Usap-usapan na ang nalalapit na pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz dahil sa paglipat ng TV host-actress sa TV5, kung saan magkakaroon siya ng ibang showbiz talk show, kasama sina Cristy Fermin at Mo Twister.
Pero bago pa man ang tuluyan niyang pag-alis ay nagkaroon ng malaking isyu nang mapabalitang nag-walkout si Ruffa sa The Buzz kahapon, March 7, dahil sa umano'y pagkapikon sa pambabara raw sa kanya ng co-host na si Kris Aquino.
THE BUZZ INCIDENTS. Nagkaroon ng ilang sapantaha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang mapanood ang The Buzz kahapon tungkol sa ilang insidenteng maaaring naging dahilan o nagbunsod ng umano'y tensyon sa pagitan nina Ruffa at Kris.
Sa opening pa lang ng The Buzz ay naging kapansin-pansin ang tila hindi agad pagbati ni Kris kay Ruffa. Nauna kasing binati ni Kris si Boy at sinabing na-miss niya ito sabay yakap sa kabigan at co-host. Tila naghintay naman ng pagbati si Ruffa, kaya siya na ang nag-initiate sa pagsasabing, "Ako, hindi mo ako na-miss? Malapit na..." Tila ang tinutukoy rito ni Ruffa ay ang nalalapit niyang pag-alis sa ABS-CBN.
Sinagot naman ito ni Kris na matagal daw kasi silang hindi nagkita ni Boy kumpara dati na araw-araw silang nagkikita dahil sa palabas nilang SNN (Showbiz News Ngayon). Nag-leave kasi si Kris sa show dahil na rin sa sobrang stress matapos ang aksidente niya sa banyo kung saan nabagok ang kanyang ulo.
Isa pang insidente ay nangyari naman during their "P.O.V. (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment. Ang topic nila for discussion ay ang nangyaring pagbibi-break umano nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ngunit nagkabalikan din daw after three weeks.
After ng VTR about the story, si Ruffa ang naunang nagbigay ng comment. Aniya, "Kanina we're actually discussing it, di ba? Every couple goes through problems. Ang napatunayan, they did go through a bump in their relationship. Pero doon sa two or three weeks na naghiwalay sila—"
Biglang sumabat si Kris at sinabing hindi sila naghiwalay.
Patuloy ni Ruffa, "Hindi sila naghiwalay. Nagkaroon sila ng problema. So, naayos naman nila yun. And now they're back in speaking terms and their really good."
Sumunod namang nagbigay ng komento si Boy na sinegundahan pa ni Ruffa. Hanggang sa turn na ni Kris na magpahayag. Nagsalit-salitan na ang pagbibigay nila ng opinyon.
Nang muli namang magsalita si Ruffa sinabi niya, "In any relationship, you either accept the guy or accept the person for the way he considers everything. O kaya iwanan mo na lang."
Bagay na kinuwestiyon ni Kris. At dito na sila nagsimulang magdiskusyon.
"I'll argue lang with Ruffa, shortly. You'll also change," sabi ni Kris.
"That's what people are saying," sabi naman ni Ruffa.
"Ako, me... quiet na ako," ani Kris.






TRUE REASON: basahin ang bagong article ng PEP. Nakitang nag-shopping sina JLC at Shaina Magdayao sa EDSA Shangri-la.
WHen? March 5, Friday
Kaya naman pala EMOTIONAL. JLC found someone who is young, free and single. Out with the aging, gimikera Bruneiyuki, right JLC?
Pag di naman successful ang TV5, lalo kang babu at sino kukuha sa iyo kung di ka nag improve? After three years ba sikat pa rin si Richard? powerful pa rin ba mommy mo by then? think dear, think.
i suggest go see a psychiatrist..sakit na yan eh. tawag dyan histrionic.
maling ehemplo kayo. nakakahiya
to be honest, feel ko talagah pag binabara ni tetey si ruffing, kasi po walang katuturan ang ang mga lumalabas sa bunganga ni ruffing kapag may POV's sila.
talaga lang sigurong walang laman ang jutak nya, kasi kahit sa ina nya hindi nya kayang ipilit ang gusto nya. sunod sunuran lang sya sa ina nya. hello, matanda ka na para diktahan ng ina mo ano! yan ay kung may sariling pag iisip ka! eh wala nga eh.
Three years niyang iniinsulto si Ruffa in front of millions of televiewers. Kung hindi siya guilty, hindi yan mag sorry. Alam na alam ni Kris kung ano ang ginawa niya kay Ruffa.
.
Kht maGing maAy0s sila, di ko parin susuportahan ang mga guTierrez. Nag iisa na nga c rofa na mejo fEel ko, ngayun wala na.
iba version ni Rofa, iba ni Anabelle.
spell gimik?
-G-U-T-I-E-R-R-E-Z-
Sabi mismo ni Ruffa hindi sya nagwalk out! Nasa dressing room lang sya umiiyak!
Sabi ni Anabelle sya mismo ang nagsabi kay Ruffa na umalis na sa the Buzz!
Sabi ni Ruffa si Anabelle ang nagsabing tanggapi na ang Sory ni Kris!
Sabi naman ni Anabelle hindi nya tanggap ang apology ni Kris at nanawagan pang wag iboto si Noynoy!
Dahil dyan balik si RUFFA sa the BUZZ!
GIMIK NGA!
bwaahahahahahahhaahahhaahhahahaha