"Well, friendship muna," sabi ni Jolo. "Wala muna akong liligawan. Focus muna ako sa career at sa pagkakandidato ni Papa. And I think, I should focus now with myself and my career. Matagal ko nang napagkaligtaan 'to. Siguro, yun naman ang kailangan kong bigyan ng pansin."
Dagdag niya, "Kumbaga, ginagawa ko lang naman kung ano dapat na treatment ng isang leading man sa kanyang leading lady. Pero wala muna tayong panahon sa mga ligaw-ligaw."
Posible kayang ang pagkaka-link naman ni Melissa kay Jake Cuenca ang reason kaya parang apprehensive pa siyang ligawan ang dalaga?
"Kung sakali man ako, magkaibigan naman kami ni Jake. Bakit naman niya ako pipigilan kung liligawan pa lang naman? Tayo naman, e, hindi pa naman tayo sumusuko kung sakali man na tayo, e, manliligaw. Pero sa ngayon talaga, friendship lang at nandito ako para sa kanya bilang kaibigan. At sana makatrabaho ko siya ulit," sabi ni Jolo.
Mas masaya ba ang maging single?
"Mas masaya? Oo," nakangiti niyang sabi.
Walang problema?
"Ayoko namang sabihin na walang problema, pero iba, e. I have more time to contribute for myself and my family. And of course, to do what I want to do."
Grabe raw kasi siyang ma-in love?
"Yun nga, e. Kailangan siguro, hindi na puwedeng 100 percent magmahal. Kailangan siguro magtitira ka kahit na konti, kahit na 20 percent sa sarili mo. Siguro yun lang ang pagkakamali ko. Pero ngayon, 100 percent sarili ko muna!" natatawa niyang sabi.
PROUD DADDY. Very proud naman si Jolo bilang ama kay Gab, ang anak niya sa ex-girlfriend niyang si Grace Adriano.
"Malaki na siya at may graduation na siya sa Friday. Kinder siya ngayon at magdyu-junior prep siya sa La Salle," excited na kuwento ni Jolo.
Okey na ba sila ng ina ni Grace na si Rosanna Roces?
"Si Tita Osang? Well, basta pinapahiram ko sa kanya si Gab. Basta magpaalam siya kay Grace. Yun naman ang ano namin. Basta everything is okay. Okay kami ni Grace and, actually, binati rin ako ni Grace. Nagkausap kami. Halos every weekend nandun si Gab kay Grace," kuwento ni Jolo.






Walang awa pa na minura nya. Ang sagot ng pobreng empleyado,: lahat po talaga SOP except for Pres Arroyo, ayon natanggal!
PLEASE VOTE WISELY! Sa ibang bansa pagka nagextramarital affair ka at politician ka, talagang ini expose hanggang matanggal. bat kaya ito si revilla, wala namang brain, apog lang at kapit ang laban nananalo?
can't believe na madami taong gusto bumoto sa kanya..wala naman syang nagagawa sa pilipinas!
sobrang natawa ko sa comment mo! to add on this..ambisyoso pa..sa politics!