ELECTION WATCH: Actor Tirso Cruz III throws his support behind  the Estradas

William R. Reyes
Tuesday, March 16, 2010 @ 03:56PM  |  47 views

 

"Sabi nga nila, in our society, there's always the silent majority. And, of couse, there's a certain percentage na, I believe, there are some people who are basically undecided. And it's about more than one and a half months of campaigning. So, depende na lang siguro sa kanila. Kung sino ang magiging very clear yung definition niya, at yung magiging cause for wanting the position," says Tirso Cruz III.

Photo By: Noel Orsal













Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang isa sa magiging highlight ng pelikulang Sigwa kung saan naganap ang isang matinding confronation scene among its major characters.

Nag-focus kami sa tauhang ginagampanan ni Tirso Cruz III, bilang si Oliver, na naging traydor sa kanyang mga kasamahan upang makamit ang isang mataas na puwesto sa gobyerno.

Sa kinunang eksena, may panunumbat at sampal na natamo si Pip mula kay Zsa Zsa Padilla, bilang si Cita, isang kasamang aktibista noong panahon ng Martial Law (early '70s) na nagdusa sa piitan sa loob ng maraming taon sanhi ng pagkakasuplong ni Oliver (Pip's character, ginampanan ni Marvin Agustin sa umpisa ng kuwento). 

Early in the story, ang character ni Cita ay ginampanan ni Pauleen Luna.  Ang kay Dawn Zulueta naman, bilang Dolly, ay ginampanan ni Megan Young. Si Dolly ay isang balikbayan na siyang punto-de-vista ng kuwento ng pelikula.

Sa shooting ng pelikula sa isang funeral parlor, sa eksenang burol ng kanilang college professor (played by veteran character Tony Mabesa), nagtagpo ang dating magkakasamang aktibista at naganap ang matinding kumprontasyon. Kasama rin sa eksena si Jim Pebanco, bilang Rading, na ang younger character ay ginampanan ng aktor na si Jay Aquitania.

Matapos ang mahigit na tatlong dekada, ang mga tauhang ginampanan nina Pip, Zsa Zsa, Dawn, at Jim ay nananatili sa kani-kanilang mga ipinaglalabang prinsipyo para sa bayan, kundi man ang kakulangan o kawalan nito.

Matapos kunan ang partikular na eksenang ikinalugod ni Direk Joel Lamagan, tinanong ng PEP si Pip kung ano ba ang mga pagkakatulad at kaibahan ng ginagampanan niyang papel ngayon sa Sigwa

"When you think about it... Yes, yung pagiging traitor, I've done that before, pero in a different context," sabi niya.

Matatandaang naging barumbado't traydor na kapatid din si Tirso sa Kahit Buhay Ko (bida si Rudy Fernandez). So effective was his performance in that film that he merited a Gawad Urian Best Supporting Actor in 1992.

"Oo, tarantado ako do'n," pag-sang-ayon pa ni Pip. "Pero in the context that is something political at saka factual. Most of it is factual, yung nangyayari talaga."

Ikinaka-inspire ni Pip ngayon ang pagganap sa naiibang role niya sa Sigwa. Aniya, "Gina-guide naman ako nina Direk Joel, 'tsaka nung writer, si Boni [Ilagan]."

Ang Sigwa ay finalist sa Cinemalaya 2010 Open Category.

FOR JINGGOY AND ERAP. Nabanggit na rin lang ni Pip ang tungkol sa kontekstong pulitikal ng kanyang character sa Sigwa, sumunod na itinanong naman namin ang kasalukuyan niyang partisipasyon sa kandidatura ng mga kaibigang reelectionists, tulad ng mag-amang dating Presidente Joseph "Erap" Estrada at Senator Jinggoy Estrada.

With much enthusiasm, naglahad si Pip ng kanyang matapat na saloobin hinggil sa mga sinusuportahang kandidato sa May 2010 national elections.

"I joined them for about...a number of motorcades and a couple of rallies," sabi ni Pip. "Senator Jinggoy proves himself worthy to be reelected. He's a working senator talaga."

1  2  3  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name