"Sa tingin ko na-hone na rin yung skills ko," sabi niya. "In my opinion, I feel ready na po. Kasi with the passion, yung drive and determination that I have, tapos na-hone pa lalo yun ng StarStruck, tingin ko nga po, ready na po akong sumabak sa showbiz industry.
"Tingin ko sa mga guestings namin, so far, we've been hearing really good comments naman po. Kaya tingin ko po it's time to expect kung anong meron kami sa pag-expose sa amin sa mga shows."
DREAM PROJECTS. Sa ngayon, ang sigurado pa lang daw na project na kabibilangan ni Rocco at iba pang StarStruck V graduates ay ang bagong Sunday musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas, na papalit sa SOP.
"Ako, very excited po akong mag-Party Pilipinas kasi regular po ako doon. Maganda po yung segment ko doon," sabi ni Rocco.
Nabanggit din ni Rocco sa PEP na nag-audition siya para sa isang role sa afternoon soap ng GMA-7 na Gumapang Ka Sa Lusak, na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ayon pa sa kanya, kasama niyang nag-audition sina Enzo at Steven.
"Hopefully, makuha ko po yung role na 'yon," asam ni Rocco.
Ang role na tinutukoy ni Rocco ay ang young attorney na makaka-love triangle nina Jennylyn at Dennis. Ito ang role na nabalita noon na mapupunta sa kanya bago pa man ang Final Judgment ng StarStruck V.
"Yun nga po, doon ko na-realize na rumors lang po talaga!" medyo natawang sabi ni Rocco. "Kasi we had to audition pa for that role, na nasa balita na ito yung role na ibibigay sa akin—that's what we auditioned for. Kaya I had to work for it pa. Pero nakapag-audition kami, it was okay naman. Masaya naman ako sa performance ko. So hopefully makuha ko po yung role."
Anong genre ba talaga ang gusto niyang pasukin?
"Gusto ko po talaga action-drama. So, kung merong show na gusto kong masalihan ngayon, e, di Panday Kids. Tapos yung Gumapang Ka Sa Lusak na rin po kasi mati-test po talaga yung acting skills ko dun. So, gusto ko talaga 'yon."
COSMO HUNK. Nang makausap ng PEP si Rocco ay kararating lang niya mula sa Matabungkay beach resort sa Batangas para sa pictorial niya sa Cosmopolitan magazine, kung saan siya ang featured Cosmo Hunk of the Month. Lalabas daw ang naturang pictorial niya sa April 2010 issue ng Cosmopolitan.
Excited na raw si Rocco sa paglabas ng pictorial niya para sa Cosmopolitan. "At the same time, parang ang sarap ng feeling dahil ako pa lang po sa Final 5 ang nakagawa ng ganito," dagdag niya.
Dahil sa sexy pictorial niya sa Cosmopolitan, ibig bang sabihin nito ay kasali na siya sa Cosmo Bachelor Bash this year? Last year kasi ay rumampa ang mga kapwa Kapuso stars niyang sina Aljur Abrenica, JC Tiuseco, Akihiro Sato at Daniel Matsunaga.
"Ang alam ko po itong ginawa naming Hunk of the Month, kasama din yata sa cosmo.tv, dun sa Internet. Yung mga fans, they'll get a chance to vote kung sino talaga ang gusto nilang masama sa Cosmo Bachelor Bash... Sana makasama po ako sa list. Siyempre ipa-plug ko po palagi yun para iboto po nila ako. Pero I'm sure maganda yung mga pictures. Nakita ko po kanina, ang ganda ng mga kuha," saad niya.
Bagamat hindi pa nagsisimula ang Party Pilipinas ay punung-puno na ang schedule ni Rocco at ilang kasamahan niya sa Final 5 dahil sa guestings, mall shows, pictorials, at personal appearances. Gaya na lamang nitong araw, March 13, maaga pa lang ay nagpunta na sila sa GMA Network Center, tapos ay didiretso sila sa Robinson's Galleria para sa autograph signing, at pagkatapos nito ay babalik sila sa GMA para sa guesting nila sa Walang Tulugan ni Kuya Germs.






ROCCO-SHEENA loveteam...
bagay sa kanila ATTIC CAT....
advance happy birth day!
PAULIT-ULIT na ARTISTA sa PRIMETIME ay NAKAKASAWA like Marian-Dingdong, Aljur-Kris....
Bakit hindi sumubok ng FRESH sa PANINGIN like FIRST TIME...
Rocco-Kris or Princess Snell
Dennis-Ryza
Geoff-Heart
Richard-Jewel
Maxene-JC Tiuseco
Iza-TJ
ang daming bago na pwede bakit nyo paulit-ulit at nakakasawa na....
GO ROCCO D BEST KA SA LAHAT...
tpusin mo ang 5 year contract tas lipat ka ng ABS pra mas madevelop ka =
Agree ako na ito lang ang dapat isabak na sa real showbiz world! iyong iba dapat iworkshop ng 6 months! Ito artistang artista na sa lahat ng aspeto!
may talent naman lahat sila, pwede namang i expose agad sa mga shows according sa kung saan sila nag e excel. kung magaling si rocco sa acting, isabak na agad, si steven kung sa singing, pakantahin lang at wag paartehin.
mejo mahina ata kasi sa diskarte sina mam ida, minsan dapat nakikinig din kayo sa clamor ng mga tao, kami ang nanonood e.
yan din kasi siguro yung naging sakit ng mga nakaraang batch ng starstruck, sumabak sa mga bibigating palabas kaagad. naging kampante sila at inakala sigurong porke't nanalo sila e kalebel lang sila nina iza, dingdong, sunshine, dennis etc. kaya tignan niyo yung mga kagaya ni mark herras na mag-si-6 years na sa showbiz walang improvement sa pagaarte.
Tapos, gawin nila dun yung ginagawa dati sa That's Entertainment na may on-air workshop sa acting, singing, dancing at hosting. In that way, at the same time ay nagiging visible pa sila sa mga tao.
we look forward to seeing you soon
in tv, magazines, movies, music and more!
this guy's a natural performer!