"It's such a great honor that people respect my opinion in this network. It's such a great honor that people take action when an opinion is given. But at the same time, it's great to work with people na may sariling utak din. Kaya alam mo na hindi lang sila sumusunod kundi kikilatisin din nila ang sinasabi mo, e. At pag tama naman, sunod. Pag hindi, kontra. Discussion uli. So discussions upon discussions. Paulit-ulit 'yan. And it's great. We've had conflicts already, but that's what makes you grow," says Paolo Bediones about being a talent and an executive of the new TV5.

Photo: Noel B. Orsal

"Malabo kasi, e. Lalo na GMA, there is no way that is gonna happen. Andami nang nakapila... Wala, wala talagang posibilidad na mangyari yun. Nung in-offer sa akin ng TV5 yung role to be a news anchor, to have a news and public affairs show, and to have some entertainment shows, and to be a network executive as well and all that, it was just, I guess what I need, e. Something new, something fresh. Na hindi ko pa nagagawa.

"Pero alam ko, sa dedication ko at sa passion ko sa trabaho, I will learn that, e. So, I've been taking a crash course from Ma'am Luchi [Cruz-Valdes, TV5 head of News and Public Affairs] on what it means to be a journalist na tunay, ha. Hindi yung nagdyo-journalist-journalist ka lang. Hindi. I'm gonna have to learn how to write, produce...which I've been doing naman before."

USI (UNDER SPECIAL INVESTIGATION). Sa show niyang USI (Under Special Investigation), bagama't public affairs/investigative program daw ito ay naiiba naman sa mga nakasanayan nang shows na may ganitong format, lalo na yung mga nasa Dos at Siete.

"Hindi lang siya basta interbyuhan lang o simpleng investigative show. We will do what other investigative show hosts will not do. Since nakilala na rin naman ako sa mga challenges o yung reality challenge persona ko, we put that element on the show. Doon na 'ko nakilala, e. We put our guests through challenges," saad ni Paolo.

Halimbawa na nga raw ang pag-challenge nila sa una nilang guests na sina presidential candidate Senator Richard "Dick" Gordon at sa pamangkin nitong si Olongapo City councilor JC delos Reyes.

"I challenged Senator Dick Gordon to take my blood pressure and take my blood sample since he is the head of the Philippine Red Cross. Straight forward din at prangkahan yung interview namin, like for example yung pagtanong ko sa kanya na pikon nga ba siya. Si Councilor delos Reyes naman, na never pang nakapasok sa nightclubs, we challenged him to go to a nightclub and campaign there."

Naka-schedule na rin sa challenges ang iba pang kandidato. "Si Jamby [Sen. Jamby Madrigal] we challenged her to pick up trash. We have also scheduled Gibo [former Defense Secretary Gilbert Teodoro] to a paintball challenge. Through those challenges, mailalabas namin yung different sides of the candidates, yung real side nila. Yung mga ganung elemento na wala sa ibang programa. We don't want just a one-on-one interview. I want more of the action, e. And that's how we are going to be different."

Hindi naman daw malaking adjustment para sa kanya ang pagho-host ng USI. In fact, "fun" ang nasabi ni Paolo tungkol sa experience niya sa pagho-host ng show.

"This is a lot of fun for me. This is the kind of format that will evolve, e. Under Special Investigation could be a person, could be an issue. Could be anything."

ON NEW SURVIVOR PHILIPPINES HOST. Maipagmamalaki talaga ni Paolo na as far as hosting a reality show is concerned, siya ang itinuturing na "King of Philippine Reality TV" matapos pausuhin ang pagbibigay ng challenges sa guests sa hino-host niya at ni Miriam Quiambao noon na Extra Challenge sa GMA-7, at pagiging host dalawang seasons ng Survivor Philippines.

Ngayong confirmed nang si Richard Gutierrez ang susunod sa yapak niya bilang host ng susunod na season ng Survivor Philippines, hiningan ng PEP ng reaksyon si Paolo tungkol dito.

"Sana the standards that we've been able to establish in the first and second year, sana ma-maintain o malampasan pa. It's a show that I love doing. I definitely miss it," pahayag niya.

Meron ba siyang advice or pointers na maise-share kay Richard sa pagho-host ng Survivor Philippines?

"I think there are enough people out there in the team that did the the first and second season of Survivor na puwedeng bigyan siya ng advice. Because the last thing that I want to do is to give unsolicited advice. And I'm out of the group, basically. Sana lang they maintain the standard or mahigitan nila. Because it's a tough show to do. And I will miss doing that show."

FREEDOM AND GROWTH. Since nami-miss niya nga ang pagho-host ng show na tulad ng Survivor, at nakilala naman talaga siya nang husto bilang reality show host, meron ba silang niluluto na katulad na show sa TV5?