Kaya naniniwala ang mga taga-press na importante ang pagbibigay agad ng magandang exposure sa pinakabagong batch ng StarStruck, lalo na ang Final 5 na sina Steven, Sarah, Enzo, Diva, at Rocco. Sabi pa nga ng isang manunulat, "Strike while the iron is hot." Kung pahihinugin muna raw kasi nila ang mga bata ay posibleng walang mangyari at baka makalimutan sila agad ng mga tao.
Pero nilinaw naman ng press na kakampi sila ng Artist Center sa bagay na ito. Malaki kasi ang paniniwala nila na ang batch na ito ng StarStruck ang may pinakamaraming potensiyal, bukod sa lahat sila ay pang-artistahin talaga ng mga hitsura.
Ito rin naman ang gustong mangyari ng Final 14 ng StarStruck V sa kanilang career. Nang tanungin sila ng PEP kung ano ang expectations nila pagkatapos nilang pumirma ng five-year exclusive contract sa Artist Center, lahat sila ay sinabing gusto nilang magkaroon ng "projects at exposure."
Karamihan din sa kanila ay naniniwala na kailangan pa nilang dumaan ulit sa workshops upang mahasa sila nang husto. Naniniwala rin sila na aalagaan sila ng GMA-7.
BIG PLANS. Naiintindahan naman ng pamunuan ng Artist Center ang pananaw na ito ng mga press people. Pero tinitiyak nila na bibigyan nila ng sapat na exposure ang Final 14 ng StarStruck V upang mailabas ang kani-kanilang mga potensiyal.
Maging si Atty. Gozon ay excited na sa mga inihandang activities ng Artist Center para sa mga bagong contract stars ng talent arm ng Kapuso network. Kabilang na rito ang nationwide tour ng Final 5. Magkakaroon din ng mall shows si Sarah sa Robinson's, at si Steven naman ay kabilang sa mga Kapuso stars na dadalhin ng GMA PinoyTV sa San Fancisco, California. Karamihan din sa kanila ay kasama sa bagong Sunday musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas, na magsisimula na sa March 21.






rhiamags
March 13, 2010
01:28 AM
kaloka yung article sa PSN kay atty gozon! kaya pala pinapirmahan ang final 14 para di makuha ng tv5! unfair yon! papirmahin niyo ang mga bata dahil interesado kayo sa talento nila, di para walang makuha ang kalaban! tsk tsk...asan ang puso?
--
syempre naman,ikaw ang nagtanim, iba ang kakain?..im sure may mga project lahat yan..bigyan lagi ng exposure silang lahat..sana sundin nila ang sabi ng press..may QTV11 naman ang GMA,marami pedeng paglagayan..galingan lang talaga ang pag pag-manage..
prang ang hirap nila bigyan nang show hindi malaman kung saan sila babagay kya mas maganda tlga kung mag workshop muna pra mahasa at malaman kung saan sila dapat isabak kung Acting,Dancing,Singing,or Host mhirap kasi kung issabak sa Actingan then hindi nmn pla marunong umacting masasayang lang dba? magmumukha lang silang extra.
tama yung poster below me. may napatunayan na iyan sa lalola, stairway to heaven at maski na yung dear friend nya. may k yan umarte at dapat lang na ibuild up ng gma.
palpak lang talaga si ida sa iba na dapat ding ibuild up...
pag sina sarah at steven ang pinabayaan nya naku magkaka world war 3 sa pinas
panget ngalang ng reputasyon nya haha
kaya naman nila kumanta eh!
gogogo starstruck!!!
tama nga, sana mabigyan agad sila ng magandang proyekto! wag na pagantayin pa ng matagal!
go batch 5!
go sarah and steven!!!
hindi ganoon ka-effective si IDA,i think..
sana bigyan sila ng youth-oriented show na mala TGIS..or TGIS nalang ulit,atleast sikat na yung show na yun..
sa batch na to,mas may potential at dapat ibuild up ng husto ay sila Rocco, Ian,Piero, Princess,Diva,Nina na pwede na din..
PAGING MS. IDA,magbasa ka dito sa PEP