<strong>PEP EXCLUSIVE: </strong>Luningning, Mariposa, and Milagring break silence about resignation from <em>Wowowee</em>


 
(From left) Luningning, Mariposa, and Milagring grant an exclusive interview with PEP to clarify reports about their resignation from Willie Revillame's noontime show.

PEP EXCLUSIVE: Luningning, Mariposa, and Milagring break silence about resignation from Wowowee

Roldan Castro

Rating

Naging laman ng tabloids ang biglaang pagre-resign ng ASF Dancers na sina Luningning, Mariposa, at Milagring noong February 26 sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.

 

Puro haka-haka ang mga lumabas na reports tungkol sa dahilan ng kanilang pag-alis sa show ni Willie Revillame. Nandiyang kesyo marami raw ang nakakapansin na noong mga nakaraang buwan ay nawala na ang magandang exposure ng tatlo sa Wowowee. Ramdam din daw ng tatlo na napabayaan na sila at hindi na nila kaya ang sitwasyon.

 

Pero magmula noon ay walang direktang pahayag mula sa tatlong female dancers. Kaya minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin sina Luningning, Mariposa, at Milagring upang linawin ang isyung ito.

 

Naganap ang aming panayam sa kanila kagabi, March 9, sa R. Bistro sa Timog Ave., Quezon City. Magkasosyo sina Mariposa at Luningning sa naturang bar and resto.

 

CAREER MOVE. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila nag-resign sa Wowowee?

 

Si Milagring (Annaliza Baldonado sa tunay na buhay) ang unang sumagot. Aniya, "Siyempre po, career move para mag-grow. Siyempre, kailangan din po naming kumita ng mas malaki."

 

Ayon naman kay Luningning (Lea Carla Santos), "Kailangang mag-explore din kami ng iba. 'Yan, nagkakaedad na kami. Ilang taon na kami...kailangan din naming makaipon para sa pangangailangan sa pamilya."

 

Dagdag ni Mariposa (Rovielyn Cabigquez), "Ganoon din, gusto rin naming mag-move on at mag-grow. Hindi naman habambuhay nandun kami at sumasayaw, di ba?"

 

Hindi ba sapat ang kinikita nila sa Wowowee kaya kailangan nilang kumita ng mas malaki?

 

"Hindi po...sapat lang..." matipid na sagot ni Milagring

 

"Sapat lang sa pangangailangan namin sa araw-araw,"  sundot ni Mariposa

 

Pero ayon kay Milagring, "Siyempre, mas kailangan naming magtrabaho nang magtrabaho para dagdag-income, di ba?"

 

Sabi naman ni Luningning, "Basta sa four years na yun, sobra naman ang naitulong sa amin ng Wowowee, so give chance to others naman."

 

TALENT FEE ISSUE. Ano ang reaksyon nila sa isyung "kinakatkong" o binabawasan diumano ng manager nilang si Anna Feliciano ang talent fee nila?

 

"No comment po," sabay-sabay na sabi ng tatlong dancers.

 

Pero kinalaunan ay nagbigay na rin ng mas mahabang pahayag ang tatlo, pero halata pa ring ingat sila sa pagbibitaw ng salita.

 

Ayon kay Luningning, "Actually, hindi namin alam na 'katkong' ang tawag sa ganyan. Hindi naman talaga namin alam kung ano ang nangyayari o sistema niya [Anna] regarding sa budget."

 

"Basta kailangan lang naming kumita ng pera. Yun lang po," sabi naman ni Luningning. "Basta nagpalaam lang po kami. Hindi namin ini-expect na lalala ang isyu. Basta umalis lang kami kagaya ng ibang dancers dahil wala naman kaming kontrata. Nalungkot din kami na may taong nabulabog sa pag-alis namin. Hindi po namin ini-expect na uungkatin yung kay Tita [Anna]. Wala kaming kinalaman dun, e. Kumbaga, labas na po kami dun. Kung ano po ang nangyayari sa kanila ngayon, hindi na po namin alam dahil wala na po kami sa loob."

 

May balita kasing ipinatawag ng management si Anna kaugnay ng pag-resign ng ilang dancers ng Wowowee, kabilang na nga sina Luningning, Mariposa, at Milagring.

 

Dapat bang sisihin ang manager nila sa pag-alis nila sa show ni Willie?

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
111 Comments
page    1    2    3   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement