Kabilang si Valerie Concepcion sa mga Hot Mamas na kinikilala ng FHM bilang mga sexiest women of the decade, alongside Eula Valdez, Jean Garcia, Sunshine Cruz at Dina Bonnevie.
Kung may nabago sa buhay niya after being on the FHM cover, natatawa niyang sinabing, "Nakakahiyang sabihin na dumami ang admirers ko. Siguro, ano lang, parang naging aware ang mga tao na, 'Uy, sexy pala 'to...'"
May pressure ba sa kanya na kailangang maging sexy siya palagi?
"Medyo!... Bilang isa sa mga 25 na napili nila, baka sabihin kasi ng mga tao na makakakita sa 'yo in person, 'Ay, she doesn't deserve it.' So, parang may pressure."
Pero, "happy and touched, honored" siya na mapabilang sa listahan.
"At saka, ang ganda ng description sa magazine. Nag-text ako agad sa editor ng magazine. Sabi ko, 'Sir Allan [Madrilejos], na-touch ako, ha! Ang sweet n'yo, ang ganda ng pagka-describe.'"
CAGER BOYFRIEND. May nagtanong kung sino ang escort niya that night, since a lot were expecting na darating siyang kasama ang rumored cager boyfriend na si Dondon Hontiveros. Pero mabilis ang sagot niyang, "Wala akong escort," sabay tawa.
Napansin ng press na parang ayaw na nitong pag-usapan ang basketball player.
Sa tanong kung sila pa rin ba, sagot niya, "Next question please! Ay, alam mo, ang ganda-ganda ko tonight! 'Wag mong sirain! Charoz! Ha-ha-ha!"
Pero seriously, wala na nga ba sila?
"Well, medyo nababawasan na yung pagkikita namin, e. Pero okay lang naman. Siguro because of work din. Campaign period, so, walang time...
"Hindi naman cooling off, pero, sinabi ko sa kanya na hindi muna ako puwedeng makipagkita or hindi muna ako puwedeng lumabas."
Hindi naman daw siya nakikipag-break. "Parang ang dami kasing work, hindi ko siya masingit."
WOWOWEE. Tinanong namin si Valerie kung totoo bang lilipat na siya ng network? May balitang sa TV5 siya pupunta at may balita ring babalik siya sa GMA-7.
"Hay naku, talaga?" natatawa niya lang sabi. "Wala akong alam. Hindi ko alam. Kasi, ang alam ko, kakapirma ko lang. Pumirma ako ng six months sa Wowowee. So, yun. Happy ako."






kasi napaka bitter nya, akala siguro nya nakalinis nya. hwag kang manghusga oi!
bilog ang mundo.
Goddamn. Not only you do sound like a total loser, you also sound like a bitter hater. Leave her alone, she's done nothing to you.
Hinay hinay ka sa mga salita mo masyado kang mapanghusga sa kapwa mo, bilog ang mundo mag ingat ka. Baka darating din ang time matatamaan ka rin.
pusotisipmo
kung magsalita ka parang ang linis2x mo. kahit nagkamali ang mga yan, ang importante ay natuto silang bumangon. bata pa sila nuon at hindi nagabayan pero tingnan mo ngayon. marunong sa buhay.
kung ako sa kanya c wilma galvante ang gawin niyang manager or c anabil para marami cyang raket........tama me anak cya dapat wise cya......
mkapag salita ka nmn parang inapi ni Val ang GMA ang OA mo nmn mg.comment kung ikaw nmn nasa kalagayan ni Val maiisip mo rin ang lumipat kung wla nmn gagawing project sa GMA sa panahon ngaun practical na single working mom si Val kaya hindi mo sya masisisi kung lumipat natural kung saan kikita dun sya at khit hindi sya exclusive sa ABS-CBN npkalaking bagay parin nang w0wowee dahil hindi ito tulad nang mga show sa primetime na mabilis matapos. kaya anytime na ma expired contrata nya pwede nya irenew para ipag.p2loy ang career nya sa w0wowee.
hirap kasi sa inyo iniisip nyo lang ung loyalty panu na kung mmmtay kna sa gutom at wla kpa rin show sa network mo maiisip mo pba ung salitang loyalty?mppkain kba nun?kya hyaan nlng natin si Val kung san sya masaya at kung san sya mkkakuha nang panlamon nilang mag.ina.