news

Aiza Seguerra's suggestion to NHI on singing the National Anthem: "Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta."

by Roldan Castro posted on March 19, 2010  STATS: 33785 Views | 232 Comments

 

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already," says Aiza Seguerra.

Photo By: Noel Orsal

Nag-react ang singer na si Aiza Seguerra sa reklamo ng National Historical Institute (NHI) sa lead singer ng Journey na si Arnel Pineda dahil sa mali raw nitong pagkanta ng ating Pambansang Awit na "Lupang Hinirang" sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Joshua Clottey. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya nang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aiza kung gusto rin niyang kumanta ng National Anthem sa laban ni Pacman, ito ang sagot niya: "Sobrang dami ng kritiko. Parang ayaw ko na.

Paliwanag niya, "Hindi sa ano, siyempre gusto ko, gusto kong i-honor ang country ko. I'd be very, very proud. Pero if after nun, puro criticisms lang ang maririnig ko dahil hindi nagustuhan ng isang institution ang pagkakanta ko, parang what's the point?"

Nakausap ng PEP si Aiza sa presscon ng concert na Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris, na gaganapin sa April 16 sa Skydome ng SM North Edsa.

Natatakot na ba siyang kumanta ng Pambansang Awit?

"Hindi naman natatakot, pero masyado lang naki-criticize, e," sagot ng acoustic singer. "Ang sa akin, meron pala kayong paraan ng tamang pagkanta, might as well...kayo na lang ang kumanta.

"Alam ko na mahalaga siya sa atin, pero ang singer kasi may sariling interpretasyon sa song. Let's say National Anthem natin yun, kumbaga, I think ginagawa na namang isyu kay Arnel, di ba? I think kinanta naman niya sa ayos. Sa dulo daw parang binirit. But I think normal kasi gusto mong ibirit kasi gusto mong... Di ba, pag kinanta mo yun—'Ang mamatay ng dahil sa iyo'— mainit yung crowd sa paligid mo. Bakit hindi mo pa ibigay, hindi ba?

"Kasi, para wala nang mga issues na ganyan, yung NHI, magpa-audition sila ng kakanta, sila na lang. Kasi sabi ko nga, I think the only reason kung bakit naibirit ni Arnel yun sa bandang dulo, kasi emotions yun, e. Kasi kapag kumakanta kang ganyan, tapos nagsisigawan yung crowd sa paligid mo, emotions are running high niyan, e.

"Kaya nga, sabi ko nga," patuloy niya, "kung gusto n'yo ng mga taong sunud-sunuran lang sa gusto n'yo, kayo ang mag-provide ng singers. Kasi sa akin, kahit kaninong version, as long as you do your best, as long as you give your heart sa ginagawa mo, there's nothing wrong with that, and I think Arnel gave out his heart.

"I think lahat ng singers na kumakanta ng National Anthem natin ay gustong ibigay ang lahat ng puwede nilang ibigay. Naki-criticize sila because they want to give everything... Nagiging unfair, alam mo yun? Huwag namang i-criticize ang isang tao dahil gusto niyang ibigay yung best niya.

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already.

"Ano yung every Pacquiao fight, expect mo...si Pacman ang mananalo tapos iki-criticize yung pagkanta ng National Anthem. Parang old news na 'yan. Tama na! Bakit sa American Anthem, nakakanta nila how they feel it? Kasi National Anthem ito ng bawat tao, e. Kasi ito yung gusto ko, e. Eto ang nararamdaman ko, e... 'Ang mamatay ng dahil sa iyo?' Paano mo maibibigay yun na pababa ang nota mo? Gusto mo itaas, di ba?" mahabang paliwanag ni Aiza.

Dagdag pa ni Aiza, mahirap talagang sundin ang exact tempo ng "Lupang Hinirang" lalo na kapag walang minus one o bandang accompaniment.

"Ang hirap nun kung kakantahin mo lang siyang mag-isa. Ultimo yung mga gusto nilang lakas at hinang part, hindi masusunod talaga 'yan, e.

"Kaya nga uulit-ulitin ko, kung gusto nila, sila na lang o kumuha sila ng singers na gusto nilang susunod sa kanila. Kasi, masisira lang ang morale ng singers na kumanta nun. Alam ko namang lahat ng kumanta in the past, they all did their best kaya mataas ang respeto ko sa kanila," sabi niya pa.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

232 Comments

  • 32  ranz1227

    03/19/2010 | 06:02 PM
    bigbother read c0mment no.1
    then tel me kung sino ang epal. Eto reply ko sa comment na yun, eh ikaw anu b npatUnayan m0? Haha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 31  badjaobabe

    03/19/2010 | 05:58 PM
    27
    archeryrich

    korekadian! mas tensionado pa ata ang singer ng Pambansang Awit kaysa kay manny na lalaban ng 12 rounds

    di nga sya nabugbog sa ring, bugbog naman sya naman ng NHI the day after

    dapat naman talaga ganon eh may stamp of approval na bago sumalang para wala ng gulo..pero ang 'suggested by' ng tiga NHI, willing daw silang sumama sa team pacquaio para bantayan ang kung sinong singer na kakanta ng National Anthem

    hahahahahahaahahaha....ayan napahalakhak ako, ala pinoy style na sobrang lakas....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  glen

    03/19/2010 | 05:53 PM
    korek! pwede ding magpadala ang NHI ng rep para yun ang kakanta tama pa tyak ang tune.
    at sa mga singers na tulad mo Aysa, kalaokohan naman yang mga tono nyo kasi e Grade 1 pa lang kinakanta na natin yan hanggang sa magka uban na tayo kaya ano'ng reason para baguhin ito? aminin nyo na pa star lang kayo. nag ke crave din kayo sa papuri dahil kung sino mas carry ang high note sa dulo, mas madaming papuri.
    bat di nyo gayahin si LEA SALONGA na walang ka arte arte sa pagkanta? lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  badjaobabe

    03/19/2010 | 05:51 PM
    21
    bigbother

    hala behave na tayo baka mabartolina tayo hihihihi mahirap na!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  archeryrich

    03/19/2010 | 05:50 PM
    badjaobabe

    Eh paano nga tayo yata ang pinaka o isa sa pinakamaingay na lahi sa mundong ibabaw. Totoo naman nakakaiingay natin. Kaya nga,sa resto pa lang sa ibang bansa malalaman mo na Pinoy sila sa ingay habang yung mga katabi nila tahimik lang.

    Dapat kasi sa NHI,nakikipagcoordinate sa Team Pacquiao para masabihan o sila na lang ang magbrief sa singers. Pero mas maganda siguro kung sila na lang kumanta para maramdaman nila yung TENSION kapag nasa laban ka ni Pacquiao. Na tipong isa ka sa makikipagbugbugan.laugh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  archeryrich

    03/19/2010 | 05:50 PM
    badjaobabe

    Eh paano nga tayo yata ang pinaka o isa sa pinakamaingay na lahi sa mundong ibabaw. Totoo naman nakakaiingay natin. Kaya nga,sa resto pa lang sa ibang bansa malalaman mo na Pinoy sila sa ingay habang yung mga katabi nila tahimik lang.

    Dapat kasi sa NHI,nakikipagcoordinate sa Team Pacquiao para masabihan o sila na lang ang magbrief sa singers. Pero mas maganda siguro kung sila na lang kumanta para maramdaman nila yung TENSION kapag nasa laban ka ni Pacquiao. Na tipong isa ka sa makikipagbugbugan.laugh.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  bigbother

    03/19/2010 | 05:47 PM
    ugo - malay mo mag release si aiza ng

    Lupang Hinirang 2k10

    oh diba. featuring andrew e or gloc 9 sa rap part.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  ugo

    03/19/2010 | 05:44 PM
    may morale kapang nalalaman dyan..kayo dapat na mga celebrity ang magbigay ng ehemplo sa tamang pagkanta..kayo pa ang unang bumabaloktot... Hindi nman normal na kanta yan na pwede nyo erebayb..sige gawin nyo nalang rock n roll ang tono nyan para masaya na kayo..napakasimpling bagay di masunod..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  badjaobabe

    03/19/2010 | 05:43 PM
    16
    archeryrich

    reklamo nga yun ni arnel eh, nong nagdatingan na mga tao ingay ingay na daw! eh pano pinoy crowd ang karamihan, ang iingay natin sa totoo lang hahaha

    minsan dito, within 5 mile radius alam ko ng may mga pinoy sa paligid. sinasabi ko sa papa ko...there are filipinos around. tanong nya: how dyo know?...coz i can hear them already hahaha

    pag nagkita kita sila kahit sa public resto talagang nagtititili: AY KUYAAAAAHHH, ATENGGGGGGGG KAMUSTA NA???

    tapos ayun kahit magkaharap na silang nag-uusap akala mo nasa kabilang kalye yung isa...hahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  182395

    03/19/2010 | 05:42 PM
    aiza, aiza, aiza - if only...

    di ko masabi...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  bigbother

    03/19/2010 | 05:40 PM
    bwahahaha. may tama ka badjaobabe!

    si aiza na lang. pero parang ang sagwa. hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  archeryrich

    03/19/2010 | 05:39 PM
    erratum:

    I-revise na yang batas na yan. Madaling sabihin na dapat ganito kay kantahin,eh ang sabi iba ang feeling intense ang lahat kapag nasa staium ka na at nag-uumapaw ang emosyon ng mga tao sa laban ni Pacquiao. Oo,batas siya na dapat sundin pero andun tayo sa medyo sagwa naman ng
    Ang mamatay ng dahil sa'yo....yung normal tempo,parang walang kabuhay buhay! Iba kasi ang feeling kapag laban ni Pacquiao unlike yung normal day lang na kakantahin yung Lupang Hinirang.

    Might as well,revise na lang yung batas na iyun.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  badjaobabe

    03/19/2010 | 05:36 PM
    6
    bigbother

    kaya si aiza tinanong dahil si Aiza magaling manisid ng Perlas ng Silanganan!

    hahahaha joke joke joke!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  bigbother

    03/19/2010 | 05:35 PM
    dapat si ranzi ang kumanta. hahaha. kaloka. masyadong epal. hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  etutsbuguk

    03/19/2010 | 05:34 PM
    exactly,, u have proven your point with regard to this matter Ms. Aiza,, KUDOS,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  archeryrich

    03/19/2010 | 05:34 PM
    4
    bigbother

    Mahirap nga daw kantahin ang Lupang Hinirang lalo na kung walang walang minus one o bandang accompaniment. Kaya din yung ibang singer sharp o flat sa dulo kasi hindi na nila naririnig yung boses nila kasi nagsisigawan na ang mga tao. Revise na yang batas na yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  bakitt

    03/19/2010 | 05:34 PM
    naku aiza love pa naman kita per hindi ako agree sa sinabi mo.national anthem natin iyan dapat talaga kung ano man ang tono niyan kahit sino pa ang kumakanta dapat hindi natin ibahin,respeto lang eh.nakarinig na ba kau ng national anthem ng bang country na iba iba ang tono.1st,2nd na pagkakamali sige dapat palampasin pero sobrang tigas na ng ulo ng mga singers natin,paano sila nagig singer hindi naman pala marunong sumunod sa tamang tono.next time dapat talaga ang kuknin ni manny eh ung mga estudyande na nagli lead ng flag ceremony sa mga schools ms proud pa tignan un at sigurado alam nila ang tono,araw araw ba naman nilang kinakanta di ba?suggestion lang hehe..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  citiboy

    03/19/2010 | 05:32 PM
    infairness tama siya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  ranz1227

    03/19/2010 | 05:31 PM
    Tama..! Hndi naman kelangan sikat ang kumanta like arnel.Pwde namang magpadala nalang ang NHI ang kakanta. Keber ba ng mga mamunu0d kung sikat ang kumanta? L0ok at la diva, unknown. Oh di kumuha nalang ng unkn0wn din na mkakakanta ng maAyos.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  kibotchi

    03/19/2010 | 05:31 PM
    agree ako kay bigbrother.. yan kasi ang naaayon sa batas.. ndi dapat kulutin, itaas o pahabain ang tono ng Lupang Hinirang! dapat naaayon lang ito sa tyempo.. Maganda naman yung gnagawa ng mga singers sa rendition nila ng Lupang Hinirang kaso nga, ndi dapat ganun ang kanilang dapat gawin sa LH at yun ay nasa batas. ganun lang po!

    According to Chapter II, Section 37 of Republic Act No. 8491, the Flag and Heraldic Code of the Philippines, the rendition of the National Anthem, whether played or sung, shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About