news

Kris Aquino: "Kung ako na lang ang kasiraan ni Noy, sige gamitin n'yo po ako."

by Glen P. Sibonga posted on March 15, 2010  STATS: 132212 Views | 1384 Comments

 

"Hindi naman po ako ang tumatakbo. Sige na ho gamitin n'yo ako talaga kung gusto n'yong sirain si Noy. Kung ako na lang ang kasiraan ni Noy, sige gamitin n'yo po ako. Pero puwede kong ipagmalaki, mabuti po ang pamilya namin. Nagmamahalan po ang pamilya namin. At minamahal po namin ang bayan natin kaya po lahat ng ito pinagdadaanan namin," says Kris Aquino.

Photo By: Noel Orsal

Matapos maipalabas ang taped interview ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, March 14, pagkakataon namang magsalita ni Kris Aquino para ibuhos ang kanyang saloobin habang kasama sa set si Boy. (CLICK HERE to read related story.)

Sa una pa lang ay in-acknowledge na agad ni Kris ang flowers na ipinadala sa kanya ni Ruffa.

"I got flowers from Ruffa in my dressing room. I had a beautiful note from her. Ang main message ng note was sana peace. And now that's also what I wish for," bungad ni Kris.

 

Dito na nagsimulang maging emosyonal ni Kris.

"Aamin po ako sa inyo na on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae [Ballsy Cruz, Pinky Abelleda and Viel Cruz] and I was saying, 'I think I want to say goodbye.' Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga. And I said, 'This election, parang lahat ng kagalit ni Noy [Noynoy Aquino, only brother of Kris] kung may kailangang pintasan ako parati.

"Tapos sinabi ko kay Ate [Ballsy], 'Ate, parang mababaliw na ako.' Kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Lalabas ka at libu-libo naman yung taong nagsasabi ng 'I love you, Kris!' And I said, 'Should I leave The Buzz?' Tinanong ko kay Ate, kay Pinky at kay Viel. I didn't ask you, Boy, kasi this was a family decision. It's a decision na ibinigay ko sa tatlong kapatid kong babae. Kasi sinabi ko, people always say na I'm a brat. But I'm not a brat when it comes to my family," madamdaming pahayag ni Kris.

TRYING TO BE A GOOD PERSON. Ayon pa kay Kris ginagawa naman niya ang lahat para maging isang mabuting kapatid at mabuting tao.

"Sabi ko kay Ate, 'Napatunayan ko naman sa inyong lahat gagawin ko para sa pamilyang ito.' Kapag sinasabihan n'yo ako, 'Kris be humble. Para matapos na mag-sorry ka na.' Kahit nung time na alam ko naman po na wala akong ginawang masama, ginawa ko nag-sorry ako. Ginawa ko yun para sa pamilya ko. Dahil nga ang pamilya ko ang sinisira," umiiyak na sabi ni Kris.

Patuloy niya, "Hindi ko in-involve si Noy sa desisyon na ito because Noy is not part of this show. Hindi artista si Noynoy. Ginagalang ko ang pagka-presidente, Boy, dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at ng nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko na sa pinagdaanan ko this week kung ano yung sakripisyo ng pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lahat ito, e. Pero masakit na.

"Masakit po sa akin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko. E, nagbago naman po ako, e. Every day I try to be the daughter that my mom deserves. Sana po nararamdaman n'yo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam n'yo kung gaano kahirap. How much I just miss my mom. Kasi kung nandito ang mom, hindi ganito.

"So, my sisters told me, 'Kris, konting tiis na lang. Dalawang buwan na lang naman, e.' At sinabi ni Ate sa akin, 'Di ba, hindi ka quitter?' Sinabi ni Ate, 'Di ba, Krissy, naramdaman mo naman, e, nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo [para sa campaign sorties ni Noynoy]. Ano ang sinisigaw ng mga tao?' And I said, 'But Ate, of course, I can only take so much.'"

 

AQUINO SISTERS. Sa mga ganitong mahirap na sitwasyon daw nararamdaman ni Kris ang suporta at pagdamay ng kanyang mga kapatid.

"But Ate said, 'Don't cry. Kasi pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother. Dahil di ba ang prinamis ni Noy, alagaan niya tayo? So, you have to be strong for Noy.' So, they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, 'You go there and you pull your head, you pull your head up high. Because you know, we know that you're a good person. But Kris, at the end of the day pag hindi ka na sikat, pag wala nang nanonood sa iyo, sino ba ang tatakbuhan mo? Ang pamilya mo.' And then sinabi sa akin ng kapatid ko, 'We're here behind you.'"

May mga bilin pa raw sa kanya ang mga kapatid niya.

"Sinabi nila sa akin na, 'It's a lesson. You just really have to be so careful about everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga, Kris, na all eyes are on you. So, just try your best to stay strong.'

"So, ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng pinagdadaanan, sa lahat po ito talaga, this election that I never wished for. Sinabi ko, 'Thank you, Ate. Thank you, Ate, nila-love n'yo ako. Kasi hindi n'yo pinaparamdaman sa akin na pabigat ako sa inyo.'

"And I text Noy to say, 'Noy, win or lose, kung ano ang mangyari, please know that we tried our very best. And I'm not gonna disappoint you anymore. And I'm not gonna give them reasons to criticize you,'" umiiyak pa ring kuwento ni Kris.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1384 Comments

  • 464  paginas2000

    03/15/2010 | 07:20 PM
    karma lang yan kris kc maldita ka naman talaga lalo pat ayaw mo yong tao. like wat uve said aapiapihin mo ang maging gf/s ng anak mo. unless yong pagka ganyan mo ay hindi mo aalisin sa pagkatao mo marami ka talagang mababangga at ayaw sa iyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 463  jams_mom

    03/15/2010 | 07:19 PM
    hinding-hindi ko iboboto si noynoy sa simpleng dahilan na wala siyang nagawa at napatunayan sa buong buhay nya... ultimong yung papel niya bilang kuya kay kris, hindi niya mapandindigan dahil takot sya kay kris...

    at kris, ikaw ang kasiraan ng pamilyang Auino... wag mong lituhin ang isyu na sa iyo ibinubunton ang atake laban kay noynoy... ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong isyu!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 462  pathetic0inggit

    03/15/2010 | 07:17 PM
    Noynoy For president!

    please para masugpo ang korupsyon!

    Tama na sobra na palitan na!


    Noynoy pamilyang hindi magnanakaw!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 461  rvisc79

    03/15/2010 | 07:15 PM
    Noynoy pa rin Ako kahit anong mangyari...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 460  rvisc79

    03/15/2010 | 07:13 PM
    Noynoy pa rin Ako kahit anong mangyari...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 459  starqueen

    03/15/2010 | 07:13 PM
    nag_tatampisaw

    During the 80s millions lang ang pinag-uusapan - ngayon billions na ang nakawan. Grabe talaga.

    Indeed they must have b alls that are the size of Jupiter and their skin must be as thick as a carabao for them not to fear the wrath of God and for them not to feel the plight of our poor countrymen.

    His campaign should say - nasubukan niyo na bang lumangoy sa basura - kung hindi pa - umasa kayo at malapit na kay Money Villar!

    If this man wins, parang Godfather movie ang Pilipinas at puro pera pera lang ang magpapaikot ng mundo. Walang dignidad, walang respeto - pera at pera lang with the one and only Money Villar!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 458  commentatore_01

    03/15/2010 | 07:11 PM
    Dapat si Anabel Rama ang mahiya sa sarili nya. Walang modo at mal edukada ang nanay ni Rofa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 457  coteazur

    03/15/2010 | 07:11 PM
    mga kapatid n kris hindi ba nla nakita every sunday na yung kapatid nla ayy walang respeto sa bang tao,most especially yung baguhan artsta,hindi ba nla nakita yung pag bubully n kris kay ruffa evry sunday?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 456  orangejuice

    03/15/2010 | 07:10 PM
    NARCISSISM, Histrionics and Bipolarity are medical conditions that really exist. They are curable with proper psychiatrist's counselling and intervention.

    I agree with some people here, that she needs a psychiatrist.

    Proud and bratty as she is, Kris will really benefit from a professional medical help...
    and for the Aquino family, if you really care and love her, please do not tolerate her ways...

    God knows, what's the next thing this ME,MYSELF and I syndrome of Kris Aquino will do...she is SELF-DESTRUCTING
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 455  nag_tatampisaw

    03/15/2010 | 07:10 PM
    manny villarroyo VISION:

    Maligo sa dagat ng basura ang mga FILIPINO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 454  skyline1218

    03/15/2010 | 07:10 PM
    villar ads:naranasan niyo na ba maligo sa basura? kung hindi pa VOTE MANNY VILLAR po at sigurado po mararanasan niyo na ang maligo sa basura in 6 years....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 453  gossipmonger

    03/15/2010 | 07:10 PM
    please, si noynoy ang tumatakbong president, not kris. i don't really see the logic of connecting this issue to noynoy's candidacy. hindi naman siguro ganun ka stupid ang Pinoy voters. and di rin naman siguro ganun si noynoy para maging follower lang ng nakababatang kapatid tulad ng iniisip ng iba. use your head mga kapwa Pinoy.

    huwag nang palakihin ang isyung ito. tapos na nga sa dalawang kampo, yung publiko naman pinalalaki pa lalo. tsk tsk tsk...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 452  coteazur

    03/15/2010 | 07:08 PM
    hay kris baka naman pakikipag T l i K ,ayy ask mo decision ng siblings mo ,OA kana kris palagi mong ipagmumukha yung democracy na yan hndi lang parents mo no,marami ding responsable yan ,tahimk lang cla.kakapagud kana kris
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 451  paginas2000

    03/15/2010 | 07:07 PM
    between kris n ruffa ang layo ni ruffa ng milya2x. kay kris nalang ako hindi sinungaling. si ruffa kinacareer ang pagkasinungaling hindi lamang sya kundi pati na pamilya nila specially ang mama nilang si anabel na bungangera at palengkera. saan pa ba magmana si ruffa?

    NOYNOY FOR PRESIDENT.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 450  nag_tatampisaw

    03/15/2010 | 07:07 PM
    PhilEntPortal
    March 15, 2010
    17:54 PM Pagnananlo si Villar this May 10. In 2016 asahan nyo no.1 na yan sa Richest man in the Phils.. harharhar....
    __

    mauungusan niya sina:
    carlos slim
    bill gates

    kawawa na naman ang taong bayan.
    mararanasan na nating lahat maligo sa dagat ng basura..yan ang VISION ni manny villar sa mga filipino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 449  orangejuice

    03/15/2010 | 07:03 PM
    The only reason why I am considering noynoy for presidency is because I dont want Villar to win.sinong baliw na negosyante ang magpapakawala ng billiones na walang intensyong bawain ito

    But everytime I see Noynoy's little bratty sister in TV, nadidismaya ako.

    In her interview with Jessica Soho, Kris admitted that she ploarizes people.
    What she did not realizes is that as much as she is attracting people who -ADORED- her to vote for her brother, she is also turning away people who -LOATHE- her to vote for other presedentiables... in this election BOTH are equally important and she should not only look the better side.

    Every vote counts...particularly now that Noynoys rating is sliding down.

    The LIBERAL party should really look into this Kris issue
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 448  nag_tatampisaw

    03/15/2010 | 07:03 PM
    yung may ba--ls pala sa yo...yung mag-nanakaw at manloloko kagaya ng c5 crook.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 447  ShuttleEndeavor

    03/15/2010 | 06:59 PM
    Kris Aquino is the BIGGEST BullS in the history of Philippine Television

    You know what Kris, when you were crying, you look so ugly, pathetic and really full of BS...People can hardly sympathize with you that's why Noy's rating is going down...so you better shut up your mouth before it's too late

    The more you open your mouth, the more you ruin Noy's chances of winning

    Kris, you are the reason why kung bakit na BO BO BO ang Pilipino. You gave nothing to this country but shame, scandal, and intrigues.

    That's what you get for being a bratty and bully

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 446  kuletski

    03/15/2010 | 06:57 PM
    lahat ba talaga ng sasabihin at ipapayo ng kapatid mo Kris eh kailangan mo pa ibroadcast sa tv? Lahat naman halos ng pamilya nagdadamayan at nagmamahalan...yung ang ugaling Pilipino! haaaay drama to the max!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 445  abby382

    03/15/2010 | 06:55 PM
    kris was right when she said madali lang sana kung may pera sila. awayang kris vs. ruffa tapos nakisali si anabel telling the madlang people na wag iboto si noynoy. i must say ginawang issue ang pag inarte ni ruffa sa the buzz pra masiraan si noynoy, kaw ba nman ang bayaran ni villar ng MILLIONS. iba ang nagawa ng pera. nag sorry ba si anabel sa pinagsasabi nya? sumipot ba si ruffa sa last episode nya sa the buzz? both the mother and daughter are guilty.. mga mukhang pera. ang bilis ng pag sorry ni ruffa kay kris kasi buking na sila at mas maraming silang haters kesa sa fans..
    we should choose our president wisely d porket lumalangoy sa basura eh may magandang puso, sympre mas maraming pera sa palasyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About