Ruffa Gutierrez accepts Kris Aquino's apology

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Tuesday, March 09, 2010 @ 12:00PM  |  129030 views

 

"Medyo nasaktan lang ako no'n kasi dun sa mga parinig niya [Kris Aquino, left] na, 'O, you know, mahal na mahal ako ng mga taga-Laoag, 70 percent ng mga tao nakikita ako dito...' Parang pinapalabas niya na walang manonood sa akin sa TV5," says Ruffa Gutierrez (right) about why she got emotional.

Photo By: Noel Orsal (Kris) & Nerisa Almo (Ruffa)













Aniya pa, "Ako naman, you know, I'm a very fun-loving individual at  kaibigan ko rin naman si Kris...and I have the highest respect for her. I know that we love each other, and I know that we've been friends for a long, long time."

Nakausap ng media si Ruffa kaninang hapon, March 9, sa first taping day niya bilang judge ng Talentadong Pinoy sa Skydome sa SM North Edsa. Ang Talentadong Pinoy ay isa sa mga programang gagawin ni Ruffa sa exclusive contract na pinirmahan niya sa TV5.

Inamin din ni Ruffa na nasaktan siya sa mga "parinig" sa kanya ni Kris sa "P.O.V." segment ng The Buzz noong Linggo na naging dahilan ng kanyang pag-iyak.

"Medyo nasaktan lang ako no'n kasi dun sa mga parinig niya na, 'O, you know, mahal na mahal ako ng mga taga-Laoag, 70 percent ng mga tao nakikita ako dito...' Parang pinapalabas niya na walang manonood sa akin sa TV5," saad ni Ruffa, na nakatakdang lumipat sa TV5 bago matapos ang buwang ito.

Pero nilinaw ng TV-host actress na hindi siya nag-walkout gaya ng mga lumabas na report.

"Hindi ako nag-walkout, ha!" natatawa niyang sabi. "Ikaw talaga! Ewan ko ba't sinabi na nag-walkout, mga intrigero kayo! Masama bang umiyak sa dressing room? Grabe!"

Dahil sa pagiging emotional ni Ruffa ay hindi na raw niya nagawang bumalik pa sa studio upang tapusin ang The Buzz. Fifteen minutes daw siyang nag-stay sa dressing room dahil sa kakaiyak.

"I really wanna go back on air but I couldn't stop crying. So, natanggal na yung pilik-mata ko, nag-smear na yung liner ko. And I admit, I was emotional. I have been emotional for the past two weeks. Kung akala ng mga tao OA, e, OA. Ganun talaga emotion ko nung time na 'yon, wala akong magagawa. But, hindi ko talaga sinasadya 'yon," paliwanag ni Ruffa.

Ipinarating din ni Ruffa ang saloobin ng kanyang ina na si Annabelle Rama tungkol sa pagtanggap niya ng paumanhin ni Kris. Ito ay sa kabila ng hindi pa sila personal na nagkakausap ng kanyang co-host sa The Buzz.

Kuwento ni Ruffa, "Kausap ko si Mommy kanina. Sinabi lang niya [her mom], 'Naku, Day, tanggapin mo na yung apology ni Kris, Day. Kasi nakita ko naman, nagpakumbaba na siya. Sige, okay na 'yon, Day.' Pero Mommy ko naman, para siyang volcano, 'no."

Aware din si Ruffa na may kanya-kanyang panig ang mga tao tungkol sa isyung ito sa kanila ni Kris kaya sabi niya, "Let's move on with dignity and honor. Wala nang Team Ruffa, Team Kris. Team Friendship na lang, di ba?"

"Feeling ko, kasing tindi 'to ng naghiwlaay kami ni Yilmaz, ha!" natatawa pa niyang pahabol.

Nagbigay rin ng mensahe si Ruffa para kay Kris.

"Message ko kay Kris, love, love, love and peace, peace, peace!"

Bagamat sinabi ni Annabelle sa interview sa kanya ng Showbiz Central na hindi na niya pababalikin si Ruffa sa The Buzz, nakatakda pa ring bumalik ang huli sa showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN sa March 14. Ito na ang magsisilbing huling paalam ni Ruffa sa show at sa Kapamilya network bago siya lumipat sa TV5.

« Prev  1  2  

Related Articles

1044 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name