Sunud-sunod ang contract signing na isinasagawa ngayon sa bakuran ng GMA-7.
Bukod sa mga dati nang talents ng Kapuso network na nag-renew ng kanilang mga kontrata, may ilan din namang mga bagong Kapuso. Isa na nga rito ang singer-actor na si Mark Bautista.
Pumirma ng three-year guaranteed contract si Mark sa GMA-7 last Thursday, March 11. Kasama niyang pumirma ang manager niya na si Veronique del Rosario ng Viva Artist Agency.
Ayon kay Mark, hindi naman talaga siya lumipat mula sa ABS-CBN, kung saan napapanood siya sa musical-variety show na ASAP, kundi nagbabalik lamang siya sa GMA-7.
"Hindi naman 'to talaga 'to na parang lumipat. Pero bumalik lang ako kasi actually, dito nga ako nag-start," sabi niya.
Matatandaang bago naging Kapamilya si Mark ay lumabas sila noon ni Sarah Geronimo sa SOP pagkatapos ng Star For A Night, ang singing contest ng Viva hosted by Regine Velasquez na ipinalabas sa IBC-13.
Dagdag ni Mark, hindi rin daw siya nahirapang magdesisyon na bumalik sa GMA-7.
Tatlo agad ang shows na gagawin ni Mark sa Kapuso network. Una rito ang Sunday musical-variety show na Party Pilipinas, na kapalit ng SOP at makakatapat ng dati niyang programa sa ABS-CBN na ASAP.
STARTALK HOSTS. Last Friday naman, March 13, ay nag-renew ng kanilang mga kontrata ang mga host ng Startalk na sina Joey de Leon, Butch Francisco, Ricky Lo, at Lolit Solis.
Ang iba pang Kapuso stars na pumirma ng kontrata last week ay sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Katrina Halili, Lovi Poe, Kyla, Jay-R, TJ Trinidad, Raymond Gutierrez, Ehra Madrigal, Ynna Asistio, Bubbles Paraiso, at ang StarStruck V winners and avengers.






ranz1227
ayun sa latest ng scoopbox, dinenay ng manager ni tuesday ang balita. nag sign daw ng exclusive contract ang kanyang alaga sa GMA
alam mo sa totoo lang kakabanas na rin tong mga ganitong tsikahan. tipong sinasamantala lang ata ng mga artista tong piratahan churvah para mapag usapan at mabigyan ng kontrata at increase ng talent fee
tingnan mo to si katrina. halos di na pansinin ng GMA pero inileak ng kampo nya na may offer ang TV5, eh di taranta ngayon ang GMA at ayun binigyan agad ng kontrata
feeling ko mukhang takot na takot ang GMA maubusan ng taartits kahit ata yung bantay sa canteen pag pipiratahin na ooperan din nila ng kontrata.
Mam Wilma, andami nyo pong artistang may K na pwedeng ipalit sa isang katrina halili or kung sino pa man dian. di nga kayo naapektohan sa paglipat ni Angel yan pa kayang mga starlet nyo diang negang nega naman
.
ABS din gusto gamitin ni mo para mag ingay? Oh wel n0 w0ndEr, kung gagamit ka kasi dapat yung sikat at kilala talaga like kris. Di bA ropa at anaBil.?
Kung kay Kris Aquino nanggaling ang tweet na iyan ni DJ MO, asahan mong naka-headline iyan sa PEP.
Kaya asahan na lang na iyong show sa TV5 walang papansin. Nagpapansin na rin nga iyong isang second world princess, kaya turn naman ni DJ Mo. Kaso hindi ginamit ni DJ Mo ang isang tulad ni Kris kaya ayan, walang dating.
Mamaya lang, eeksena na rin si Cristy Vermin.
ranz1227
di bale, pag nabasa yan ni manilaphils, sasabihin nya 'eh ano, sa laki ng utang ng ABS, dapat lang mas magara ang studio nyo ano!'
hahaha
ranz1227
well baka kase siguro totoo hehehe
-
djmotwister: I rarely go to GMA amp; ABSCBN on the sameday, but I did today and it's in these moments you realize how far superior ABSCBN studios are.