Kaliwa't kanan ang nagaganap na pirmahan ng kontrata sa tatlong television networks dito sa bansa. Hindi pa man natatapos ang buwan ng Marso ay mahigit sa sampung artista na ang naiulat na may bagong tahanan o bagong kontrata.
Nauna na rito si Ruffa Gutierrez, na pumirma ng non-exclusive contract with TV5. Iiwanan niya ang The Buzz para sa Paparazzi, isang showbiz-oriented talk show na kabibilangan din nina Cristy Fermin at DJ Mo Twister.
Noong araw din na iyon, naging opisyal na bahagi ng TV5 sina Jon Santos, na magkakaroon ng comedy sitcom at talk show, at Krista Ranillo, na magiging bahagi ng variety show at isa pang sitcom.
Maging ang Talentadong Pinoy host na si Ryan Agoncillo ay pumirma na rin ng three-year non-exclusive contract sa TV5. Dahil non-exclusive ang kontratang pinirmahan niyang kontrata, patuloy pa rin siyang mapapanood sa noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga!. Maaari pa rin siyang gumawa ng proyekto sa ABS-CBN kung sila ng misis niyang si Judy Ann Santos ang magkasama.
Si Angel Locsin naman ay pumirma ng two-year exclusive contract with ABS-CBN noong March 3. Kasama sa magiging proyekto nito ang dalawang TV series—Kokey@Ako at still-untitled soap opera with John Lloyd Cruz—at isang pelikula, kasama si Aga Muhlach sa ilalim ng Star Cinema.
Opisyal na Kapamilya na rin si Gretchen Barretto, na pumirma para sa TV series na gagawin niya with Bea Alonzo and Derek Ramsay.
Sa bakuran naman ng GMA-7, nag-renew ng exclusive contract si Richard Gutierrez. Kasama sa magiging project niya ang pagiging co-host sa Party Pilipinas. Susubok na rin sa hosting si Richard sa pamamagitan ng celebrity edition ng Survivor Philippines.
Noong March 10, nag-desisyon ang dalawang alaga ng talent manager na si Leo Dominguez—sina Ogie Alcasid at Lovi Poe—na manatili bilang Kapuso. Matatandaang napabalita ang umano'y paglipat ng dalawa sa TV 5. Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon pa nga raw ng meeting si Ogie sa big boss ng nasabing network sa Hong Kong.
At sa araw na ito, opisyal na Kapuso na rin si Mark Bautista, na naging Kapamilya sa loob ng pitong taon. Kasama sa pinirmahan niyang kontrata ay pagiging isa sa regular performers ng Party Pilipinas.
Sa araw din na ito pumirma ng three-year contract ang mga talents ni Annabelle Rama—na sina TJ Trinidad, Raymond Gutierrez, Ynna Asistio, Bubbles Paraiso at Ehra Madrigal—with GMA-7.
Ang iba pang mga Kapuso na nag-renew ng kanilang mga kontrata ay sina Janno Gibbs, Katrina Halili, Jay-R, Kyla, at ang hosts ng Startalk na sina Joey de Leon, Lolit Solis, Butch Francisco, at Ricky Lo.





we are solid kapuso
but please ibigay mo na sa iba ang host as survivor.
andyan sina rovilson or marc nelson.
solid kami sa inyo
GMA, be firm..wag magpaloko kay annabelle. inuuto lang kayo nyan eh
dapat wag sila mgsunod-sunuran kay annabelle.
i love being kapuso.
bubbles paraiso and ynna asistio will never nmake it big. sayang ang pera nila
look just to have chard as kapuso..they have him host the survivor. dami mas deserving eh.
sana isipin ni chard ito and ibigay sa iba
rovilson or marc nelson are perfect choices eh
no offense meant kay lovi dahil gusto ko din ang batang ito..maganda din siya kahit ordinary din ang beauty niya may appeal din..PERO naman huag namang laitin masyado si Angel ha....okey na kung sabihing pareho silang maganda... un lang! meron ba namang artistang pangit in the first place? kahit pokwang hindi ko tatawaging pangit or si eugene or whoever...
richard is smart. he is sensible and so is raymond but look what happened to pinoy idol.
i mean pls GMA management, reconsider the option of having other talent to host survivor.. rovilson is perfect.
we love chard..we are solid kapuso but is not right as a hhost.
we are supporting richard gutz. we love him. we always watch his shows and movies pero i think wrong move ang ginawa ng GMA to have as survivor host just like sa twin brother nya sa pinoy idol..dami other choices as host. sana si rovilson or marc nelson na lang eh.
i hope chard will reconsider it and so the netwrok
ang saya-saya siguro..
buhayin ang FIESTA CARNIVAL! lol.
-
Mark: ah..eh....
Butata naman sayo ang isang peabrainee kapamils. lolz!