Tinanggap na ni Ruffa Gutierrez ang paumanhin ni Kris Aquino.
Matatandaang pagkatapos ng napaulat na walkout ni Ruffa sa The Buzz noong Linggo, March 7, ay agad na humingi ng paumanhin si Kris sa kanya at sa pamilya nito. Ito ay kaugnay ng pagpaparinig diumano ni Kris sa kanya sa "P.O.V." segment ng The Buzz noong araw na yun. (CLICK HERE to read related story.)
Unang humingi ng paumanhin si Kris kay Ruffa through online, sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nailathala ng madaling-araw ng March 8. (CLICK HERE to read related story.) Pangalawa, sa pamamagitan ng pagpapa-interview sa TV kahapon. At pangatlo, sa pamamagitan ng print na lumabas ngayong araw, March 9.
Sa panayam ng GMA News kay Kris kahapon, March 8, sinabi niyang pinanood niyang muli ang video ng episode ng The Buzz noong Linggo kung saan nagsimula ang isyu sa kanila ni Ruffa.
"I wanted to make sure na nung pinanood ko sarili ko, ako mismo, as a viewer, mapi-feel ko na affectionate naman yung teasing. Nung sinabi ko na, 'Aminin mo, iba talaga ang level ng saya dito,' parang ang ibig kong sabihin do'n is mami-miss mo rin kami talaga,'" paglilinaw niya.
Ayon kay Kris, pinanood din daw ng mga kapatid niya ang tape ng naturang episode The Buzz at isang importanteng bagay raw ang ipinunto ng mga ito sa kanya.
"Ang sinabi ni Ate [Ballsy], 'Siguro Krissy dapat i-consider mo rin what it's like to be saying goodbye. And siguro on our family's end, kung tayo naka-cause ng pain para sa kanila, or nabigyan sila ng stress dahil sa hindi mo naman sinasadyang nagawa, take it upon yourself and do this for Mom,' sabi ng ate pa," kuwento ng bunsong anak nina former President Cory Aquino at former Senator Ninoy Aquino.
Ipinarating din ni Kris ang kanyang kagustuhan na magkaayos na sila ni Ruffa at ng pamilya nito.
"Kung ako po, bilang miyembro ng pamilya Aquino, nakasakit sa damdamin nila, ng mga Gutierrez, pinapaabot ko po, on behalf of my family, wala po talaga kaming masamang intensiyon and bukas na bukas po sa kalooban ko na sana maging magkaibigan pa kami ni Ruffa, most especially," pahayag niya.
Naiintindihan din daw ni Kris kung bakit nakapagbitiw ng masasakit na salita ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama laban sa kanya at maging sa kapatid niyang si Noynoy Aquino. Sa panayam kasi ni Annabelle sa Showbiz Central noong Linggo rin ay nanawagan ito na huwag iboto si Noynoy bilang presidente dahil hindi pa man daw ito nananalo ay "mayabang" na si Kris.
Pero ayon kay Kris, "Kung anuman po ang nasabi ni Tita Annabelle laban kay Noy, that's why we live in a democracy." Sa text message na ipinadala niya sa PEP ay sinabi rin niyang hindi siya mayabang kaya nagpapakumbaba siya.
Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Kris para kay Ruffa.
Aniya, "Ruffa, sasabihin ko lang sa 'yo, gusto kong humingi ng pasensiya sa 'yo kung sa panahon na kailangan mo sanang mas maging maunawain ako at maging mas tahimik, hindi ko nagawa 'yon para sa 'yo. Pero buong-buo, galing sa puso ko, na hinahangad ko all your success in this world."
RUFFA SPEAKS UP. Kaninang hapon, March 9, ay nagpaunlak naman ng interview si Ruffa sa TV crew ng ABS-CBN at GMA-7. Dito ay malugod na tinanggap ni Ruffa ang apology ni Kris.
"I do appreciate and accept Kris's apology," nakangiting sabi ni Ruffa sa panayam sa kanya ng TV Patrol World at 24 Oras.






Secondly, I wasn’t reacting to just the video clip shown wherein Kris remarked, “Aminin mo, mas masaya dito.” Hindi naman po ako mababaw at pikon na tao. I always conduct myself as a professional to let small matters such as that bother me. That being said, the reason why I reacted that way, seemingly OA or not, is because aside from being understandably emotional since it was my last two episodes in The Buzz, the series of condescending remarks noticed by viewers through the years which I have constantly brushed off in the spirit of “pakikisama” also took a toll on me.
I invite you to view replays of past episodes on-line and you will understand exactly where I’m coming from. Offcam, sometimes Kris acknowledged my presence and other times like that Sunday, March 7, I would be ignored.
sunrain85
March 10, 2010
08:15 AM
aysus..e di magteam global ka..iisa naman kayo jusmeyo..halata2 na laki ng galit nyo ke kris..alam nyo kung bakit?kasi si kris matalino..witty..smart..funny..nde katulad nyo ng mga [amilya guttierez mga bopleks..hala cge gow sagow..kung dyan kayo nagkakapera gow!hahahaha..matutulog muna ako balikan ko kayo later okay?
badjaobabe
sows, alam mo naman ang mga pinoy pag sinabing taga cebu yan or taga leyte yan basta kababayan mo syempre happy ka or proud ka dahil my kababayan kang artista. pero sa pag aartista lang sila sumikat no, sa cebu mga unknown yang mga yan. saka sino bang mag susuport sa ugali ni anabel? kahit cguro ako nanay nya mag sisi kung bakit ko sya pina nganak pa. grabe wala syang kina katakutan, tapos my pa dasal dasal pa sya kay SENYOR STO NINO.
Pero mas mabuti pa rin na magkaayos sila kasi mas maganda na yung pare-pareho silang may peace of mind. So wish you all the best Kris amp; Ruffa!