| Register

Singer-composer Yeng Constantino ventures into hosting


 
"Parang na-feel ko lang po na gusto ko namang gumawa ng ibang bagay than the usual na ginagawa ko. Parang wala na po kasing challenge kasi alam ko na ang gagawin ko. Gagawa lang po ako ng kanta, e, mula bata pa po ako, yun na ang ginagawa ko," says Yeng Constantino about hosting Music Uplate Live.

Singer-composer Yeng Constantino ventures into hosting

Rose Garcia

Rating

Simula Lunes ng madaling-araw, March 15, mapapanood at mahuhusgahan na ang kauna-unahang Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy na si Yeng Constantino, hindi bilang isang singer at composer kundi bilang isang host.

 

Ito ay sa pamamagitan ng Music Uplate Live na mapapanood sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes. Ang bagong interactive show na ito ang papalit sa PBB Double Up Late. Yeng will be the main host, pero may mga makakasama siyang barkada na makikipag-jamming at makikipagkuwentuhan ng kahit ano about music.

 

Bago para kay Yeng ang hosting genre, pero isang bagay raw ito na gusto niyang gawin. Gusto rin daw niyang i-prove sa kanyang sarili na kaya niya ito at may iba pa siyang puwedeng ipakita sa mga manonood.

 

Nag-audition pa si Yeng para maging host ng Music Uplate Live.

 

"Mga two weeks ago, nag-audition po ako. Pumila rin po ako. Marami ang nag-audition for this slot. After po ng day na nag-audition ako, the next day, meron pa ulit. Pero karamihan po ng nag-audition, mga bagong host," kuwento ni Yeng sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Kahit sabihin pang naging grand winner na siya sa PDA, alam ni Yeng na when it comes to hosting bagito pa siya.

 

"Siyempre po, hindi naman po ako pinanganak na maging host," sabi niya. "Unlike as a composer, bata pa lang po ako, nine years old pa lang po ako, nagsusulat na ako. As a host, malaking bagay po ito para sa akin. Actually, kinakabahan din po ako."

 

Bakit bigla niyang naisipang mag-audition bilang isang host?

 

"Parang na-feel ko lang po na gusto ko namang gumawa ng ibang bagay than the usual na ginagawa ko. Parang wala na po kasing challenge kasi alam ko na ang gagawin ko. Gagawa lang po ako ng kanta, e, mula bata pa po ako, yun na ang ginagawa ko," paliwanag ng 21-year-old singer-composer.

 

Kaya tuwang-tuwa raw siya nang siya nga ang mapili.

 

"Sumigaw talaga ako!" bulalas niya. "Tinawagan ako ni Ms. Annabelle [Regalado, Star Records head], talagang talon ako nang talon, hindi ako tumigil. Yung totoo, gustung-gusto ko talaga. Gustung-gusto ko talagang gawin 'to dahil gusto ko na rin mag-try ng ibang bagay."

 

What if hindi siya ang natanggap sa audition, how would she feel?

 

"Noong time po na yun, parang naisip ko lang, ayokong magpaka-religious, pero if it's God's will, yun talaga. Kung okey, e, di time na. Pero kung hindi man po ako natanggap noong time na yun, parang sayang...hindi naman po ako madi-dishearten."

 

Bukod sa workshop, nagpa-practice daw si Yeng mag-isa sa kuwarto niya kung paano maging host.

 

"Pina-practice ko pong mag-isa. Kasi malaki naman ang mirror ko, kumukuha ako ng suklay. Like, 'Hi guys!" natatawa niyang kuwento.

 

Dugtong pa ni Yeng, "If you're willing to do something at mag-excel dun sa work mo, kahit magmukha kang sira, pinapraktis ko pong talaga."

 

Ang Music Uplate Live ay may five segments: "Music Barkada Kwentuhan," "Charbusters," "U-Late Jammin," "Break Mo 'To," "Mic Mo 'To," at nandiyan pa rin ang interactive happenings and games.

 

Ayon pa kay Yeng, "Actually, every Monday, magkakaroon po ako ng segment na 'Yeng Version.' So, anything na gusto ng viewers na kantahin ko, gagawan ko ng sarili kong version. Halimbawa, rap, gagawin kong rock."

 

May peg ba siya in terms of hosting?

 

"Actually, wala rin po akong peg. Hindi rin po kasi ako Inglisera. Yun po ang problema. Hindi po ako katulad ng ibang host na ganun kasi hindi naman po ganun ang kinalakihan ko.

 



Pages: 1  2  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Share   Email this link
Show/Hide
Comments
19 Comments
page    1   
pagelocation: news

Advertisement