Matapos maipalabas ang taped interview ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, March 14, pagkakataon namang magsalita ni Kris Aquino para ibuhos ang kanyang saloobin habang kasama sa set si Boy. (CLICK HERE to read related story.)
Sa una pa lang ay in-acknowledge na agad ni Kris ang flowers na ipinadala sa kanya ni Ruffa.
"I got flowers from Ruffa in my dressing room. I had a beautiful note from her. Ang main message ng note was sana peace. And now that's also what I wish for," bungad ni Kris.
Dito na nagsimulang maging emosyonal ni Kris.
"Aamin po ako sa inyo na on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae [Ballsy Cruz, Pinky Abelleda and Viel Cruz] and I was saying, 'I think I want to say goodbye.' Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga. And I said, 'This election, parang lahat ng kagalit ni Noy [Noynoy Aquino, only brother of Kris] kung may kailangang pintasan ako parati.
"Tapos sinabi ko kay Ate [Ballsy], 'Ate, parang mababaliw na ako.' Kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Lalabas ka at libu-libo naman yung taong nagsasabi ng 'I love you, Kris!' And I said, 'Should I leave The Buzz?' Tinanong ko kay Ate, kay Pinky at kay Viel. I didn't ask you, Boy, kasi this was a family decision. It's a decision na ibinigay ko sa tatlong kapatid kong babae. Kasi sinabi ko, people always say na I'm a brat. But I'm not a brat when it comes to my family," madamdaming pahayag ni Kris.
TRYING TO BE A GOOD PERSON. Ayon pa kay Kris ginagawa naman niya ang lahat para maging isang mabuting kapatid at mabuting tao.
"Sabi ko kay Ate, 'Napatunayan ko naman sa inyong lahat gagawin ko para sa pamilyang ito.' Kapag sinasabihan n'yo ako, 'Kris be humble. Para matapos na mag-sorry ka na.' Kahit nung time na alam ko naman po na wala akong ginawang masama, ginawa ko nag-sorry ako. Ginawa ko yun para sa pamilya ko. Dahil nga ang pamilya ko ang sinisira," umiiyak na sabi ni Kris.
Patuloy niya, "Hindi ko in-involve si Noy sa desisyon na ito because Noy is not part of this show. Hindi artista si Noynoy. Ginagalang ko ang pagka-presidente, Boy, dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at ng nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko na sa pinagdaanan ko this week kung ano yung sakripisyo ng pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lahat ito, e. Pero masakit na.
"Masakit po sa akin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko. E, nagbago naman po ako, e. Every day I try to be the daughter that my mom deserves. Sana po nararamdaman n'yo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam n'yo kung gaano kahirap. How much I just miss my mom. Kasi kung nandito ang mom, hindi ganito.
"So, my sisters told me, 'Kris, konting tiis na lang. Dalawang buwan na lang naman, e.' At sinabi ni Ate sa akin, 'Di ba, hindi ka quitter?' Sinabi ni Ate, 'Di ba, Krissy, naramdaman mo naman, e, nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo [para sa campaign sorties ni Noynoy]. Ano ang sinisigaw ng mga tao?' And I said, 'But Ate, of course, I can only take so much.'"
AQUINO SISTERS. Sa mga ganitong mahirap na sitwasyon daw nararamdaman ni Kris ang suporta at pagdamay ng kanyang mga kapatid.
"But Ate said, 'Don't cry. Kasi pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother. Dahil di ba ang prinamis ni Noy, alagaan niya tayo? So, you have to be strong for Noy.' So, they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, 'You go there and you pull your head, you pull your head up high. Because you know, we know that you're a good person. But Kris, at the end of the day pag hindi ka na sikat, pag wala nang nanonood sa iyo, sino ba ang tatakbuhan mo? Ang pamilya mo.' And then sinabi sa akin ng kapatid ko, 'We're here behind you.'"
May mga bilin pa raw sa kanya ang mga kapatid niya.
"Sinabi nila sa akin na, 'It's a lesson. You just really have to be so careful about everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga, Kris, na all eyes are on you. So, just try your best to stay strong.'
"So, ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng pinagdadaanan, sa lahat po ito talaga, this election that I never wished for. Sinabi ko, 'Thank you, Ate. Thank you, Ate, nila-love n'yo ako. Kasi hindi n'yo pinaparamdaman sa akin na pabigat ako sa inyo.'
"And I text Noy to say, 'Noy, win or lose, kung ano ang mangyari, please know that we tried our very best. And I'm not gonna disappoint you anymore. And I'm not gonna give them reasons to criticize you,'" umiiyak pa ring kuwento ni Kris.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
844 Mae53323
843 explorer08
842 Mae53323
841 Mae53323
840 Mae53323
839 beybong
838 beybong
837 ledfarani
836 ledfarani
835 momrogan
834 igma7_4ver
833 seikolang
832 chubgurl_069
ayan si anabell at si ruffa eh mga nanggagamit syempre may show anak nya diba? at knowing anabel gagamitin nya lahat para maalis lang ang kaso ni Richard diba?
wala kasing silang maibato kay NOYNOY kung kaya't pati si Kris siniraan.. dirty tactics talaga
831 fairlang
830 fairlang
829 seikolang
828 fairlang
827 momrogan
826 sweet_angel05
you have to remember nung binaril si ninoy. ito ang nagmulat sa mga tao na lumaban para sa demokrasya ng pinas at pinili nila si cory to be president. kung si cory lang ang lalaban kay marcos at walang people power tingin mo kakayanin ba ni cory yun?..people power defeats marcos regime not cory. ok? so give credit to the people who went noong people power.
yes ninoy died for our country but that doesn't mean na palalampasin natin masamang ugali ni kris at panalunin si noynoy as president . hanggang saan ba pagbabayad natin ng utang na loob sa pamilya aquino?
hindi lang si ninoy namatay para sa bayan.. marami tayong bayani pero nasan na sila? hindi nga pinakitunguhan ng maganda mga yun katulad ng pakikitungo ng iba sa pamilya aquino
825 fairlang
Nakakahiya talaga ang ginawa niya, nawala na totally ang repeto ko kay Kris. Her family should advised her about her queer behaviour, halata tuloy ang pagka abnormal niya. Sana ipa kunsolta sa isang psychiatrist si Kris .Palagi na lang siyang nag drama drama sa tv, pagkatapos balik na naman ang mga kabastosan at kataklesahan niya. After that, i-iyak na naman siya sa mga interview. Kris , enough na!
more comments