Matapos maipalabas ang taped interview ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, March 14, pagkakataon namang magsalita ni Kris Aquino para ibuhos ang kanyang saloobin habang kasama sa set si Boy. (CLICK HERE to read related story.)
Sa una pa lang ay in-acknowledge na agad ni Kris ang flowers na ipinadala sa kanya ni Ruffa.
"I got flowers from Ruffa in my dressing room. I had a beautiful note from her. Ang main message ng note was sana peace. And now that's also what I wish for," bungad ni Kris.
Dito na nagsimulang maging emosyonal ni Kris.
"Aamin po ako sa inyo na on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae [Ballsy Cruz, Pinky Abelleda and Viel Cruz] and I was saying, 'I think I want to say goodbye.' Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga. And I said, 'This election, parang lahat ng kagalit ni Noy [Noynoy Aquino, only brother of Kris] kung may kailangang pintasan ako parati.
"Tapos sinabi ko kay Ate [Ballsy], 'Ate, parang mababaliw na ako.' Kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Lalabas ka at libu-libo naman yung taong nagsasabi ng 'I love you, Kris!' And I said, 'Should I leave The Buzz?' Tinanong ko kay Ate, kay Pinky at kay Viel. I didn't ask you, Boy, kasi this was a family decision. It's a decision na ibinigay ko sa tatlong kapatid kong babae. Kasi sinabi ko, people always say na I'm a brat. But I'm not a brat when it comes to my family," madamdaming pahayag ni Kris.
TRYING TO BE A GOOD PERSON. Ayon pa kay Kris ginagawa naman niya ang lahat para maging isang mabuting kapatid at mabuting tao.
"Sabi ko kay Ate, 'Napatunayan ko naman sa inyong lahat gagawin ko para sa pamilyang ito.' Kapag sinasabihan n'yo ako, 'Kris be humble. Para matapos na mag-sorry ka na.' Kahit nung time na alam ko naman po na wala akong ginawang masama, ginawa ko nag-sorry ako. Ginawa ko yun para sa pamilya ko. Dahil nga ang pamilya ko ang sinisira," umiiyak na sabi ni Kris.
Patuloy niya, "Hindi ko in-involve si Noy sa desisyon na ito because Noy is not part of this show. Hindi artista si Noynoy. Ginagalang ko ang pagka-presidente, Boy, dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at ng nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko na sa pinagdaanan ko this week kung ano yung sakripisyo ng pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lahat ito, e. Pero masakit na.
"Masakit po sa akin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko. E, nagbago naman po ako, e. Every day I try to be the daughter that my mom deserves. Sana po nararamdaman n'yo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam n'yo kung gaano kahirap. How much I just miss my mom. Kasi kung nandito ang mom, hindi ganito.
"So, my sisters told me, 'Kris, konting tiis na lang. Dalawang buwan na lang naman, e.' At sinabi ni Ate sa akin, 'Di ba, hindi ka quitter?' Sinabi ni Ate, 'Di ba, Krissy, naramdaman mo naman, e, nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo [para sa campaign sorties ni Noynoy]. Ano ang sinisigaw ng mga tao?' And I said, 'But Ate, of course, I can only take so much.'"
AQUINO SISTERS. Sa mga ganitong mahirap na sitwasyon daw nararamdaman ni Kris ang suporta at pagdamay ng kanyang mga kapatid.
"But Ate said, 'Don't cry. Kasi pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother. Dahil di ba ang prinamis ni Noy, alagaan niya tayo? So, you have to be strong for Noy.' So, they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, 'You go there and you pull your head, you pull your head up high. Because you know, we know that you're a good person. But Kris, at the end of the day pag hindi ka na sikat, pag wala nang nanonood sa iyo, sino ba ang tatakbuhan mo? Ang pamilya mo.' And then sinabi sa akin ng kapatid ko, 'We're here behind you.'"
May mga bilin pa raw sa kanya ang mga kapatid niya.
"Sinabi nila sa akin na, 'It's a lesson. You just really have to be so careful about everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga, Kris, na all eyes are on you. So, just try your best to stay strong.'
"So, ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng pinagdadaanan, sa lahat po ito talaga, this election that I never wished for. Sinabi ko, 'Thank you, Ate. Thank you, Ate, nila-love n'yo ako. Kasi hindi n'yo pinaparamdaman sa akin na pabigat ako sa inyo.'
"And I text Noy to say, 'Noy, win or lose, kung ano ang mangyari, please know that we tried our very best. And I'm not gonna disappoint you anymore. And I'm not gonna give them reasons to criticize you,'" umiiyak pa ring kuwento ni Kris.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
124 chismosang_totoo
123 nokian95
Tama ung iba rito.ngtago sa anino ng magulang pra to gain advantages at symphathy.FOR YOUR INFORMATION kris aquino.ang Kapatid Mo ang pinaka unprofesional na Tumakbong Presidente.ang lakas manira ng kandidato at daming kaek ekan sa pangampanya..parang lasing sumagot kapatid mo.yeah tama.kasiraan ka rin para sa kapatid mo.gamitin mo nlng ung pang best actress mo na iyak last sunday sa Soap mo.kc para kang ewan duon eh.
122 Darlings
121 angelforeverako
120 Darlings
Promotion of Bruneiyukis sa Brunei!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!Bwahahahahahhaahah
119 chichi777
Kung ang tao pala na marunong mag-English at mag-explain eh retardate, eh lahat pala ng tao eh retardate, eh kasama ka na doon kasi sabi mo nasa NY ka eh diba nag-English ka rin so retardate ka pala. Toink....
118 moamoa
international hosting? where? never even seen her even in the cheesiest cable channel here in the US. the first time i saw her on the buzz, the first thing that came to mind was the mmff scam...yeah, that was international, allright... make sure that she notes that on her resume in all caps. and don't forget to spell bigamist R-U-F-F-A.
117 bataanmatamit
Di sya gumaya kay Gibo, action man. Hindi masatsat at walang binabatong presidentiable.
Ikaw Kris, kumita na yang dramatic epek na yan. Gamit na gamit mo ang the Buzz sa kandidatura ng kapatid mo.
116 gferna
hotnsexier
March 15, 2010
13:08 PM RUFFA =INTERNATIONAL
KRIS= LOCAL
RUFFA WAG BABABA SA LEVEL NI KRIS.
You only have to ask how much each of these girls get in talent fees. Ruffa, pang international?! She's not a college graduate and she has Anabelle Rama for a mother. For God's sakes, wake up!
115 ako_ito_eh_bakit_ba
down to earth ang mga aquino wala akong masabi sa kanila pinalaki sila ng maayos ng mga magulang nila at dun ako saludo sa aquino ikaw na nga nagsabi si kris ay may pinapaaral pati ang dating presidente ng pilipinas may mga nagtapos at pinapaaral sabi mo nga isa sa propaganda yan ni noy which is maganda at nakakatulong...the big question is si kris ba ang tumakbo? bakit di ba kaya ni noynoy gumawa ng sariling propaganda yung sa kanya mismo galing kelangan pa laging nasa likod ang mga kapatid..... ang pag papaaral ng isang mahirap di lang sila gumagawa niyan yung ibang celebrities kayang gawin niyan ang kailangan natin pagbabago or CHANGE..proven na ba si noynoy? sabagay basta daw mabait ang pamilya makadiyos maawain sige iboboto natin syempre naman bakit hindi pero we need change sa pilipinas di lang ang pagpapaaral....
114 hotnsexier
san na ung evidence mo na pro noy lahat dito sa north america? ang retarded po ay si KRIS AQUINO, tignan mo ung pag iyak nya kahapon, dba? uy agree sya
113 windchime
112 puckerlips143
111 chichi777
Oh paano mo nasabing nobody in New York likes Kris bakit nag-conduct ka ba ng survey? eh taga doon po mga relatives ko eh lahat sila gusto si Kris. Eh sinungaling ka rin kagaya ng Idol mong sinungaling. Pero majority maraming galit sa Gutierrez family.
110 bataanmatamit
Di sya gumaya kay Gibo, action man. Hindi masatsat at walang binabatong presidentiable.
Ikaw Kris, kumita na yang dramatic epek na yan. Gamit na gamit mo ang the Buzz sa kandidatura ng kapatid mo.
109 gretta
108 moviefandin
107 kardashians
Filipinos here in Amerika love Kris and the Aquinos. They love Kris Aquino because she's a great brilliant tv host.They also have so much gratitude and respect for what her family has sacrificed and done for our country.
Yung pamilya ni Ruffa---TRASH ang tingin ng mga pinoys sa kanila. Hindi respetado whatsoever.
106 florietess
105 ranz1227
more comments