Si Annabelle Rama mismo ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isinampa ni Lorayne Pardo laban sa kanyang anak na si Richard Gutierrez. (CLICK HERE to read related story.)
Nalaman ng PEP ang balita nang dumating kaninang hapon, March 17, si Annabelle sa presscon ng Nokia para kay Ruffa Gutierrez sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel.
Ayon kay Annabelle, ang legal counsel ni Richard ang nagparating sa kanya ng balita.
Tuwang-tuwa si Annabelle sa naging desisyon ng DOJ at halos hindi raw nakapagsalita si Richard nang tawagan niya sa telepono.
Mababa ang boses ni Annabelle nang sabihin nito na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil isa-isa nang nasasagot ang kanyang mga dasal—ang pagkakasundo ng PEP at ng kanyang pamilya, ang pagkakaloob ng korte kay Ruffa ng sole custody ng dalawang anak nito, at ang pag-dismiss ng DOJ sa kaso ni Lorayne laban kay Richard.
Mismong si outgoing DOJ Secretary Agnes Devanadera ang pumirma sa five-page resolution na nagpapawalang-sala kay Richard.
Isinumite ni Secretary Devanadera noong February 24, 2010 ang kanyang resignation bilang miyembro ng kabinete ni President Gloria Macapagal-Arroyo alinsunod sa ruling ng Supreme Court na ang lahat ng appointed officials na nag-file ng certificates of candidacy para sa May 10, 2010 elections ay dapat magbitiw sa kanilang mga puwesto. Si Solicitor General Alberto Agra ang papalit sa puwesto ni Devanadera.
Tumatakbong congresswoman si Devanadera sa lalawigan ng Quezon ngayong eleksiyon.






homemaker
sakto! wag lang syang magkamaling kunin ang mga gutierrez na endorsers talaga namang sobrang kapal na ng mukha
Lantarang pambabastos talaga ng karapatan ng tao.
As I have said a million times here in PEP - always remember life is like a wheel and karma has no expiration date.
No one gets away with everything and when that day comes - try and recall all the posts and comments here in order for you to realize that indeed the payback day has arrived.
Kawawa talaga ang pamilya Pardo - because they have no money and limited connections - hayun pro bono ang lawyer.They were fighting this case based on its merits and based on the truth. In an ideal world, there should not have been any surprises. Kaya lang hindi patas ang laban and as we all know - money talks and can move mountains. The matriarch of this family knows how to collect her utang na loob and ex deals - and all I can say - she did very well for buying her son's liberty. Kahit ano pang sabihin niyo - in any case - I have not heard of anyone or any department suddenly stepping in and proclaiming themselves as God when there is an appointed court to deal with it.Lantarang pambabastos ng karapatan ng
mukhang mas mabilis pa umaksyon ang DOJ kesa Lomotil ah...tindi!!!
kami nga bago na-arraign yung kalaban namin e inabot ng almost 2 years tapos eto walang kaabog abog may desisyon agad?
tapos tatakbo si devanadera at pinirmahan nya bago pa sya nag-resign? hay naku umaalingasaw ang langsa!
mukhang mahina ang lawyer ni mrs pardo.
hearsay daw yung mga sinabi sa petition ni Lorayne, yun bang picture na total wreck ang car ni Richard hearsay ba tawag dun? kailangan ba ekperto ka sa kotse para masabi mo na mabilis yung sasakyan kaya na total wreck?
at saka kung responsable kang driver maingat at dagdag na ingat pag me pasahero ka. kahit di mo alam na madaming nang na aksidente sa lugar na yon, nakikita mo na madilim dahil walang ilaw ang mga poste so dapat nag menor.
baka nga naman ibang partido na ang manalo siempre co-terminus yang mga hari harian dian sa DOJ sa term ni ate glo. after election baka wa na silang powers kaya lubos lubosin na.
bataanmatamit
i don't care kung star for all seasons pa ngayon. ano pinapakonsensya mo kami? mga gutierrez ang patamaan mo, sila ang nakapatay ng tao na hindi man lang nabigyan ng hustiya dahil idinaan sa impluwensya ng mga galamay nila
di kita kilala personally but I can feel the pain of losing someone and being a victim of social injustice....just be strong...you and your children will be in my prayers...God is watching over us from a distance..may makaligtas man sa batas ng tao....walang makakalgtas sa batas ng Dios...just be strong para sa kinabukasan ng mga anak mo....mahirap kasi talaga ang maging mahirap:-