Tinanggap na ni Ruffa Gutierrez ang paumanhin ni Kris Aquino.
Matatandaang pagkatapos ng napaulat na walkout ni Ruffa sa The Buzz noong Linggo, March 7, ay agad na humingi ng paumanhin si Kris sa kanya at sa pamilya nito. Ito ay kaugnay ng pagpaparinig diumano ni Kris sa kanya sa "P.O.V." segment ng The Buzz noong araw na yun. (CLICK HERE to read related story.)
Unang humingi ng paumanhin si Kris kay Ruffa through online, sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nailathala ng madaling-araw ng March 8. (CLICK HERE to read related story.) Pangalawa, sa pamamagitan ng pagpapa-interview sa TV kahapon. At pangatlo, sa pamamagitan ng print na lumabas ngayong araw, March 9.
Sa panayam ng GMA News kay Kris kahapon, March 8, sinabi niyang pinanood niyang muli ang video ng episode ng The Buzz noong Linggo kung saan nagsimula ang isyu sa kanila ni Ruffa.
"I wanted to make sure na nung pinanood ko sarili ko, ako mismo, as a viewer, mapi-feel ko na affectionate naman yung teasing. Nung sinabi ko na, 'Aminin mo, iba talaga ang level ng saya dito,' parang ang ibig kong sabihin do'n is mami-miss mo rin kami talaga,'" paglilinaw niya.
Ayon kay Kris, pinanood din daw ng mga kapatid niya ang tape ng naturang episode The Buzz at isang importanteng bagay raw ang ipinunto ng mga ito sa kanya.
"Ang sinabi ni Ate [Ballsy], 'Siguro Krissy dapat i-consider mo rin what it's like to be saying goodbye. And siguro on our family's end, kung tayo naka-cause ng pain para sa kanila, or nabigyan sila ng stress dahil sa hindi mo naman sinasadyang nagawa, take it upon yourself and do this for Mom,' sabi ng ate pa," kuwento ng bunsong anak nina former President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.
Ipinarating din ni Kris ang kanyang kagustuhan na magkaayos na sila ni Ruffa at ng pamilya nito.
"Kung ako po, bilang miyembro ng pamilya Aquino, nakasakit sa damdamin nila, ng mga Gutierrez, pinapaabot ko po, on behalf of my family, wala po talaga kaming masamang intensiyon and bukas na bukas po sa kalooban ko na sana maging magkaibigan pa kami ni Ruffa, most especially," pahayag niya.
Naiintindihan din daw ni Kris kung bakit nakapagbitiw ng masasakit na salita ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama laban sa kanya at maging sa kapatid niyang si Noynoy Aquino. Sa panayam kasi ni Annabelle sa Showbiz Central noong Linggo rin ay nanawagan ito na huwag iboto si Noynoy bilang presidente dahil hindi pa man daw ito nananalo ay "mayabang" na si Kris.
Pero ayon kay Kris, "Kung anuman po ang nasabi ni Tita Annabelle laban kay Noy, that's why we live in a democracy." Sa text message na ipinadala niya sa PEP ay sinabi rin niyang hindi siya mayabang kaya nagpapakumbaba siya.
Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Kris para kay Ruffa.
Aniya, "Ruffa, sasabihin ko lang sa 'yo, gusto kong humingi ng pasensiya sa 'yo kung sa panahon na kailangan mo sanang mas maging maunawain ako at maging mas tahimik, hindi ko nagawa 'yon para sa 'yo. Pero buong-buo, galing sa puso ko, na hinahangad ko all your success in this world."
RUFFA SPEAKS UP. Kaninang hapon, March 9, ay nagpaunlak naman ng interview si Ruffa sa TV crew ng ABS-CBN at GMA-7. Dito ay malugod na tinanggap ni Ruffa ang apology ni Kris.
"I do appreciate and accept Kris's apology," nakangiting sabi ni Ruffa sa panayam sa kanya ng TV Patrol World at 24 Oras.






globalpinay
March 10, 2010
08:42 AM
----------- if ruffa was intimidated by kris, hindi yan kasalanan ni kris! si ruffa ang may problema! kaya huwag sila gumamit ng ibang tao para hindi nila makita ang sarili nila na syang pinagmulan ng problema!
Kris may be bratty and tactless pero marunong magpakumbaba kahit sa mga walang kwenta o hindi desereving na tao. Lol
Ruffa cannot handle a face to face confrontation so she uses her mother Anabelle to fight her battle. Tanda na hindi pa makatayo sa sarili n'ya.
Kris can make any topic/discussion interesting. But some people misconstrue those traits as arrogance or kayabangan.
whimsical
minsan nadedeceive kase tayo eh porke nag eenglish eh matalino na wala naman palang substance
i remember cheka sa amin ng kaibigan namin sa ABS, nong nagpunta daw sila KC sa Paris with Munding and Richard, ang gusto lang daw nilang puntahan eh puro shopping centres. Wa care daw sila sa rich history ng city. pero nong si piolo daw kasama nya sa Paris, Piolo asked KC daw talaga to take him to museums, cathedrals, galleries na talaga namang nagkalat sa Paris
eh siempre naman, aanhin naman ni rayray yang paintings ni Da Vinci at Monet mas gustohin nyang mag shopping galore para madagdagan pa ang collection nya ng scarves hahaha
Because the two are in good terms naman.
masaya lang sila because some are very addicted sa news about sa buhay nila.
Pero i'm sure off cam they're good and civil naman.
Friendship nga eh.
So kayo dyan sa pinas wag masyadong dibdibin ang mag news about artist.
Magsumikap nalang kayo dyan like is abroad who work hard for the better and greener pasture of the family.duhhhhhhhh.
Sobrang lingkot siguro ng family life nitong si Kris, kasi gusto nya lagi sa tv, kaya kahit kung sinong kinakalantari ng asawa nya eh OK lang sa kanya basta lang magkapag-ingay siya sa tv na parang pusa na humahalinghing!