Usap-usapan na ang nalalapit na pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz dahil sa paglipat ng TV host-actress sa TV5, kung saan magkakaroon siya ng ibang showbiz talk show, kasama sina Cristy Fermin at Mo Twister.
Pero bago pa man ang tuluyan niyang pag-alis ay nagkaroon ng malaking isyu nang mapabalitang nag-walkout si Ruffa sa The Buzz kahapon, March 7, dahil sa umano'y pagkapikon sa pambabara raw sa kanya ng co-host na si Kris Aquino.
THE BUZZ INCIDENTS. Nagkaroon ng ilang sapantaha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang mapanood ang The Buzz kahapon tungkol sa ilang insidenteng maaaring naging dahilan o nagbunsod ng umano'y tensyon sa pagitan nina Ruffa at Kris.
Sa opening pa lang ng The Buzz ay naging kapansin-pansin ang tila hindi agad pagbati ni Kris kay Ruffa. Nauna kasing binati ni Kris si Boy at sinabing na-miss niya ito sabay yakap sa kabigan at co-host. Tila naghintay naman ng pagbati si Ruffa, kaya siya na ang nag-initiate sa pagsasabing, "Ako, hindi mo ako na-miss? Malapit na..." Tila ang tinutukoy rito ni Ruffa ay ang nalalapit niyang pag-alis sa ABS-CBN.
Sinagot naman ito ni Kris na matagal daw kasi silang hindi nagkita ni Boy kumpara dati na araw-araw silang nagkikita dahil sa palabas nilang SNN (Showbiz News Ngayon). Nag-leave kasi si Kris sa show dahil na rin sa sobrang stress matapos ang aksidente niya sa banyo kung saan nabagok ang kanyang ulo.
Isa pang insidente ay nangyari naman during their "P.O.V. (Points, Opinions and Violent Reactions)" segment. Ang topic nila for discussion ay ang nangyaring pagbibi-break umano nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ngunit nagkabalikan din daw after three weeks.
After ng VTR about the story, si Ruffa ang naunang nagbigay ng comment. Aniya, "Kanina we're actually discussing it, di ba? Every couple goes through problems. Ang napatunayan, they did go through a bump in their relationship. Pero doon sa two or three weeks na naghiwalay sila—"
Biglang sumabat si Kris at sinabing hindi sila naghiwalay.
Patuloy ni Ruffa, "Hindi sila naghiwalay. Nagkaroon sila ng problema. So, naayos naman nila yun. And now they're back in speaking terms and their really good."
Sumunod namang nagbigay ng komento si Boy na sinegundahan pa ni Ruffa. Hanggang sa turn na ni Kris na magpahayag. Nagsalit-salitan na ang pagbibigay nila ng opinyon.
Nang muli namang magsalita si Ruffa sinabi niya, "In any relationship, you either accept the guy or accept the person for the way he considers everything. O kaya iwanan mo na lang."
Bagay na kinuwestiyon ni Kris. At dito na sila nagsimulang magdiskusyon.
"I'll argue lang with Ruffa, shortly. You'll also change," sabi ni Kris.
"That's what people are saying," sabi naman ni Ruffa.
"Ako, me... quiet na ako," ani Kris.






Gumawa lang ng gimik para mapag-usapan iyong bagong show ni Ruffa eh... done in bad taste! Hilig talaga mandamay ng ibang tao ni Bisaya tuwing may kaaway... OK na iyong tirahin nya si Kris kung feeling niya inagrabyado nito anak niya, pero iyong mandamay pa ng ibang tao eh OVER THE TOP!
then she questions pano na kung manalo pa si Noynoy? eh teka lang po, ano po ba ang ginagawa niyo? hindi pa nga nananalo si Villar astang reyna ka na eh di lalo na pag manalo pa iyong in-endorso mo.... magkano ba bayad sa iyo ha?
Its actually good riddance...i dont have to watch a SNAKE or i mean RUFFA on my TFC.
I hope ABS CBN wont be used by ANAEVIL to promote the other station!!!
Such an EVIL TACTIC!!!
vote for gordon-legarda :P
I've always known that warfreak mom to be a degenetate. Pati si Noynoy Benigno Aquino sinali sa gimmick...what an Idt====
Kris Aquino is earning millions of pesos per endorsement. Contract nya ay Premium at millions din ang bayad. Saka tumira na yan sa Malacaņang b4. So ano pang bago dun?
Oh well, kaya nga vote wisely. si Villar billion budget sa campaign. pag nanalo, kukunin sa kawawang Juan dela Cruz. lalong maghihirap ang mga pinoy.
isinama ba sya sa remake ng kokey? kasi sa una nandun sya.
whatever, im definitely with kris.