news

Aiza Seguerra's suggestion to NHI on singing the National Anthem: "Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta."

by Roldan Castro posted on March 19, 2010  STATS: 33755 Views | 232 Comments

 

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already," says Aiza Seguerra.

Photo By: Noel Orsal

Nag-react ang singer na si Aiza Seguerra sa reklamo ng National Historical Institute (NHI) sa lead singer ng Journey na si Arnel Pineda dahil sa mali raw nitong pagkanta ng ating Pambansang Awit na "Lupang Hinirang" sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Joshua Clottey. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya nang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aiza kung gusto rin niyang kumanta ng National Anthem sa laban ni Pacman, ito ang sagot niya: "Sobrang dami ng kritiko. Parang ayaw ko na.

Paliwanag niya, "Hindi sa ano, siyempre gusto ko, gusto kong i-honor ang country ko. I'd be very, very proud. Pero if after nun, puro criticisms lang ang maririnig ko dahil hindi nagustuhan ng isang institution ang pagkakanta ko, parang what's the point?"

Nakausap ng PEP si Aiza sa presscon ng concert na Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris, na gaganapin sa April 16 sa Skydome ng SM North Edsa.

Natatakot na ba siyang kumanta ng Pambansang Awit?

"Hindi naman natatakot, pero masyado lang naki-criticize, e," sagot ng acoustic singer. "Ang sa akin, meron pala kayong paraan ng tamang pagkanta, might as well...kayo na lang ang kumanta.

"Alam ko na mahalaga siya sa atin, pero ang singer kasi may sariling interpretasyon sa song. Let's say National Anthem natin yun, kumbaga, I think ginagawa na namang isyu kay Arnel, di ba? I think kinanta naman niya sa ayos. Sa dulo daw parang binirit. But I think normal kasi gusto mong ibirit kasi gusto mong... Di ba, pag kinanta mo yun—'Ang mamatay ng dahil sa iyo'— mainit yung crowd sa paligid mo. Bakit hindi mo pa ibigay, hindi ba?

"Kasi, para wala nang mga issues na ganyan, yung NHI, magpa-audition sila ng kakanta, sila na lang. Kasi sabi ko nga, I think the only reason kung bakit naibirit ni Arnel yun sa bandang dulo, kasi emotions yun, e. Kasi kapag kumakanta kang ganyan, tapos nagsisigawan yung crowd sa paligid mo, emotions are running high niyan, e.

"Kaya nga, sabi ko nga," patuloy niya, "kung gusto n'yo ng mga taong sunud-sunuran lang sa gusto n'yo, kayo ang mag-provide ng singers. Kasi sa akin, kahit kaninong version, as long as you do your best, as long as you give your heart sa ginagawa mo, there's nothing wrong with that, and I think Arnel gave out his heart.

"I think lahat ng singers na kumakanta ng National Anthem natin ay gustong ibigay ang lahat ng puwede nilang ibigay. Naki-criticize sila because they want to give everything... Nagiging unfair, alam mo yun? Huwag namang i-criticize ang isang tao dahil gusto niyang ibigay yung best niya.

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already.

"Ano yung every Pacquiao fight, expect mo...si Pacman ang mananalo tapos iki-criticize yung pagkanta ng National Anthem. Parang old news na 'yan. Tama na! Bakit sa American Anthem, nakakanta nila how they feel it? Kasi National Anthem ito ng bawat tao, e. Kasi ito yung gusto ko, e. Eto ang nararamdaman ko, e... 'Ang mamatay ng dahil sa iyo?' Paano mo maibibigay yun na pababa ang nota mo? Gusto mo itaas, di ba?" mahabang paliwanag ni Aiza.

Dagdag pa ni Aiza, mahirap talagang sundin ang exact tempo ng "Lupang Hinirang" lalo na kapag walang minus one o bandang accompaniment.

"Ang hirap nun kung kakantahin mo lang siyang mag-isa. Ultimo yung mga gusto nilang lakas at hinang part, hindi masusunod talaga 'yan, e.

"Kaya nga uulit-ulitin ko, kung gusto nila, sila na lang o kumuha sila ng singers na gusto nilang susunod sa kanila. Kasi, masisira lang ang morale ng singers na kumanta nun. Alam ko namang lahat ng kumanta in the past, they all did their best kaya mataas ang respeto ko sa kanila," sabi niya pa.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

232 Comments

  • 232  blackspear01

    03/22/2010 | 10:30 PM
    although there's a law about how to sing our national anthem properly, masyadong nagmamagaling ang NHI with what they're doing, and Aiza has a point. And to sing it with pride is much better than people bstardizing the lyrics with stuff like quot;bayang inutang hindi na mababayaran. Sa Mandaluyong doon ka ikukulong.quot;

    to icyflameNY regarding hunkpapa, well said. what a Dbag.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 231  eemia

    03/22/2010 | 08:52 PM
    to totoy:

    I agree kahit sinong matinong presidente pa ang umupo kung hindi nmn susundin ng mga tao ang batas bale wala din. Kaya rin nmn di sinusunod ung batas kasi walang pangil, masyadong maluwag kaya walang asenso sa bansa natin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 230  totoy_sosyal

    03/22/2010 | 07:35 PM
    eemia :
    Ang dapat sa Pinas ay strict implimentation ng Batas. Ang kaso lahat sa atin ay di sumusunod sa Batas at ang nangunguna pa ay ang mga Government Official at Authorities. Haist Sino kayang presidente ang makakapag-bago ng ating pamahalaan?????sad..sad..sad...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 229  eemia

    03/22/2010 | 07:16 PM
    correct me if I'm wrong sa mga nakakaalam po diyan ng batas, makikita sa R.A 8491 na bawal baguhin ang tiempo at tono ng Lupang Hinirang. Kung gusto ng mga singers na magkaroon sila ng sariling version ng Lupang Hinirang siguro dapat lumapit sila sa mga mambabatas. Ang pinagtataka ko lang talaga, bakit pinapayagan ng NHI ang adidas ng gumawa at magbenta ng mga damit na may Philippine Flag eh sa pagkakaalam ko bawal un at kung gagawa ka man dapat para sa mga magrerepresent lang ng country. Sana 'wag lang ung sa LUpang HInirang ung pansinin ng NHI kasi sa totoo lang madami ng nagvi-violate ng RA 8491.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 228  totoy_sosyal

    03/22/2010 | 07:13 PM
    Kaya hindi umuunlad ang Pinas kasi pagalingan portion ang nangyayari. Like on this site lahat may opinion at lahat feeling matalino. Kung susundin ang batas may mali yong singer na kumanta at halata talaga. Pero ang pagpapasunod sa batas yon ang wala tayo. Kung ang batas ba ay talagang ipinatutupad di lang sa ahensya ng NHI e ang dami ng nakulong. Sad to say ang bansa natin ay napakahirap nang bumangon Itong pagkanta pa nga lang pinag-aawayan na. Kailan kaya aasenso ang bansa natin para di na tayo mangibang -bayan???Sad..sad..sad..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 227  v17_leiser

    03/22/2010 | 06:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 226  v17_leiser

    03/22/2010 | 05:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 225  churvalu

    03/22/2010 | 05:32 PM
    HAHAHA.. nakakatuwa nman.. totoo tlaga ano.. sa kapwa mong mali ang pag iisip magiging tama ang mali.. sure ako hindi kayo nakikinig sa teacher nyo nung grade school.. lumalabas na hindi nyo alam kung gaano ka importante ang ang batas ng Republika ng Pilipinas.. palibhasa fave subject nyo ingles hindi ba..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 224  churvalu

    03/22/2010 | 05:13 PM
    taas nman ng standard ni Aiza.. uu nga may respeto k sa sarili mo bilang artista pero dapat me respeto din pow tayo sa batas.. BATAS pow yan hanggat walang ammendment dapat sinusunod para tuloy lumalabas mga artist walang alam sa batas..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 223  makabayan19

    03/22/2010 | 05:09 PM
    i-surprise visit nyo yang NHI na yan.Di nila kabisado ang Lupang Hinirang.. Sure!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 222  girlyme

    03/22/2010 | 05:01 PM
    gusto lang ng NHI maging member ng TEAM PACQUAIO. Diba sabi nila sa susunod na laban ni Manny sasama na sila.

    Kaya dapat sila na lang ang kakanta, yon ay kung gusto sila ni Manny.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  secret2666

    03/22/2010 | 03:15 PM
    GO BOY!!! we proud of you!!! proud of pride!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 220  HornBlower

    03/22/2010 | 03:12 PM
    Maniwala naman kayo sa NHI. Kung talagang tapat ang mga iyan sa kanilang sinasabi dapat noon pa marami na silang pinag multa at napakulong na mga kumanta nito. Puro lang sabi sabi ang mga iyan. Hindi naman kayang i-impose ang naturang BATAS na sinasabi nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 219  HornBlower

    03/22/2010 | 03:12 PM
    Maniwala naman kayo sa NHI. Kung talagang tapat ang mga iyan sa kanilang sinasabi dapat noon pa marami na silang pinag multa at napakulong na mga kumanta nito. Puro lang sabi sabi ang mga iyan. Hindi naman kayang i-impose ang naturang BATAS na sinasabi nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 218  marchioness

    03/22/2010 | 02:41 PM
    I SO agree with you. Stop the criticism, complaints and what have you. I felt proud to be Filipino to hear Arnel Pineda sing it and I have the feeling that I would feel as proud, if not prouder, if you Aiza would sing it too one day.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 217  blinktubey

    03/22/2010 | 02:32 PM
    pansin ko lang, kamukha ni aiza si judy ann santos..=
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 216  Bopet

    03/22/2010 | 01:39 PM
    Si Ciara Sotto lang yata ang kumanta ng national anthem na hindi binago ang tono.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 215  dahlagi

    03/22/2010 | 01:39 PM
    Aiza, I agree with you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 214  Bopet

    03/22/2010 | 01:31 PM
    Korek Aiza!!! NHI nagpakita pa sa TV kung paano kantahin, type yata nilang kumanta sa laban ni Pacman. Paging MP...feeling nila sila ang mas marunong. Hay, crab....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 213  kwago07

    03/22/2010 | 12:29 PM
    alam mo aiza,, artistic feeling lng kasi ang nararamdaman mo,,, di mo ramdam yung nationalistic feeling kaya ganyan k mgreact!!!

    bakit di n lng sundin yng tamang pagkanta!! anong mali dun??? paki alam mo sa crowd! di nmn obob ang crowd para hintayin yun birit eh!!!
    mga singer kasi minsan e papansin,, alam nmn n ng lahat n maganda boses eh!!! para ano pa t bumirit!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About