Malaki pala ang pasasalamat ni Bugoy Drilon sa Star Cinema blockbuster hit movie nina Kim Chiu at Gerald Anderson, Paano Na Kaya, dahil muling umugong ang kanyang pangalan sa music industry nang ipalabas ang movie early this year. Ginamit kasing title ng movie at napasama pa sa soundtrack ang kanyang hit song na "Paano Na Kaya."
"Siyempre po, happy ako and thankful na kasabay ng pagiging hit ng Paano Na Kaya movie ay mas lalo pang nakilala ang kanta ko. Hindi ko po inaakala na yung kanta ko po ay gagamitin sa movie. Happy rin po ako kasi yung gumanap sa movie na ito, yung close friends ko po na sina Gerald and Kim po. Madalas kasi kaming nagkakasama sa mga shows. I'm so happy po kasi ito po yung song kung saan nakilala ako ng maraming tao," masayang bungad ni Bugoy nang ma-interview siya ng PEP (Phillipine Entertainment Portal) sa presscon para sa kanyang bagong album na ginanap kagabi, March 10, sa Proud Mary restaurant malapit sa ABS-CBN.
Tamang-tama nga raw na sumikat ulit ang kanta niya dahil muling naalaala ito, pati na ang pangalan niya, ng mga tao para sa launching ng kanyang pangalawang self-titled album under Star Records.
"Blessing nga po dahil magandang intro ulit sa second solo album ko. Maganda kasi sinegue dun sa Paano Na Kaya movie itong album ko. Kaya po isinama rin namin bilang bonus track yung "Paano Na Kaya" dito sa bagong album."
NEW ALBUM. Ang bagong album ni Bugoy, na produced ni Vehnee Saturno, ay kinapapalooban ng mga revival songs na binigyan niya ng kakaibang dating, gaya ng carrier single na "Hindi Na Bale," isang Jessa Zaragoza original; "Dahil Tanging Ikaw" by Jaya, at "Lumayo Ka Man Sa Akin" by Rodel Naval. Ang tatlong original songs naman niya ay ang "Ikaw Ang Mamahalin," "Pagkat Mahal Kita" at "Sana'y Ibigin Mo." Bahagi rin ng album ang minus one ng lahat ng mga kanta.
Ikinatutuwa rin ni Bugoy na hindi pa man niya naipapakilala formally ang kanyang album ay malakas na sa airplay sa radyo ang "Hindi Na Bale." Paborito rin daw gamiting soundtrack o theme song ng mga ABS-CBN teleserye ang mga kanta sa bagong album niya.
"Siyempre, happy po ako dahil yung mga kanta ko ginagamit nila. Sa Tanging Yaman ginagamit nila yung "Hindi Na Bale." Sa Kung Tayo'y Magkakalayo yung "Pagkat Mahal Kita." Tapos sa Your Song din ni Ate Pokwang [Love Me, Love You] ginamit din yung isang song ko. Kaya super happy po ako na umeere yung mga kanta ko. Nagna-number one na din po yung carrier single ko sa mga countdowns sa radio," saad niya.
Ano ang kaibahan ng bagong album niya sa unang album niya?
"Itong second album ko kasi ay mas lalo siyang senti [sentimental]. Lahat parang makabagbag-damdamin. Puro pampaiyak na love songs," sabi ni Bugoy.
LAARNI LOZADA. Sa kabila ng kanyang kasikatan ay nananatiling humble si Bugoy. Ayaw niya nga raw isipin na naungusan na niya o mas sikat na siya sa tumalo sa kanya sa Pinoy Dream Academy Season 2 na si Laarni Lozada, ang nanalong Grand Star Dreamer.
"Ayoko pong isipin na ganyan kasi may kanya-kanya po kaming career na dalawa, e. Ayoko pong sabihin 'yan kasi ayokong maka-hurt ng feelings ng iba. Ayoko po kasing manggaling sa bibig ko yung salitang 'yon. Para kasing ang lalabas ang yabang ko. Bahala na lang po yung mga tao o kayo po ang magsabi kung ano po."
Nagpapasalamat na lang daw si Bugoy at tinatangkilik ng mga tao ang kanyang mga kanta. Nakiusap din si Bugoy na sana raw ay huwag na silang intrigahin ni Laarni.
"Sana po huwag na lang kaming intrigahin. Huwag na lang kaming pagkumparahin kasi magkaibigan naman po kami. Ayaw naman po naming masira yun," pakiusap niya.
ASAP. Napansin lang ng PEP na mula sa batch nina Bugoy sa PDA ay walang naging regular performer sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP. Bakit kaya hindi siya kinukuha ng ASAP para maging regular?
"Hindi ko po alam, e," sagot niya. "Siguro wala pa pong slot for me sa ASAP. Pero naghihintay po ako. Pero gusto ko po. Sa batch po kasi namin, wala ngang nakapasok sa ASAP. Pero happy pa rin po ako kasi nagge-guest-guest pa rin po ako sa ASAP."






Hindi ka bakla...kundi baklang bakla!echosera ka bugoya...ladlad na ineng ng mksama ka na sa paraiso ng mga bkla...
The only thing that you can be proud about is your being KABABAYAN of the Superstar nora Aunor. Outside that WALA NA!!
PANGIT KA at isa kang SHOKLA!
Ninang ilaglag mo na ang kapa mo mahirap yan ikaw din!
vinncan
March 11, 2010
13:14 PM
He's still young naman. Kaya pagbigyan na sa plea na di siya bakla for now. Eventually, he will come out. Im sure. Bugoy mahirap magtago. WE ACCEPT YOU NAMAN. IN FACT KITA NG TAO UN PERO THEY LOVED U KAHIT SA PDA PA NUN.
___________
ang hirap po ng kanyang kalagayan.. alam ko sa sarili nya na nagdadalawang isip sya kasi ang iniisip nya e mawawalan ng respeto sa kanya ang publiko pag nag come out sya.. but still.. am a fan of bugoy...