"Nababasa ko na po na ako nga raw ang napiling pumalit, pero hindi po ako naniwala kasi marami nang beses na may ganoong nangyayari, na kasama daw ako sa ganoong show, pero hindi naman po natutuloy. Kahit po nung sabihin na sa akin ng handler ko at may mga nag-congratulate na sa akin, hindi pa rin ako naniwala," says Paulo Avelino about replacing JC de Vera in Panday Kids.
Paulo Avelino last to know he replaces JC de Vera in Panday Kids
Wednesday, March 10, 2010
05:58 PM
Rating
"I'm happy and I feel blessed," sagot ni Paulo Avelino nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nararamdaman niya na siya ang pinili ng GMA Network at production staff ng Panday Kids na pumalit kay JC de Vera sa naturang fantaserye.
Nakausap ng PEP si Paulo sa pocket presscon na ibinigay ng GMA Artist Center sa kanya kahapon ng tanghali, March 9, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
Si Paulo ay produkto ng StarStruck IV, kung saan ang mga nanalo ay sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Mart Escudero, at Jewel Mische. Ano ang feeling ni Paulo na mukhang siya na ang susunod na ibi-buildup ng kanyang home network?
"Masaya and thankful," nakangiting sabi niya. "Nakatutuwa po na napapansin na ang maliit kong kakayahan na ipinakikita sa bawat project na gawin ko. But at the same time, may halo rin pong nerbiyos dahil ang laki ng expectation nila sa akin dahil sa laki ng role na iniwanan ni JC. But I'm working hard at ito na ang chance ko na magpakitang-gilas. Four times a week po ang taping namin at kailangan ko ring mag-training at mag-workout for the role."
Kaya na ba niyang magpakita ng katawan at abs tulad ni JC?
"Konti pa po, six small abs pa lang po!" natatawang sabi ni Paulo.
REPLACING JC. Paano niya nalaman na siya ang napiling pumalit kay JC?
"Nakakatawa nga po, I'm the last to know," sabi ni Paulo. "Nababasa ko na po na ako nga raw ang napiling pumalit, pero hindi po ako naniwala kasi marami nang beses na may ganoong nangyayari, na kasama daw ako sa ganoong show, pero hindi naman po natutuloy. Kahit po nung sabihin na sa akin ng handler ko at may mga nag-congratulate na sa akin, hindi pa rin ako naniwala.
"Naniwala lang ako nang tawagan na ako ni Ms. Helen Sese [executive producer ng Panday Kids] at sinabing ako nga raw ang papalit kay JC at magte-taping na raw ako. So far, nakadalawang taping days na po ako at papasok ang character ko sa week four. Baka sabay kaming papasok ni Jackie [Rice] na siya partner ko dito."
Paano itinuloy ang character ni JC as Aureus sa role niya?
"Alfred po ang name ko talaga dito. Hinahanap ko ang kapatid ko na kinuha ng sindikato. Ang nailigtas ko, si Fatima [Rich Asuncion], pero nabaril ako at nag-50-50 ako sa hospital. Doon po sumanib ang kaluluwa ni Aureus sa akin at nabuhay ako, pero si Aureus na ako," kuwento niya.
Biruan tuloy, ang dali talagang gawan ng changes ang isang character sa isang telefantasya na gaya ng Panday Kids.
Nagkita o nagkausap na ba sila ni JC tungkol sa pagpasok niya sa Panday Kids?
"Hindi pa nga po. Gusto ko nga sana siyang makita para magpasalamat at humingi rin ng ilang pointers. Hindi ko po alam kung magkikita pa kami sa taping dahil hindi ko alam kung tapos na ang taping niya," sabi ni Paulo.
Nagpaalam na si JC sa Panday Kids dahil sa napipinto niyang paglipat sa TV5.
Dahil sa Panday Kids, kinailangang mawala muna ang character ni Paulo as Cito sa afternoon soap na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.
"Additional character lang naman po ang role ko as Cito at talagang darating yung time na dahil ang gulo-gulo ng nangyayari sa akin at kay Jennica [Garcia] at ng kanyang family, ipapasya ng mother ko sa story na pumunta muna kami sa States. Pero ibabalik din daw po ang character ko bago matapos ang Sine Novela. By that time po siguro, naka-adjust na rin ako sa pagte-taping ko ng Panday Kids," kuwento ng young actor.
LJ REYES. Pinagpawisan naman si Paolo nang tanungin siya kung anong level na ba talaga ang relasyon nila ni LJ Reyes. Ayaw kasing maniwala ng mga kaharap niyang entertainment press na hindi pa sila ni LJ. Pero inamin ni Paulo na isa raw si LJ sa unang nag-congratulate sa kanya at nagsabing siya nga ang papalit kay JC sa Panday Kids.
"Wala pa po akong masabi kung anong level na ba ang relasyon namin ni LJ ngayon," aniya. "Basta ang alam ko, si LJ is the girl who gives advises to me na tama. Matalino siya at matututo ka sa kanya kapag kausap mo siya.
"I love her as a special friend, pero gano'n ko rin naman i-treat ang iba ko pang girl friends. Kaya wala pa po akong masasabing final. Sana po, kung anuman kami ni LJ ngayon, sa amin na lamang muna 'yon. Hindi naman po sa ayaw kong magsalita, pero ayaw ko pong i-publicize kung anuman kami ngayon ni LJ," paliwanag ni Paulo.
- LJ Reyes credits weight loss to breastfeeding; defends boyfriend Paulo Avelino for keeping mum about her and the baby
- Paulo Avelino and LJ Reyes appear to be very much together; decline to talk about how they're raising their child
- Paulo Avelino dismisses issue that he is ABS-CBN's new favorite male star
- Paulo Avelino will be "lalakeng walang pahinga" this Halloween
- Paulo Avelino welcomes new challenges with transfer to ABS-CBN
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor
- Lea Salonga reveals her stand on OPM artists' call for "Filipino first" in the concert scene
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 7-9): Survivor Philippines final week rule primetime; Eat Bulaga! still the undisputed No. 1 noontime show
- Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"
- Beauty queen Danielle Castaño on joining showbiz: "Sobrang I just want to experience how it is like in the industry... not only experience it, like feel that I'm working."
-
Extra Extra
Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Alice, who is based here for now, and her husband, who is based in Canada, plan to spend Christmas in the U.S. As she puts it, they're separated: "By distance ha, hindi sa puso!"
-
The Pulse
What PEPsters will watch daily during noontime...
Hosts of both Eat...Bulaga! and It's Showtime! believe that having the same timeslot is a healthy competition.
-
Looking Back
Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
Vilma names her most memorable films and favorite leading men.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

