"Hindi naman po ako ang tumatakbo. Sige na ho gamitin n'yo ako talaga kung gusto n'yong sirain si Noy. Kung ako na lang ang kasiraan ni Noy, sige gamitin n'yo po ako. Pero puwede kong ipagmalaki, mabuti po ang pamilya namin. Nagmamahalan po ang pamilya namin. At minamahal po namin ang bayan natin kaya po lahat ng ito pinagdadaanan namin," says Kris Aquino.

Photo: Noel Orsal

Matapos maipalabas ang taped interview ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz kahapon, March 14, pagkakataon namang magsalita ni Kris Aquino para ibuhos ang kanyang saloobin habang kasama sa set si Boy. (CLICK HERE to read related story.)

Sa una pa lang ay in-acknowledge na agad ni Kris ang flowers na ipinadala sa kanya ni Ruffa.

"I got flowers from Ruffa in my dressing room. I had a beautiful note from her. Ang main message ng note was sana peace. And now that's also what I wish for," bungad ni Kris.

 

Dito na nagsimulang maging emosyonal ni Kris.

"Aamin po ako sa inyo na on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae [Ballsy Cruz, Pinky Abelleda and Viel Cruz] and I was saying, 'I think I want to say goodbye.' Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga. And I said, 'This election, parang lahat ng kagalit ni Noy [Noynoy Aquino, only brother of Kris] kung may kailangang pintasan ako parati.

"Tapos sinabi ko kay Ate [Ballsy], 'Ate, parang mababaliw na ako.' Kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinakawalanghiyang tao sa mundo. Lalabas ka at libu-libo naman yung taong nagsasabi ng 'I love you, Kris!' And I said, 'Should I leave The Buzz?' Tinanong ko kay Ate, kay Pinky at kay Viel. I didn't ask you, Boy, kasi this was a family decision. It's a decision na ibinigay ko sa tatlong kapatid kong babae. Kasi sinabi ko, people always say na I'm a brat. But I'm not a brat when it comes to my family," madamdaming pahayag ni Kris.

TRYING TO BE A GOOD PERSON. Ayon pa kay Kris ginagawa naman niya ang lahat para maging isang mabuting kapatid at mabuting tao.

"Sabi ko kay Ate, 'Napatunayan ko naman sa inyong lahat gagawin ko para sa pamilyang ito.' Kapag sinasabihan n'yo ako, 'Kris be humble. Para matapos na mag-sorry ka na.' Kahit nung time na alam ko naman po na wala akong ginawang masama, ginawa ko nag-sorry ako. Ginawa ko yun para sa pamilya ko. Dahil nga ang pamilya ko ang sinisira," umiiyak na sabi ni Kris.

Patuloy niya, "Hindi ko in-involve si Noy sa desisyon na ito because Noy is not part of this show. Hindi artista si Noynoy. Ginagalang ko ang pagka-presidente, Boy, dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at ng nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko na sa pinagdaanan ko this week kung ano yung sakripisyo ng pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lahat ito, e. Pero masakit na.

"Masakit po sa akin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko. E, nagbago naman po ako, e. Every day I try to be the daughter that my mom deserves. Sana po nararamdaman n'yo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam n'yo kung gaano kahirap. How much I just miss my mom. Kasi kung nandito ang mom, hindi ganito.

"So, my sisters told me, 'Kris, konting tiis na lang. Dalawang buwan na lang naman, e.' At sinabi ni Ate sa akin, 'Di ba, hindi ka quitter?' Sinabi ni Ate, 'Di ba, Krissy, naramdaman mo naman, e, nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo [para sa campaign sorties ni Noynoy]. Ano ang sinisigaw ng mga tao?' And I said, 'But Ate, of course, I can only take so much.'"

 

AQUINO SISTERS. Sa mga ganitong mahirap na sitwasyon daw nararamdaman ni Kris ang suporta at pagdamay ng kanyang mga kapatid.

"But Ate said, 'Don't cry. Kasi pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother. Dahil di ba ang prinamis ni Noy, alagaan niya tayo? So, you have to be strong for Noy.' So, they told me, sinabi ng tatlong kapatid ko, 'You go there and you pull your head, you pull your head up high. Because you know, we know that you're a good person. But Kris, at the end of the day pag hindi ka na sikat, pag wala nang nanonood sa iyo, sino ba ang tatakbuhan mo? Ang pamilya mo.' And then sinabi sa akin ng kapatid ko, 'We're here behind you.'"

May mga bilin pa raw sa kanya ang mga kapatid niya.

"Sinabi nila sa akin na, 'It's a lesson. You just really have to be so careful about everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga, Kris, na all eyes are on you. So, just try your best to stay strong.'

"So, ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng pinagdadaanan, sa lahat po ito talaga, this election that I never wished for. Sinabi ko, 'Thank you, Ate. Thank you, Ate, nila-love n'yo ako. Kasi hindi n'yo pinaparamdaman sa akin na pabigat ako sa inyo.'

"And I text Noy to say, 'Noy, win or lose, kung ano ang mangyari, please know that we tried our very best. And I'm not gonna disappoint you anymore. And I'm not gonna give them reasons to criticize you,'" umiiyak pa ring kuwento ni Kris.