Ipinagtanggol ng award-winning actress na si Gina Pareño ang co-star niya sa Kung Tayo'y Magkakalayo na si Kris Aquino dahil sa mga puna na "bano" raw itong umarte. May ibang televiewers pa nga raw na pinapatay ang TV nila dahil naiinis sila sa acting ni Kris.
"Alam mo, you cannot please everybody. Siyempre, merong hindi maka-sa 'yo, merong maka-sa 'yo. May kanya-kanya tayong character, di ba? Lulusot ba 'yan kay Direk? Okey naman siya. Take one naman siya," saad ni Gina na gumaganap bilang biyenan ni Kris sa primetime series ng ABS-CBN.
Dagdag pa ng veteran actress, "Alam mo kasi si Kris Aquino, pagdating sa emcee, only Kris Aquino. Kaisa-isa 'yan sa babae. Sa lalake, sina Willie Revillame at Boy Abunda. 'Yang tatlong 'yan, walang makakadikit sa hosting.
"Sa acting naman, si Kris, very natural na bumigay ng linya. Nasa role niya yun, e. Pag dumarating siya sa set, alam niya ang mga linya at sequences. Para sa akin, okey naman siya. Siyempre, wala pa kami sa highlight. At saka akala ko nung una... Hindi pa kami close masyado, ngayon pa lang.
"Nung napapanood ko lang siya sa TV, parang ako pala siya. Pag sinabi, sinabi. Matabil din. Ako rin, ganun din, e. At this point in time ba naman, tayo pa ba'y magbobolahan? Millenium na ngayon, pare! Si Kris kasi, pag gusto ka niya, humanda ka, pakikitaan ka niya na gusto ka niya. Ngayon, pag nagustuhan ka niya, hindi ka niya pipintasan. 'I like that,' ganun. Gusto niya baguhin ka. Magaling siya, hindi siya echosera. Dapat makilala mo siya talaga. Noong second day, third day, patag na ang loob ko sa kanya," saad ni Gina sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
May mga balita ring kumakalat na may gap daw sa pagitan ni Kris at isa pa nilang kasama sa Kung Tayo'y Magkakalayo na si Coco Martin. Aware ba si Gina sa isyung nababaduyan daw si Kris sa pananamit ni Coco?
"Saan yun? Wala akong alam," nagtatakang reaksiyon ni Gina. "Hindi nagsasalita sa akin si Coco. Si Kris ay napakadisenteng tao, hindi naman magsasalita yun na cheap manamit ang isang tao. Edukada ang babaeng 'yan. Hindi ganun 'yan. Happy kami dito sa set."
Close si Coco kay Gina mula nang magkasama sila bilang mag-lola sa Tayong Dalawa at sa ilang indie films gaya ng Serbis.
NORA AUNOR. Welcome naman kay Gina ang pagbabalik ng Superstar na si Nora Aunor sa showbiz at wish niya na makasama ito sa proyekto.
"Oo naman!" bulalas niya. "Definitely, as in definitely. Buti nga 'yan, makumpleto tayo. Gusto ko siyempre makasama niya ako sa unang pelikulang gagawin niya."
Naniniwala ba siya na makakabalik pa ang isang Nora Aunor sa industriya?
"Alam mo, basta magaling ka, magagawa mong maibalik yun. At kinakailangan ay panindigan mo kasi tutulungan ka sa Taas, di ba? At saka kung magaling ka, nandoon talaga yung natural na talent mo," saad ng multi-awarded actress.
Ano naman ang masasabi niya sa pagpaparetoke ng mukha ni Ate Guy?
"Why not? Muntik na nga akong magparetoke rin, e. Nag-umpisa lang ako agad ng serye. Inabutan na ako ng Kung Tayo'y Magkakalayo. Gusto ko, e. Malandi ako, e!" tawa niya.
BAKAL BOYS. Kasama si Gina sa acclaimed indie film na Bakal Boys, kung saan nominated siya bilang Best Supporting Actress sa Urian Awards.
Naniniwala ang aktres na dapat masundan ang pelikula ng bidang bata sa Bakal Boys na si Meljun "Utoy" Guinto.






Umandar naman ang mga uto-uto kay Kris.
Disenteng tao? heller! ang daming pinatulang walang asawa at may asawa .. presidente pa kuno her mother.
Banong umarte - 1000
Biggest uto-uto of them all ABS-CBN
with vested interest sa mga Aquino lalo na if Ngoyngoy is elected presdient .. God forbids!
untilthen
March 11, 2010
05:00 AM
Mga inggit na lang itong batikos kay Kris. Ok ang akting niya, very good sa hosting ano pa. At isa pa dapat huwag makinig si Kris sa mga critics niya kasi ang mga iyan bayaran yan ni Villar. May mission silang demolition na gusto nila na kunwari si Kris ang sisira sa kampanya ni Noynoy. Hoy Villar yong mga maka Noynoy hindi bobong katulad ng mga nabibili mo.
.SO PARNG ANG GALING GALING MO..MAG HOST KA KAYA?BAK IKW RIN ANG TANGKILIKIN NA QUEEN OF TALK/ALL MEDIA. AND MULTI-AWARDED HOST..KUNG MAG SALITA KA PARANG MAS MAGLNG KA PA SA AWARD GIVING BODIES HA! ANG BOTTOMLINE..HNDI SYA SISIKAT AT MARRATING ANG GANITO KUNG HNDI SYA GANUN KAGALING OKAY!..SA HOSTING IHA, IS HOW YOU CARRY THE SHOW! AND SI KRIS LNG AT SI BOY AN MAY GANYANG TALENT!
pero pag hosting na at may iniinterview sya at ganyan ang mukha nyang ngingiwi ngiwi na titigan ka taas pababa,nakuh ang sarap tampalin,sana maski sa panaginip ay masampal ko man lang ang babaeng toh...lolz..
Gibo and Mar tayo!
To Anabelle hahaha! to sum up , Kris is still talented and has breeding. Di tulad ng mga anak mo, nagkapera lang kayo kaya nakapag kopya sila sa ibang mga socialites, bec they mingle with them.
Pero sa laban nyo ni Galvante, im still on your side.
Kung ginamitan sana ng animation ang acting ni Kris, medyo gaganda pa pero her own brand of constipated acting, yucky.