Usap-usapan na ang nalalapit na pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz dahil sa paglipat ng TV host-actress sa TV5, kung saan magkakaroon siya ng ibang showbiz talk show, kasama sina Cristy Fermin at Mo Twister.
Pero bago pa man ang tuluyan niyang pag-alis ay nagkaroon ng malaking isyu nang mapabalitang nag-walkout si Ruffa sa The Buzz kahapon, March 7, dahil sa umano'y pagkapikon sa pambabara raw sa kanya ng co-host na si Kris Aquino.
THE BUZZ INCIDENTS. Nagkaroon ng ilang sapantaha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang mapanood ang The Buzz kahapon tungkol sa ilang insidenteng maaaring naging dahilan o nagbunsod ng umano'y tensyon sa pagitan nina Ruffa at Kris.
Sa opening pa lang ng The Buzz ay naging kapansin-pansin ang tila hindi agad pagbati ni Kris kay Ruffa. Nauna kasing binati ni Kris si Boy at sinabing na-miss niya ito sabay yakap sa kabigan at co-host. Tila naghintay naman ng pagbati si Ruffa, kaya siya na ang nag-initiate sa pagsasabing, "Ako, hindi mo ako na-miss? Malapit na..." Tila ang tinutukoy rito ni Ruffa ay ang nalalapit niyang pag-alis sa ABS-CBN.
Sinagot naman ito ni Kris na matagal daw kasi silang hindi nagkita ni Boy kumpara dati na araw-araw silang nagkikita dahil sa palabas nilang SNN (Showbiz News Ngayon). Nag-leave kasi si Kris sa show dahil na rin sa sobrang stress matapos ang aksidente niya sa banyo kung saan nabagok ang kanyang ulo.
Isa pang insidente ay nangyari naman during their "P.O.V. (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment. Ang topic nila for discussion ay ang nangyaring pagbibi-break umano nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ngunit nagkabalikan din daw after three weeks.
After ng VTR about the story, si Ruffa ang naunang nagbigay ng comment. Aniya, "Kanina we're actually discussing it, di ba? Every couple goes through problems. Ang napatunayan, they did go through a bump in their relationship. Pero doon sa two or three weeks na naghiwalay sila—"
Biglang sumabat si Kris at sinabing hindi sila naghiwalay.
Patuloy ni Ruffa, "Hindi sila naghiwalay. Nagkaroon sila ng problema. So, naayos naman nila yun. And now they're back in speaking terms and their really good."
Sumunod namang nagbigay ng komento si Boy na sinegundahan pa ni Ruffa. Hanggang sa turn na ni Kris na magpahayag. Nagsalit-salitan na ang pagbibigay nila ng opinyon.
Nang muli namang magsalita si Ruffa sinabi niya, "In any relationship, you either accept the guy or accept the person for the way he considers everything. O kaya iwanan mo na lang."
Bagay na kinuwestiyon ni Kris. At dito na sila nagsimulang magdiskusyon.
"I'll argue lang with Ruffa, shortly. You'll also change," sabi ni Kris.
"That's what people are saying," sabi naman ni Ruffa.
"Ako, me... quiet na ako," ani Kris.






whimsical
totoo yan????????????????????? litsugas de patatas!!!! bumaba na lalo pagtingin ko sa kanya pati sa nanay nya kung sinabi nya nga yan!!!!
at saka haloooo. ano ang ikaiinggit ni kriz sa kanya aber? kriz is an aquino, the name itself says it. sa kagandahan? bakit maganda din naman si kristeta ah. may utak pa. kaya mas marami ang gustong umalis sya sa d' buzz dahil, wala naman talaga syang maibibigay sa programa, kundi ang kanyang pagpapaganda at pagsusuot ng mga gown na hindi naman bagay sa tema nila. ang kahirapan lang kay ruffa is she should be the star. eh wala na nga ang star nya eh. kumup
talaga lang ha.... power tripping you know what means power tripping?
probslang sana nagn dalaw a umapel c raymund at anabelle anu yun para lumaki na sana pde ap nila mausap yun after the on air at saka did you watch the buzz? dont insist isa ang my kasalan or what kasi aminin mo mas mali talaga ang ginawa ni anabelle
In fairness, anyone who watched the episode could see how kris was bullying and power tripping on ruffa that day and most likely, matagal na yan
those kris die hards are turning a blind eye. I don't even like ruffa but anyone could see how bastos kris was cutting her off and obvious naman na she is not relating to ruffa at all puro si boy lang kinakausap nya ng matino. what's with kris? yung apology nya is super plastic kasi she was deliberately BULLYING and power tripping at that.
I couldn't blame anabel and raymond kung mag comment man sila kasi SOBRA na yung ginawa ni kris...
I used to like kris prior to this incident, i thought her being tactless was funny and she's totoong tao. Plastic din pala sya. Shame on her. She's giving her family a bad name. Cory wouldn't approve of this behavior. She should have behaved like a professional for making it this far in her career. No wonder James wants out and is deliberately hurting her again and again an
pwede syang umalis sa The Buzz, ang nasa kontrata nya gagawa sya ng talk show, but not specifically The Buzz and with Kris or Boy Abunda. kaso kailangan syang isama kay Kris para naman hindi sya ma madalawahan ng talk show na magbababu sa ere. e di ba di sya naisalba ni Aiai?
yung Ugly Betty sino ba nasa title? di ba si Bea, hindi sya? yung role nya duon kayang kaya ni Mylene Dizon, mas maganda pa nga kung si Mylen yun.
in other so many words, Ruffa is nothing if not for the scandals that she created.
angel0507
March 9, 2010
17:47 PM Kasi noon po, wala pang offer sa iba, kaya lunok lang siya nang lunok sa mga sinasabi ni Kris. 'Til now, na na makayanan plus, sigura talagang nalulungkot din siyang mawala sa The BUZZ
---------------------------------------
korek!