Alam ng mga tagasubaybay ng StarStruck V na may pagtingin sina Diva Montelaba at Steven Silva sa isa't isa. Pero dahil kapipirma lang nila ng exclusive contract sa GMA-7, nag-usap ang Season 5 First Princess at Ultimate Male Survivor at napagdesisyunan nila na unahin muna ang career.
"Kasi mahirap din siya kung ipagsasabay mo yung dalawa [lovelife at career]. Mabuti kung beterano na kami, e, we're still beginning with our careers," pahayag ni Diva.
Hanggang saan umabot ang relasyon nila bago mag-Judgment Night?
"Hindi ko kasi masasabi, honestly lang talaga, kasi hindi ko siya iniisip kung anong meron kami. Hindi ko alam, e."
Gaano niya kamahal si Steven?
"Ganito na lang, siguro sa lahat ng lalaking kilala ko ngayon, si Steven ang pinakaimportante. Mas importante siya kesa sa tatay ko!"
Ang nagustuhan niya raw kay Steven ay, "sa lahat ng taong nakilala ko, siya yung parang nagpakita ng totoong sarili niya. Kasi si Steven sobrang tahimik niyan pero kapag mapi-feel mong may tiwala siya sa 'yo kasi sine-share niya lahat. And thankful ako kasi isa ako sa mga tao na nag-open siya sa akin."
NOT AN EASY DECISION. Mutual ang desisyon nilang mag-focus muna sa careers nila bago pa sila pumirma ng kontrata sa GMA-7 noong March 11.
"Masakit? Hindi ko alam kung masakit," sabi ng dalaga. "Siguro naman hindi ko sasabihin na okay lang, na madali lang."
Inamin niyang dalawang beses niyang iniyakan ang desisyon nila.
"Twice, I have my best friend ko sa room ko. Hindi alam ni Steven, hindi naman niya naiintindihan."
Diretsong tinanong ng PEP kay Diva kung utos ito ng GMA-7? Bilang Ultimate Male Survivor kasi, natural lang na ang maging ka-love team ni Steven ay ang Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati.
"Hindi! Hindi naman ako... kasi hindi naman ako nauutusan kung ano ang gusto kong gawin," sagot ni Diva.
WILLING TO WAIT. Ano ang mararamdaman niya kapag sina Steven at Sarah na ang magka-love team? Masasaktan ba siya?
"Alam naman ni Steven yun, malaki na siya. Hindi ko alam, siguro oo, pero mas nagdo-dominate yung pagiging open-minded ko.






the word MAS na ginamit niya gives the difference.... naxxx inglis hahhahaha
let's respect kung ano mayroon cya wid her dad...
only those people wid broad minded and those who're in her situation wid regards to the relationship she had with her dad can UNDERSTAND her
gud luck to you and steve...and more projects too..
make MORENAS rock the shobizlandia world...let our flag shine!!
Hmmmm..... Ikaw? Sino kaya ang kamukha mo?
Ah.... alam ko na! Si Chokoleyt!!!! hahaha!
Go,go, go, DIVA!
hahahahaha
saka na yang love
di rin naman kayo bagay eh!
Go go go! D-I-V-E-N!
GMA7, wag na ipagpilitan yung SARAH-STEVEN or ENZO-DIVA... hindi convincing...
DIVEN and SARENZ? na lang! lol!
Basta kami Diva...alam namin ang totoo sa iyo....so ignore mo na lang ang ilan dito na naghuhusga sa iyo.
tatay mo parin sya...
pero bakit hanggang ngayon, few hours bago ang laban, ang one and only global pinoy superstar manny pacman pacquiao di man lang naifeature dito. kapuso din yun PEP