Matapos maipalabas ang taped interview ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, March 14, pagkakataon namang magsalita ni Kris Aquino para ibuhos ang kanyang saloobin habang kasama sa set si Boy. (CLICK HERE to read related story.)
Sa una pa lang ay in-acknowledge na agad ni Kris ang flowers na ipinadala sa kanya ni Ruffa.
"I got flowers from Ruffa in my dressing room. I had a beautiful note from her. Ang main message ng note was sana peace. And now that's also what I wish for," bungad ni Kris.
Dito na nagsimulang maging emosyonal ni Kris.
"Aamin po ako sa inyo na on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae [Ballsy Cruz, Pinky Abelleda and Viel Cruz] and I was saying, 'I think I want to say goodbye.' Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga. And I said, 'This election, parang lahat ng kagalit ni Noy [Noynoy Aquino, only brother of Kris] kung may kailangang pintasan ako parati.
"Tapos sinabi ko kay Ate [Ballsy], 'Ate, parang mababaliw na ako.' Kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Lalabas ka at libu-libo naman yung taong nagsasabi ng 'I love you, Kris!' And I said, 'Should I leave The Buzz?' Tinanong ko kay Ate, kay Pinky at kay Viel. I didn't ask you, Boy, kasi this was a family decision. It's a decision na ibinigay ko sa tatlong kapatid kong babae. Kasi sinabi ko, people always say na I'm a brat. But I'm not a brat when it comes to my family," madamdaming pahayag ni Kris.
TRYING TO BE A GOOD PERSON. Ayon pa kay Kris ginagawa naman niya ang lahat para maging isang mabuting kapatid at mabuting tao.
"Sabi ko kay Ate, 'Napatunayan ko naman sa inyong lahat gagawin ko para sa pamilyang ito.' Kapag sinasabihan n'yo ako, 'Kris be humble. Para matapos na mag-sorry ka na.' Kahit nung time na alam ko naman po na wala akong ginawang masama, ginawa ko nag-sorry ako. Ginawa ko yun para sa pamilya ko. Dahil nga ang pamilya ko ang sinisira," umiiyak na sabi ni Kris.
Patuloy niya, "Hindi ko in-involve si Noy sa desisyon na ito because Noy is not part of this show. Hindi artista si Noynoy. Ginagalang ko ang pagka-presidente, Boy, dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at ng nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko na sa pinagdaanan ko this week kung ano yung sakripisyo ng pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lahat ito, e. Pero masakit na.
"Masakit po sa akin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko. E, nagbago naman po ako, e. Every day I try to be the daughter that my mom deserves. Sana po nararamdaman n'yo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam n'yo kung gaano kahirap. How much I just miss my mom. Kasi kung nandito ang mom, hindi ganito.
"So, my sisters told me, 'Kris, konting tiis na lang. Dalawang buwan na lang naman, e.' At sinabi ni Ate sa akin, 'Di ba, hindi ka quitter?' Sinabi ni Ate, 'Di ba, Krissy, naramdaman mo naman, e, nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo [para sa campaign sorties ni Noynoy]. Ano ang sinisigaw ng mga tao?' And I said, 'But Ate, of course, I can only take so much.'"
AQUINO SISTERS. Sa mga ganitong mahirap na sitwasyon daw nararamdaman ni Kris ang suporta at pagdamay ng kanyang mga kapatid.
"But Ate said, 'Don't cry. Kasi pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother. Dahil di ba ang prinamis ni Noy, alagaan niya tayo? So, you have to be strong for Noy.' So, they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, 'You go there and you pull your head, you pull your head up high. Because you know, we know that you're a good person. But Kris, at the end of the day pag hindi ka na sikat, pag wala nang nanonood sa iyo, sino ba ang tatakbuhan mo? Ang pamilya mo.' And then sinabi sa akin ng kapatid ko, 'We're here behind you.'"
May mga bilin pa raw sa kanya ang mga kapatid niya.
"Sinabi nila sa akin na, 'It's a lesson. You just really have to be so careful about everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga, Kris, na all eyes are on you. So, just try your best to stay strong.'
"So, ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng pinagdadaanan, sa lahat po ito talaga, this election that I never wished for. Sinabi ko, 'Thank you, Ate. Thank you, Ate, nila-love n'yo ako. Kasi hindi n'yo pinaparamdaman sa akin na pabigat ako sa inyo.'
"And I text Noy to say, 'Noy, win or lose, kung ano ang mangyari, please know that we tried our very best. And I'm not gonna disappoint you anymore. And I'm not gonna give them reasons to criticize you,'" umiiyak pa ring kuwento ni Kris.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
444 echuzerra
443 pinkhoney
442 bisayatagalog
441 182395
Team Gordon ako!!!!!
440 182395
filoz
March 15, 2010
17:54 PM as far as I can remember, kris is always humble sa mga naging pagkakamali niya. kahit anong sabihin ng iba... Team Kris ako from day one. Keep on entertaining us Kris, you always speaks your mind. kung ang pagsasabi ng totoo ay kabastusa.. then so be it. for goodness sake, 14 years ka ng ganyan bakit kailangan mong baguhin ang sarili mo? luv you Kris. We luv you for who you are and not what people want you to be.
...
I second the motion - go Team Kris!!!!
439 angel0507
438 Lani123
I'm not even going to try to sway anyone into voting for this or that person as I believe it is everyone's right to choose who they believe will represent their vote the best. However, it is also everyone's responsibility to gather all facts necessary before voting. We must not be swayed by what looks good now but what will be good for our country long term.
Lastly, the mere fact that Sen NoyNoy has not passed many laws during his term does not prove he is not capable of running the country wisely. What's the use of passing many laws if they proved to be useless, corrupt and self serving?
437 PhilEntPortal
DAMING NA-IINGGIT SAU KXE KABADO NA SI VILLAR DHIL LUMABAS KA NA PRA ICAMPAIGN SI NOYNOY AQUINO!!!
I WATCHED YOU IN KAPUSO MO JESSICA SOJO UR SO BRILLIANT!!!
436 06_nhon
435 06_nhon
434 angel1983
433 06_nhon
432 an2ni
at ang iyak nya ha! parang iyak nya sa teleserye nya! di ako nak sense ng sicerity at parang nangangampanya pa nga sya eh!
431 06_nhon
430 PhilEntPortal
429 archer42
428 PhilEntPortal
Naku... VillaRroyo magtigil ka! Maawa ka sa mga mahihirap na batang lagi mong ginagamit!!!
427 06_nhon
426 starqueen
Pero - having all the unknowns on the table, one thing we can be assured of - is that Noynoy will do something about the corruption that is crippling our nation's development.
We also know that he wont do anything to steal and destroy the good name of his parents.
At least man lang - sa 2 points na I mentioned- we can be assured of something di ba?
With the other candidates - can you guarantee the same? NOPE.
425 sands17
more comments