"Puwede naman akong mag-guest, pero hindi ako puwedeng mag-movie or yung mga regular. So, hopefully, hanggang August na lang and then 30 days na waiting na lang na hindi na ako magre-renew, that's it."
Wala rin daw silang personal communication sa kanyang manager.
"Kahit may number niya ako, hindi siya nagre-reply, e," banggit ni Aubrey. "Two years. Two years na niya akong hindi nabibigyan ng work. Siguro yung mga work ko ngayon, puro ako lang, like FHM or mga guesting."
Ano ang plano niya after that?
"I'm starting to look for a manager na okey and they are saying na mag-freelance. But I'm still okay with the manager, you know," sabi niya.
GENEVA & KC. Tinanong din si Aubrey sa kumpirmadong paghihiwalay ng kapatid ni Troy na si KC Montero at ang asawa nitong si Geneva Cruz. Pero, aniya, clueless siya sa isyu.
"Alam n'yo, ito ang totoo, ha, wala talaga akong alam," sabi niya. "Kasama lang namin si KC two weeks ago. Then, pumunta pa si Troy sa bahay nila, magkasama pa sila. So, I don't know kung ano yung mga bali-balita na nangyayari, hindi ko alam. Basta ako, happy together ni Troy Montero."
Hindi ba sila nagkakausap ni Geneva?
"Ano, e, masyado siyang busy. Minsan sa Facebook na lang kami nag-uusap."
Although, ayon kay Aubrey, mas close siya talaga kay KC Montero.
Ano ang message niya sa dalawa?
"I don't know... Honestly, wala akong alam. Kung maghiwalay sila, maghiwalay sila. Siguro ganun."
Nalungkot ba siya?
"Hindi ko alam. Confirmed na ba talaga?" tanong pa niya. "Baka mamaya naman sinasabi n'yo lang sa akin. Siguro kapag sila na ang nagsabi sa akin, masu-surprise ako. Pero walang feelings na bakit naman? Wala, masu-surprise lang ako."
Kasal sina Geneva at KC, hindi ba yun magiging factor sa kanya para magpakasal din with Troy?






ung tipong sa unahan plang tine tegi na.
prang ung career nya, teging tegi na, may nitso at lapida pa nga...
Hirap kaya ng walang ginagawa. Hindi kagandahan si Aubrey pero superb ang kasexyhan.
maski sino naman lalayas, may anak na si aubrey kailangan ng datung at maski dalaga pa kailangan din kumain no, tseeee!
oh yeah, i remember you can sing but you did not click with that either.
anyways..gud luck sa career mo!