Marami ang nagulat nang biglang pumutok ang balitang nag-walkout si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz kahapon, March 7. Isa si Ruffa sa hosts ng programa, kasama sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Sa "P.O.V." segment ng The Buzz kahapon ay biglang naging emosyonal si Ruffa nang biruin siya ni Kris ng: "Ruffa, aminin mo, ibang level ang saya dito." Ang tinutukoy umano ni Kris ay ang nakatakdang paglipat ni Ruffa sa TV5. Lilisanin na ni Ruffa ang ABS-CBN at ang The Buzz dalawang linggo mula ngayon.
Pagkatapos ng sinabi ni Kris ay sinagot naman siya ni Ruffa ng ganito: "Well, I know, you don't have to rub it in, Kris. Siyempre, I'm sad din, so sana huwag mo namang, you know, dagdagan."
Ngunit sa puntong ito ay kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ruffa, at halatang pinipigilan niya ang pag-iyak.
Bago mag-commercial gap ay nakitang tumayo si Ruffa sa kinauupuan niya habang nakaupo pa sina Kris at Boy.
Ilang sandali pagkatapos ng naturang eksena ay napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluyan nang nag-walkout si Ruffa at hindi na tinapos ang show. Ayon sa naiulat sa PEP Alert kahapon, na impormasyong halaw sa kampo ni Ruffa, "Umiiyak na umalis ng The Buzz si Ruffa Gutierrez dahil sa mga pangbabara sa kanya ni Kris Aquino."
ANNABELLE STRIKES BACK. Hindi pa man natatapos ang The Buzz ay nakakuha naman ng exclusive phone-patch interview ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Showbiz Central, sa ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.
Isang nagpupuyos sa galit na Tita Annabelle (ang tawag sa showbiz sa ina ni Ruffa) ang nakausap ni Pia Guanio sa kabilang linya.
Unang tanong ni Pia kay Annabelle ay kung nasaan na si Ruffa nang sandaling iyon.
"Pinapauwi ko na siya, Pia," sagot ng ina ni Ruffa. "Alam mo, ang reason ko diyan kung bakit pinull out ko diyan si Ruffa sa The Buzz, dahil hindi ko na ma-take na every Sunday ay binabara siya lagi ni Kris, okay? Kaya lagi kami nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, 'Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?'
"Alam mo, Pia, hindi maganda ginagawa ni Kris kay Ruffa, e. Hindi pa nga nananalo si Noynoy [Aquino, kapatid ni Kris] as presidente, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na 'yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang. Hindi magtatagal. Si Ruffa every Sunday binabara niya. Ano, naiinggit ba siya kay Ruffa?"
Tinanong ni Pia si Annabelle kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit "binabara" ni Kris si Ruffa.
"Nainggit kay Ruffa siguro! Naiinggit siya kay Ruffa!" sagot ni Annabelle. "Kaya ako nananawagan sa taong-bayan, huwag n'yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!"
Totoo bang umiyak si Ruffa sa isang restaurant sa Tomas Morato?
"Umiyak si Ruffa. Kanina pa sa dressing room. Sabi ko, 'Umalis ka na diyan sa The Buzz,' sabi ko sa kanya. Iyan kasi, makulit, e! Gusto niya magtrabaho! Ruffa, naintindihan kita na nagtratrabaho sa The Buzz. Pero kung babastusin ka naman ni Kris, e, hindi naman tama 'yon! At hindi ka lumalaban! Bakit ba naman ganoon? Bakit mo pinabayaan na lait-laitin ka diyan?'"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
845 pit
844 beattyful
Ruffa, tama na nag drama....
843 macbear
What you said is an insult...never will we support anabel for this....I am a bisaya but anabel rama has been a war freak..of course she's entitled to air her side but my God....hindi namin feel si anabel ha!! puede ba? Basta ako konti lang talaga like ko sa pinoy showbiz as in konti lang talaga!
842 amethystblues
841 brad_peet
840 adoboworld
839 adoboworld
838 ny_2009
837 ny_2009
kawawa lng si roping, umalis pa may magandang pabaon pa...saan ka na??? cguro si roping umiiyak iyak na ngayon sa pagsisi nya kasi si kris nagsorry na, hanggang dyan na lng ang laban ni kris, kaya hindi na tuloy mapag usapan sila sa TV ngayon....Lalo pat aalis na sya, hindi na talaga yan ipapakita sa news ng ABS...kaya manahimik na rin kayo evil este anabil...
836 ako_ito_eh_bakit_ba
835 ny_2009
834 ak1nna
833 ladyucks
832 untilthen
831 ny_2009
830 sweet_angel05
quot; ina ako nagdurugo ang puso ko kapag nakikita ko anak ko na inaapiquot;
kahit naman sinong nanay makita anak nila inaapi magagalit. nanay din ako kaya naiintindihan ko si anabel.. kung kau rin naman barahin at matapobrehin kau ni kris siyempre magagalit din kayo..
829 writ
haay naku ang mga gutierrez atalaga ang good exapmle of greediness and napakapalengkera ni anabelle ha!!
G-U-T-I-E-R-R-E-Z NA NGAYON ANG BAGONG SPELLING NG GREED... HAHAHAHA!
828 bamboo104
827 brad_peet
HINDI KAMI BUMIBILI NG PATAY?
As if, alam ni Anabel Rama what compassion means.
At sasabihan niya na si Kris api-apihin lang ang mga maliliit na artista? Anabel, look in the mirror, and say that one more time. Ikaw iyon, ang umaapi api ng mga maliliit na mga tao. Makulong sana ang anak mong si Retsard, at bumagsak sana ang careers ng mga anak mong walang talent.
826 masaya1
more comments