Matapos maipalabas ang taped interview ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, March 14, pagkakataon namang magsalita ni Kris Aquino para ibuhos ang kanyang saloobin habang kasama sa set si Boy. (CLICK HERE to read related story.)
Sa una pa lang ay in-acknowledge na agad ni Kris ang flowers na ipinadala sa kanya ni Ruffa.
"I got flowers from Ruffa in my dressing room. I had a beautiful note from her. Ang main message ng note was sana peace. And now that's also what I wish for," bungad ni Kris.
Dito na nagsimulang maging emosyonal ni Kris.
"Aamin po ako sa inyo na on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae [Ballsy Cruz, Pinky Abelleda and Viel Cruz] and I was saying, 'I think I want to say goodbye.' Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga. And I said, 'This election, parang lahat ng kagalit ni Noy [Noynoy Aquino, only brother of Kris] kung may kailangang pintasan ako parati.
"Tapos sinabi ko kay Ate [Ballsy], 'Ate, parang mababaliw na ako.' Kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Lalabas ka at libu-libo naman yung taong nagsasabi ng 'I love you, Kris!' And I said, 'Should I leave The Buzz?' Tinanong ko kay Ate, kay Pinky at kay Viel. I didn't ask you, Boy, kasi this was a family decision. It's a decision na ibinigay ko sa tatlong kapatid kong babae. Kasi sinabi ko, people always say na I'm a brat. But I'm not a brat when it comes to my family," madamdaming pahayag ni Kris.
TRYING TO BE A GOOD PERSON. Ayon pa kay Kris ginagawa naman niya ang lahat para maging isang mabuting kapatid at mabuting tao.
"Sabi ko kay Ate, 'Napatunayan ko naman sa inyong lahat gagawin ko para sa pamilyang ito.' Kapag sinasabihan n'yo ako, 'Kris be humble. Para matapos na mag-sorry ka na.' Kahit nung time na alam ko naman po na wala akong ginawang masama, ginawa ko nag-sorry ako. Ginawa ko yun para sa pamilya ko. Dahil nga ang pamilya ko ang sinisira," umiiyak na sabi ni Kris.
Patuloy niya, "Hindi ko in-involve si Noy sa desisyon na ito because Noy is not part of this show. Hindi artista si Noynoy. Ginagalang ko ang pagka-presidente, Boy, dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at ng nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko na sa pinagdaanan ko this week kung ano yung sakripisyo ng pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lahat ito, e. Pero masakit na.
"Masakit po sa akin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko. E, nagbago naman po ako, e. Every day I try to be the daughter that my mom deserves. Sana po nararamdaman n'yo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam n'yo kung gaano kahirap. How much I just miss my mom. Kasi kung nandito ang mom, hindi ganito.
"So, my sisters told me, 'Kris, konting tiis na lang. Dalawang buwan na lang naman, e.' At sinabi ni Ate sa akin, 'Di ba, hindi ka quitter?' Sinabi ni Ate, 'Di ba, Krissy, naramdaman mo naman, e, nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo [para sa campaign sorties ni Noynoy]. Ano ang sinisigaw ng mga tao?' And I said, 'But Ate, of course, I can only take so much.'"
AQUINO SISTERS. Sa mga ganitong mahirap na sitwasyon daw nararamdaman ni Kris ang suporta at pagdamay ng kanyang mga kapatid.
"But Ate said, 'Don't cry. Kasi pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother. Dahil di ba ang prinamis ni Noy, alagaan niya tayo? So, you have to be strong for Noy.' So, they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, 'You go there and you pull your head, you pull your head up high. Because you know, we know that you're a good person. But Kris, at the end of the day pag hindi ka na sikat, pag wala nang nanonood sa iyo, sino ba ang tatakbuhan mo? Ang pamilya mo.' And then sinabi sa akin ng kapatid ko, 'We're here behind you.'"
May mga bilin pa raw sa kanya ang mga kapatid niya.
"Sinabi nila sa akin na, 'It's a lesson. You just really have to be so careful about everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga, Kris, na all eyes are on you. So, just try your best to stay strong.'
"So, ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng pinagdadaanan, sa lahat po ito talaga, this election that I never wished for. Sinabi ko, 'Thank you, Ate. Thank you, Ate, nila-love n'yo ako. Kasi hindi n'yo pinaparamdaman sa akin na pabigat ako sa inyo.'
"And I text Noy to say, 'Noy, win or lose, kung ano ang mangyari, please know that we tried our very best. And I'm not gonna disappoint you anymore. And I'm not gonna give them reasons to criticize you,'" umiiyak pa ring kuwento ni Kris.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
484 mikodennis
483 redsand
482 bekok
si noynoy walang nagawa sa congress at lalong walang nagawa sa sanado.
sa presidency pa kaya? i doubt it.
481 bekok
kawawa talaga ang pinas kapag nanalo kapatid ng babaeng ito.
480 ahypher
Kung ganito kabalat-sibuyas si Kris and Noynoy, they should leave politics and showbiz. Di ba nga If you can't stand the heat, get out of the kitchen.
Unfortunately for Noynoy wala talaga maibabato sa kanya kasi wala nmn talaga sya isyu except na wala sya maipakita accomplishment as a politician, as a legislator and as a public serveant and even on a personal level. Ay wait meron nga pala, Noynoy gives Kris and James advice everytime mag-aaway sila. That is the only qualification he can present to the people and wala makatutol kasi mismo un couple nagsasabi nito. Pero how successful is he in doing that role.
479 maria45
478 tangerine_dream114
477 butching
remember that you are indeed in the public's eye more often than the rest of your family. whatever you do in front of the camera, with malice or not, it is magnified and can be interpreted in so many ways.
if you agree with someone or something amuses you, your face lights up in a second. when you see something that doesn't interest you, you look the other way or check your dress or put on that stoic face, which makes me cringe, because i get frighten
476 prettyasian
i agree with u, if i will write a comment.. ganito din cguro
475 jianne
474 paginas2000
473 agi07
Ruffa maarte ka, pati ba naman JL, he he he. Tumigil ka nga, ako babalik na lang sa Brunei.
472 fashionnyc
471 babyruth
470 babyruth
469 realitybites007
468 piaalonso
467 californiastar5
Di ba kayong nasa Pinas din. Sus! Sige mag Bilyar Villarkayo o kung sino man dyanng kandidato na WALA rin namang nagawa sa Pinas.
466 orangejuice
Kris is 39 y.o with a husband and 2 kids...she is not kindergarten, she has her own mind, she should not always hide behind the good name of the Aquinos and invoke the names of her elder sisters evrytime her foot is caught in inside her mouth.
She is her own person, as what she claims...if she wants to apologize for her mistakes do it on her own with SINCERITY and NOT because -ate- says so.
Nakakasuka na talaga...parang gusto ata nya si Ate pa ang humarap sa tao dahil sa pagka-bratty niya.
Pero habang binabara nya ang mga tao, sinisipat nya ang mga tao mula ulo hanggang paa ,nagiging tactless sya at pinagyayabang ang mga talent fee nya sa TV and all her vanities...hindi man lang sya mahiya sa kasimplehan ng pamilya nya at sa pangalan ng Aquino na inalagaan ng mga magulang at kapatid nya.
At ngayon, umiyaak sya dahil nagiging kapulaan sya sa candidacy ni Noynoy.
Hindi ba obvious?
465 californiastar5
Noy for Prexy na kesa kay Villar na mas inubos ang kayamanan kesa itulong sa mga mahihirap na gingamit para manalo sa eleksyon.
more comments