news

Aiza Seguerra's suggestion to NHI on singing the National Anthem: "Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta."

by Roldan Castro posted on March 19, 2010  STATS: 33753 Views | 232 Comments

 

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already," says Aiza Seguerra.

Photo By: Noel Orsal

Nag-react ang singer na si Aiza Seguerra sa reklamo ng National Historical Institute (NHI) sa lead singer ng Journey na si Arnel Pineda dahil sa mali raw nitong pagkanta ng ating Pambansang Awit na "Lupang Hinirang" sa katatapos na laban ni Manny Pacquiao kontra kay Joshua Clottey. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya nang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aiza kung gusto rin niyang kumanta ng National Anthem sa laban ni Pacman, ito ang sagot niya: "Sobrang dami ng kritiko. Parang ayaw ko na.

Paliwanag niya, "Hindi sa ano, siyempre gusto ko, gusto kong i-honor ang country ko. I'd be very, very proud. Pero if after nun, puro criticisms lang ang maririnig ko dahil hindi nagustuhan ng isang institution ang pagkakanta ko, parang what's the point?"

Nakausap ng PEP si Aiza sa presscon ng concert na Acoustic Sessions with Aiza, Princess and Juris, na gaganapin sa April 16 sa Skydome ng SM North Edsa.

Natatakot na ba siyang kumanta ng Pambansang Awit?

"Hindi naman natatakot, pero masyado lang naki-criticize, e," sagot ng acoustic singer. "Ang sa akin, meron pala kayong paraan ng tamang pagkanta, might as well...kayo na lang ang kumanta.

"Alam ko na mahalaga siya sa atin, pero ang singer kasi may sariling interpretasyon sa song. Let's say National Anthem natin yun, kumbaga, I think ginagawa na namang isyu kay Arnel, di ba? I think kinanta naman niya sa ayos. Sa dulo daw parang binirit. But I think normal kasi gusto mong ibirit kasi gusto mong... Di ba, pag kinanta mo yun—'Ang mamatay ng dahil sa iyo'— mainit yung crowd sa paligid mo. Bakit hindi mo pa ibigay, hindi ba?

"Kasi, para wala nang mga issues na ganyan, yung NHI, magpa-audition sila ng kakanta, sila na lang. Kasi sabi ko nga, I think the only reason kung bakit naibirit ni Arnel yun sa bandang dulo, kasi emotions yun, e. Kasi kapag kumakanta kang ganyan, tapos nagsisigawan yung crowd sa paligid mo, emotions are running high niyan, e.

"Kaya nga, sabi ko nga," patuloy niya, "kung gusto n'yo ng mga taong sunud-sunuran lang sa gusto n'yo, kayo ang mag-provide ng singers. Kasi sa akin, kahit kaninong version, as long as you do your best, as long as you give your heart sa ginagawa mo, there's nothing wrong with that, and I think Arnel gave out his heart.

"I think lahat ng singers na kumakanta ng National Anthem natin ay gustong ibigay ang lahat ng puwede nilang ibigay. Naki-criticize sila because they want to give everything... Nagiging unfair, alam mo yun? Huwag namang i-criticize ang isang tao dahil gusto niyang ibigay yung best niya.

"Kung may sarili silang standard sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang,' at gusto nila sila ang masusunod, sila na lang ang maghanap ng singer. Sila na lang kumanta o pumili ng kakanta. Magpa-audition sila, at least mamanduhan nila. Stop the criticism already.

"Ano yung every Pacquiao fight, expect mo...si Pacman ang mananalo tapos iki-criticize yung pagkanta ng National Anthem. Parang old news na 'yan. Tama na! Bakit sa American Anthem, nakakanta nila how they feel it? Kasi National Anthem ito ng bawat tao, e. Kasi ito yung gusto ko, e. Eto ang nararamdaman ko, e... 'Ang mamatay ng dahil sa iyo?' Paano mo maibibigay yun na pababa ang nota mo? Gusto mo itaas, di ba?" mahabang paliwanag ni Aiza.

Dagdag pa ni Aiza, mahirap talagang sundin ang exact tempo ng "Lupang Hinirang" lalo na kapag walang minus one o bandang accompaniment.

"Ang hirap nun kung kakantahin mo lang siyang mag-isa. Ultimo yung mga gusto nilang lakas at hinang part, hindi masusunod talaga 'yan, e.

"Kaya nga uulit-ulitin ko, kung gusto nila, sila na lang o kumuha sila ng singers na gusto nilang susunod sa kanila. Kasi, masisira lang ang morale ng singers na kumanta nun. Alam ko namang lahat ng kumanta in the past, they all did their best kaya mataas ang respeto ko sa kanila," sabi niya pa.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

232 Comments

  • 12  12345

    03/19/2010 | 05:30 PM
    totoo nman ang NHI nlng kumanta laht ng kumanta may reklmo sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  agua823

    03/19/2010 | 05:30 PM
    my punto din naman si aiza eh,pinapalaki na lang nilang palgi yung issue ng pagkanta na Lupang Hinirang siguro nga mas mabuti na sila na lang pumili o maghanap ng kakanta sa susunod para wala silang sinisisi o binabatikos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ako_ito

    03/19/2010 | 05:30 PM
    para wala na nga away, taga-NHI na nga lang kakanta..

    o yung mga teachers sa school, kasi mas alam nila..

    parang yung music teacher ko nun elementary.. ang galing!!! pati yung ako ay pilipino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako_ito

    03/19/2010 | 05:26 PM
    i agree with Aiza... medyo iba kasi ang aura pag labanan ng boksing.. intense ang emotions... kaya naman palaging sa huli naiiba yung tono.

    kung sa mga flag ceremonies din at sinehan, iba rin naman ang versions...

    si GMA kaya, makakanta din nya kaya ng tama ang Lupang Hinirang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bigmouth

    03/19/2010 | 05:25 PM
    Ngayon ko lang napansin na magkahawig si Juday at Aiza lalo na sa pic na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bigbother

    03/19/2010 | 05:24 PM
    tama ehmm,

    bakit pa kasi babaguhin.

    kita nyo yung kay lani misalucha? ang laking lagapak dahil feeling niya maabot niya ang high note sa dulo. ayun, nagmukhang ewan. hahaha.

    at tsaka, bakit tinanong ng writer na ito ang reaction ni aiza. sino ba tong singer na to para hingan ng reaction. kaloka. ang babaw ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehmm

    03/19/2010 | 05:20 PM
    Guys, guys...please lang wag nating idamay and national anthem sa tigas ng ulo ng mga pinoy and pang-aabuso sa demokrasya...Hindi na dapat kuwestiyonin ang tono at alam nating lahat na hindi talaga dapat baguhin ang tono...mula primary hanggang makatapos tayo ng kolehiyo...never na nabago ang tono saan mang eskuwelahan. Let's give due respect to our National anthem and Country, ok. Ewan ko lang kung bakit kailangang artehan ang tono e obvious namang lalo tayong napapahiya...at worlwide po, iisa lang ang tonong sinusunod sa bawat bansa for their own national anthem...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bigbother

    03/19/2010 | 05:19 PM
    simply lang naman ang hiling at reminder ng nhi, kantahin ang kanta ng naaayon sa batas.

    para lang yang nag ja-jaywalking.

    lumalabas ang pagka fan nyo sa mga comments nyo. isipin nyo ang tama. kaloka kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aleyah

    03/19/2010 | 05:15 PM
    GO ako for aiza.... tama ka jan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shinsei

    03/19/2010 | 05:15 PM
    tama ka aiza. kayo nalang kakanta mga NHI. wla kayong kwenta na institution!
    baka kasi humingi lng ng paba-on kay pacquiao. hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bigbother

    03/19/2010 | 05:13 PM
    ang ewww din kung ikaw ang kakanta kaya.

    ang astig mo naman kung makapagsalita ka against sa isang government agency. ano na bang napatunayan mo? sheeesh...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About