bang tigilan ni ruffa ang kaartehan nya. Napakahinhin nya at poised sa harap ng camera pero inang ang nakaraan ating halungkatin. 1. ang katotohanan sa pagiging nyang BRUNAYUKI. Aminin mo Ruffa nanay mo ang naging bugaw mo. Pakitanong ke Rosanna Roces ng katotohanan please. 2. Kung bakit ka naging 3rd sa Miss World aminin ang naging kapalit sa isang judge. at marami pang darating na expose kung kayo titigil sa kaartehan ng pamilya nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 881  firebitch

    03/09/2010 | 12:36 PM
    I am not an avid fan of both RUFFA and KRIS. I find them both maarte and and both share some values na di pwede gayahin but then if I were to choose between the lesser of two evils I would definitely go with KRIS. I would rather befriend a TACTLESS, SMART and HUMBLE marunong mag sorry kung kinakailangan at inaamin ang mali person than a person who is PLASTIC tumatawa kuno kahit nasasaktan na, DULLdi makasagot sa opinion ng iba, MATERIALISTIC walang paninindigan at prinsipyo dahil nasilaw sa pera and SCAMMER remember the awards dati kaya lumayas sila? and a person who CANNOT BE TRUSTED like RUFFA. KAsi nga naman TWO-FACE siya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 880  californiastar5

    03/09/2010 | 12:26 PM
    NOY pa rin tayo mga kapatid, wag magpadala sa sulsol ni Anabelle bungangera.

    Saka pwede naman sinagot ni Ruffa kay Kris, quot;Ay, yeah ibang level ang saya talaga dito kaya for sure miss ko kayo ditoquot;

    O ganun lang ang sagot dun e bakit kailangan mag drama effect at iyak iyak kuno????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 879  maldito

    03/09/2010 | 12:19 PM
    I totally agree with TVviewer. We have exactly the same observations. I don't think nambastos si Kris dito. Over lang mag react si Annabelle and some readers, for that matter.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 878  TVviewer

    03/09/2010 | 12:00 PM
    noynoy has nothing to do with this! upfront or pranka si kris but it doesn't mean na mayabang sya. magkaiba ng definition yun, anabelle rama.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 877  TVviewer

    03/09/2010 | 11:56 AM
    i just watched the buzz, wala naman akong nakita na pambabara o pambabastos na ginawa ni kris. i wouldn't even notice it kung di ko unang nalaman na may controversy o nagwalk out daw si ruffa sa the buzz. kris didn't even say na lilipat si ruffa...she just said quot;aminin mo ruffa, mas masaya ditoquot;. masama ba yung sinabi na yun ni kris? wala akong nakitang masama dun. ruffa can just say, no comment ako dyan or ayokong pag-usapan. wala namang nakakaiyak dun or nakaka-asar sa sinabi ni kris. sobra naman balat sibuyas ni ruffa or OA or she's making it a big deal para pag-usapan for her FANS to follow her sa 5 or baka naman against sa loob nya na lumipat ng 5 kaya may pa cry cry sya, it just happen na mas malaki ang talent fee doon.

    yung sabi ni annabelle na laging binabara ni kris si ruffa sa the buzz. i dont think it's like that...lagi akong nanonood ng the buzz, 'no? it just happen na nasasapawan talaga ni kris si ruffa, kasi naman walang buhay mag host si ruffa...malamya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 876  tamarin64

    03/09/2010 | 11:37 AM
    Despite of the incident, we are still for the Aquino. Go Noynoy, go...........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 875  tamarin64

    03/09/2010 | 11:32 AM
    I think this is purely propaganda of Annabel Rama due to Ruffa's transferring to TV5. And also it is not right to include Noynoy's name on this matter since he has nothing to do with this issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 874  sweet_angel05

    03/09/2010 | 11:26 AM
    matapobre si kris kahit noon pa nung presidente si cory noon.. laging nagsusumbong sa yaya at mommy..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 873  fifiandtheflowertots

    03/09/2010 | 11:24 AM
    si Kris talagang matalino yan walang question kaya lang when she interrupts nawala ung manners niya.

    si Ruffa naman ganda niyang magdala ng damit, maganda din siya physically pero sobrang OA lang talaga to the max.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 872  kooracha

    03/09/2010 | 11:14 AM
    Hirap kasi talagang sumabay si Ruffa kila Boy and Kris...very close kasi talaga sila at parehong napakatalino. So Ruffa feels left out. Maganda si Ruffa pero minsan walang sense...parang boring kausap. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 871  kooracha

    03/09/2010 | 11:06 AM
    Naranasan na ni Kris na tumira sa Malacanang...dating pangulo ang mother niya, ang pinakamamahal nating si Cory Aquino. Kaya yang sinasabi ninyo o ni anabel na lalong yayabang si Kris, hindi na niya kailangan 'yan.

    Team Kris! Team Noynoy hanggang sa huli!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 870  misswah

    03/09/2010 | 11:02 AM
    naalala ko nga pala na si annabelle mismo ang nagsabi sa the buzz nung nainterview sha one time how is she gonna describe ruffa. and she said na napakaPLASTIC daw ni ruffa. napakaHIPOKRITA daw ni ruffa. so it explains na kahit matagal na palang may sama ng loob si ruffa kay kris eh i love you pa rin ng i love you kay kris sa show. at maypa i miss you i miss you pa at get well soon. PLASCTIC AND HIPOCRIT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 869  opinionatedgurl

    03/09/2010 | 10:55 AM
    please stop already gutierrez family. nakakasuka na kayo. trying hard magpaka sosyal ang pamilyang ito iba naman lumalabas sa mga bunganga niyo. halatang uneducated kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 868  hansef21

    03/09/2010 | 10:53 AM
    never liked kris aquino..never have never will. unfortunately, whatever she does will always affect Noynoy, wether he's directly invovled or not. posibleng magkatotoo yung sinabi ni Annabelle Rama na lalong magiging mayabang yan si kris...her apology is just quot;pakitang-taoquot;...superficial...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 867  misswah

    03/09/2010 | 10:53 AM
    kung panghahamak lang ang usapan ni naman mas hamak na manlait itong si annabelle sa mga dating manliligaw ni ruffa noon. baka nakalimutan ni raymond kung papano manlait ang nanay nyang matapobre sa ibang tao. tsk! tsk! tsk!... kakaiba tong pamilyang ito.. if things don't go on their way masama na ibang tao. napakaself-centered ng mga ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 866  eklatbelat

    03/09/2010 | 10:49 AM
    i dont know - this shows how weak and shallow the Gutierrezes are. When they are hit by an intrigue because of their doing- namemersonal sila.. and relationship ang pinapairal nila.

    Hindi ba pwedeng i handle ang isang issue objectively?

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About