Certified Kapuso stars na ang Final 14 ng StarStruck V.
Kaninang hapon, March 11, ay pumirma na ng five-year exclusive contract ang Ultimate title holders na sina Steven Silva at Sarah Lahbati; ang mga runners-up na sina Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Rocco Nacino; at maging ang mga Avenger na sina Nina Kodaka, Ian Batherson, Princess Snell, Piero Vergara, Rox Montealegre, Sef Cadayona, Zeryl Lim, Rye Burgos, at Fianca Cruz.
Kasama nilang pumirma ang top executives ng GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon (Chairman, President and CEO), Mr. Jimmy Duavit (Executive Vice President and COO), at Ms. Ida Henares (VP for GMA Talent Development and Management Department).
Ginanap ang contract signing sa Executive Lounge ng GMA Network Center.
CONCERN OF THE PRESS. Pagkatapos ng contract signing ay nagkaroon ng open forum kung saan binigyan ng pagkakataon ang invited press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na magtanong sa GMA executives at sa labing-apat na bagong Kapuso stars.
Sa simula pa lang ng open forum ay nagkaroon na ng diskusyon tungkol sa pagbibigay ng exposure sa mga bata. Nabanggit kasi ni Ms. Henares, na siya ring namamahala sa GMA Artist Center, na sasailalim muli ang StarStruck V survivors sa series of workshops upang mahasa sila nang husto kapag isinabak na sila sa iba't ibang shows o larangan kung saan sila mag-e-excel.
Isang beteranong entertainment editor ang nagtanong kung ano ang balak gawin ng GMA Artist Center sa mga bago nilang contract artists, gayong napakarami na nilang talents na ang karamihan ay hindi naman masyadong nabibigyan ng exposure.
Paliwanag naman ni Ms. Henares, may dinadaanang proseso ang pagde-develop nila ng kanilang talents para kapag isinalang na sila ay talagang handa na ang mga ito.
Ganito rin ang opiniyon ni Mr. Duavit. Aniya, kung hindi dumaan sa proper training ang kanilang talents at biglang isasabak sa mga programa, posibleng lumabas na parang hilaw pa sila at "parang hindi nabibigyan ng pagkakataon na sumulong pa ang pangarap nila."
Sa parte naman ng press people, nangangamba sila na baka "mabantilawan" ang Final 14 ng StarStruck V kapag hindi sila agad nabigyan ng mga proyekto at proper exposure.
THE PAST WINNERS. Hindi rin naiwasang maikumpara ng press ang nangyari sa ibang mga batch ng StarStruck.
Nang manalo sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa Season 1 ay pinag-taping sila agad kinabukasan ng Love To Love. Kahit paano ay umangat nang husto ang kanilang career at ikinukunsidera sila hanggang ngayon bilang isa sa pinakasikat na tambalan.
Ang sumunod sa kanilang sina Ryza Cenon at Mike Tan ay naghintay ng halos isang buwan bago isinalang sa isang afternoon soap. Sa kasamaang-palad, hindi umalagwa ang mga career nila.
Ang Ultimate Sole Survivor ng Season 3 na si Marky Cielo ay isinama sa hit fantaserye na Encantadia dalawang araw pagkatapos niyang manalo. Papailanlang na sana ang kanyang career noon kundi lamang sa kanyang maagang pagkamatay.
Sina Aljur Abrenica at Kris Bernal ng Season 4 naman ngayon pa lang nabibigyan ng magagandang breaks at nagsisimulang sumikat nang husto.






tell the marines about it.. lols!
Sikat yan sa mga kapallmilyas na katulad mo.
wahahahhaha... haayyy ang utak nasa tal,ampakan kasi..
GMA7 and GMA Pinoy Tv - the BEST!!!
mga nasa priority dapat dito'y sina sarah, steven rocco, piero, nina, princess, diva, ian at rox.
bukod sa mga pang artista ang looks talaga ay talented ang mga iyan at may napatunayan na rin sa aktingan.
fearless forecast ko sina sarah at piero ang mga magniningning sa batch na ito ng todo todo pero kikinang din ang mga bituin ng mga iba pa dahil sila ay mukhang pang artista talaga hindi tulad nung mga mukhang aswang sa kabila
Hindi nila binigyan ng nararapat na pansin noon itong mga ito habang umeere ang starstruck, sana ngayong nagkapirmahan na eh wag silang pabayaan lahat. mahirap din na limang taon silang nakatali sa network tapos mangilan ngilang project lang gagawin nila, kawawa ang kanilang mga pamilya.
maiinis ako talaga sa kanila pag ginawa nilang pawang frozen delight itong mga ito. wala namang exclusive exclusive na ganyan sa ibang mga bansa. ewan bat gahaman sa pera ang ilan sa atin.
go go go IDOL ng Kapamilyas - MELAI.
wahahahahahaha!
i love ian batherson
meron din PBB eh, yung friend ni sam milby kuno? Say alonzo ba yun? so yun, nasa GMA na lahat.
sana magkaroon na ng season 6.
i go for ian batherson, rocco, steven, and piero
POKWANG, MELAI, CHOKOLEIT - GANDANG KAPAMILYA... ang gaganda nyo mga kapamilyas.. inggit akoooooOOOOOOO... as in! lols!
tapos next year, starstruck 6 naman! ang saya-saya!!!